Bakit kaya sa dinami-rami ng mga estudyanteng magiging klasmeyts ko itong mga to pa? Matatalino naman sila. PEro nababadtrip na ako sa kanila. Every tuesdays and thursdays, parang alam ko na naman ang mga mangyayari. Alam kong uusok na naman itong tenga ko sa sobrang kabadtripan sa kanila.
Bakit ba tuwing may discussion ang iingay niyo? Hindi ba kayo tinuruan ng mga teachers niyo nung highschool and elementary pa kayo ng GOOD MANNERS? Di ba turo nung mga teachers na pag may nagsasalita sa harapan lend your ears. HIndi lend your mouth. Napakadisrespectful sa mga teachers. Scholars pa man din kayo.
Ewan ko ba kung bakit sa buong araw na magkakasama kayo hindi kayo nauubusan ng mga kwento. Kahit magdadasal na hindi kayo matigil. Kelangan sisitahin pa para tumigil.
Hindi ba kayo nakakaramdam na kayo lang ang maingay sa klase. Minsan nga gusto ko nang lumipat ng upuan. Naririndi na ako sa mga kwento niyong puro kayabangan. Sana naman maging sensitive kayo sa mga taong nasa paligid niyo.
Minsan pa kung magtanong kayo sa akin parang mali ung mga sagot ko. E di sana hindi na kayo nagtanong kung sarili niyo lang din paniniwalaan niyo. Tulad kahapon. Tatanong-tanong ka tapos hindi ka naman pala maniniwala. Kung itatanong mo rin pala sa iba sana hindi mo na ako tinanong. Badtrip!
P: Di ba hindi kasama yung break even sa Exam?
Ako: Kasama sabi ni sir.
P: Hindi naman kasama yun e. Hindi pa nga natin nadidiscuss e.
(nagtanong sa kaibigan niya)
P: ui W di ba hindi naman kasama yung break even?
(sumagot nakatingin sa akin)
w: Hindi. hindi naman niya tinuro e.
Ako: Pero sabi niya e. study daw natin kasi kasama yun.
P: hindi. HIndi naman sinabi e.
Ako: ok. HIndi ko naman kawalan yun e.
See? tatanong-tanong hindi naman pala maniniwala. Pinalabas pa akong sinungaling. E panu niyo naman kasi maririnig si sir e daldalan kayo ng daldalan. Gusto ko sana tong sabihin sa inyo kaya lang ayaw ko namang maging bitter. Plastic na kung plastic. Pero next time pwede wag na kayong magtanong sa akin?
Isa pa sa mga napansin ko sa inyo. Bakit sa tuwing may mga take home quizzes or assignments, sa akin kayo nagtatanong? E di ba matalino naman yung tropa niyo? Bakit hindi kayo magtanong sa kanila e kaibigan niyo naman ang isa't isa? Sa akin pa kayo magtatanong.
Tapos kung may test sa akin kayo lumalapit? Bakit helper ba ako? Tapos pag di kayo napakopya isisisi niyo sa akin. Anong tingin niyo sa akin? Gago? Mga spoiled brat talaga walang magawang maganda sa mga tulad ko.
Sana iobserve niyo naman yung behaviours niyo. Ako gusto kong mag-aral ng mabuti kasi gusto ko maintindihan yung mga lessons. Ngayon, kung ayaw niyong matututo, wag kayong mandamay ng ibang tao. Hindi lang kayo ang estudyante sa classroom. Marami kami.
Kakabadtrip kayo ahh. You are pissing me off. And sa next term nakita ko schedule niyo. Pakshit yan! Bakit ba sa dinamirami ng mga students, magiging klasmeyts ko na naman kayo sa dalawa kong subject? Badtrip talaga. Kelan niyo ba ako tatantanan?
Alam kong normal sa mga estudyante ang hindi matigil ang bibig kakadaldal. Pero sana hinay-hinay lang. At sana bulong lang, hindi yung kakanta pa kayo kahit may nagtuturo. "I will never let you fall..." Laglag ko kayo dian e. Oo, paborito niyo na ung kantang yan, pero pwede after class na kayo kumanta? Kahit sa Plaza V pa kayo magconcert ok lang basta wag sa loob ng classroom.
Badtrip talaga tong mga to. Kung mainitin lang ulo ko baka sumabog na ako e. Buti na lang God gave me a longer patience. Grrr. X_X
1 comment:
naku dude you have to learn to not mind them. evil is part and parcel of our lives. un lang. ingats.
Post a Comment