Tuesday, 8 December 2009

Sa Pinas Lang May Gan’to: Be Proud Or Not To Be???




Una. Nakakita ka na ba ng presidential elections  with almost 50 candidates??? Hindi pa noh! Antayin mo Eleksyon next year magugulat ka sa mga makikita mong kandidato! Masyado kasing maraming naghahangad ng trono ni arroyo kaya kung sinu.sino na lang ang nagfile ng certificate of candidacy. Masyadong maraming naghahangad na maupo sa malakanyang , e iilan lang naman talaga ang may kakayanan. Infact, mabibilang mo lang sa mga daliri ng manok. Yung iba naman kasi nakagawa lang ng konting kabutihan gusto ung kapalit boto. Ano to? Tulong bata? Meron namang kahit hindi kilala nagsisipagtakbo. Sarap pahabulin sa aso para tuluyan nang tumakbo!whahaha


Pangalawa. San ka nakakita ng pinatalsik at pinakulong na pangulo dahil umano sa kurapsyon ayon na rin sa kagustuhan ng sambayanan pero ngayon heto’t nag-file na rin ng COC para sa darating na eleksyon? Dito lang meron niyan! WALA NANG IBA! Hindi pa ba sapat na malamang kaya kang ipagkanulo ng mga taong tumulong sa’yo nung una pero dahil ayaw ka na nila agad kaya kinasuhan ka ng plunder? Tapos sasabihin mo pa ngayong malapit ka ng bumalik? Sa tingin mo ba may nag-aantay pa rin sayo? Siguro meron ung mga fans mo nung artista ka pa! sina lolo’t lola! Whahaha



Pangatlo. San sa apat na sulok ng mundo merong taong matapos maluklok sa tuktok ng bundok este ng kapangyarihan e muling nagnanais ng upuan bilang representative ng isang distrito ng pampanga? Imagine, mula taas pababa. Hindi ba nakakahiya yun? Kakainin mo ung pride ng pagiging presidente mo dahil lang sa obsession mo sa kapangyarihan? Tsktsktsk


Pang-apat. San ka nakakita ng mga pulitikong hindi pa nahahalal pero mas malaki pa ang ginastos na pera para sa campaign ad kesa sa sahod na kikitain niya kung sakaling siya ay mahalal? Hindi kaya mangungurakot lang tong pulitikong ito para mabawi lahat ng perang ginasta niya para sa ikauunlad ng kanya lang pamilya? Hay buhay…

Ilan lang yan sa mga napapansin ko ngayon! Marami pa! Super dami pa! Kaya lang nakalimutan ko ilalagay ko ee. Hahaha! Abang lang kayo! Whahaha
=)))