Thursday, 29 April 2010

'Lil Boy at Election Issue

     Ilang araw na lang pala at eleksyon na. Ano na naman kayang mangyayari ngayon. sana wala ng dugaan. Sana wala ng patayan. At sana wala ng inosenteng masasaktan.

     Ilang eleksyon na ba ang nagdaan na puro dugaan ang naririnig ko. Mga panahong naririnig ko sa balita ang mga taong namamatay lalo na yung mga teachers. Nakakaawa sila pero mas naaawa ako sa mga taong gumagawa nito kasi nakain na sila ng demonic side of power.

     Pero hindi awa ang dahilan kung bakit ko sinulat ito. Alam kong time molded us para mas maging matatag sa mga ganitong pagsubok at maiwasan ang mga panduruga ng mga daluk sa position. Kung may mga patay-gutom, sila yun.

     Alam kong marami pa ring tao ang naniniwalang may pag-asa pa sa lugar na 'to. Mahirap paniwalaan pero ito lang naman ang tanging mapanghahawakan natin e. Yung positivity sa sarili.

   Alam kong sa mga pulitikong ito, merong mga taong totoong nagmamalasakit sa bansa nila. Mahirap lang hanapin at kilalanin kung sino sila kasi nakatanim na sa utak ng tao ang mga katagang 'kurakot', 'ganid', 'magnanakaw'...

     At alam ko ring sa dami ng mga tatakbo karamihan sa kanila, position lang ang habol, ang pera at ang kapangyarihan. Ewan ko pero parang mararamdaman mo naman yun sa isang tao e. Instinct! Ako, personally, feeling ko yung taong to ang dapat manalo kasi nakikita ko sa mukha niya yung sincerity sa mga sinasabi niya although nagiging masama yung image niya dahil sa koneksyon niya sa Malacanang.

     May isa namang pulitiko na nakakasawa na yung mga  ads. Honestly nung malaman kong tatakbo siya na pangulo a couple of months before the  the intent of candicacy (nakalimutan ko tawag dun e), sabi ko sa sarili ko iboboto ko siya kahit hindi pa ako botante. Pero nung nagsulputan yung mga commercials na, nabadtrip ako sa kanya. Sabi niya mahirap siya pero bakit ang dami niyan ads. I mean, alam kong galing yun sa kinita niya pero kung galing ka sa hirap alam mo dapat yung pangangailangan ng mga taong nasa paligid mo hindi lang ng sarili mong pamilya. Parang ipinakita lang niya yung pagiging uhaw niya sa kapangyarihan. Feeling ko gagawin niya lahat ng commercials na mapanlinlang para lang makuha yung loob ng mga tao. Well, kung ganun man hindi niya ako maloloko. Just an opinion!! :))

     Minsan tinatanong ko sarili ko kung posible kayang appease yung darating na eleksyon. Pero sana nga oo kasi hindi lang naman ang mga taong nagbabangayan na ito ang apektado e, damay kami. At mas kawawa ang lahat ng mga batang isisilang pa sa panahon ngayon.

     Bakit ba ang daming makasarili sa mundo. At bakit yung mga taong ito pa ang super kakapal ng mukha. Badtrip! Ang lakas humarap sa tao para manghingi ng tulong pero pag tayo na ang nangangailangan nakatago na sila sa mga mansion nila. Mga magikero pa. They have to draw our attention away from what they are really doing.

    Marami na tayong pasakit na pinagdaanan. Gugustuhin mo bang mangyari ulit iyon? Marami na rin tayong pagkakamaling nagawa. Uulitin mo pa ba 'yon? Sana wag na, kahit hindi na para sa atin. Para na lang sa mga batang mabubuhay pa sa mundo. At para na rin sa kalinisan ng pangalang PILIPINAS.

A Simple Prayer (mala-Santino)
     Bro sana po gabayan Ninyo kami sa darating na eleksyon. Sana po walang masaktan at mabuwis ang buhay. Higit sa lahat, sana po walang  dayaang maganap. Sana po maihalal namin ang mga taong nararapat sa kanilang pwesto para maglingkod sa bayan. Gabayan rin po Ninyo kami sa pagpili sa mabuti at tapat na  taong aming iboboto.

     Patawarin Niyo po ang mga taong nagkasala sa inyo. Hindi po nila alam ang kanilang ginagawa. Gabayan Niyo po sila sa tamang daan para maitama ang mga mali at magkaroon ng kapayapaan.

     Salamat po Bro! 

Monday, 26 April 2010

Vacation Photos

     Sorry wala akong mapaglagyan ng mga photos ko so I decided to just post it here. Ayaw ko sa facebook masyadong public sa mga kaibigan. Anyway, the photos you will see here are just portion of so much adventures. But this one is the best among all. Visit at the jungle. 



Going in to the forest. Mga ate ko yan at yung nasa dulong nakagray ay pinsan ko. Nasa unahan na ung mga guide namin. 




 

Ito yung way para makadaan yung mga vehicles. Sa gilid yung kagubatan. Ang sarap maglakad dito. Mainit nga lang! 






Trip lang. MAy butterfly kasi kaya kinuhaan ko ng picture. Kaya lang hindi SLR yung gamit ko kaya hindi kita. 





Pasintabi mo sa kumakain. Ebak po yan. Trip ko lang ang laki kasi e. Tae yan ng kabayo. As in TTAAEEEE !!! :))






I am fan mo candid shooting. At gusto ko lagi ay yung nakatalikod yung mga tao. Para adventure talaga yung dating. hehe





We saw a plain green land kaya napagtripan naming magpahinga ng sandali. And take pictures of course!





Jumpshot! After so many trials, nakakuha rin yung ate ko (nasa gitna) ng magandang jumpshot. Ang galing ng kuha ko! haha





First time namin makakita ng bunga ng pandan. So pinutol namin mula sa puno then take a pic then dump and leave. Ang bad! peace pandan!!! 





Nakakita ng kalabaw. Ang pandak ng kalabaw na 'to as in. Parang Kabayong maliit. Ano nga ulit tawag dun? :))






This is great! Super ganda. Parang paradise. Ang sarap sa mata at sa pakiramdam. 




Kumpol ng buko. Napagtripan naming kainin. Hindi po unggoy yung nasa puno, kapatid po yun ng asawa ng ate ko! :P





Group shot endorsing buko. Ang sarap ng buko pag bagong pitas and so refreshing. Unlike mga buko sa Manila parang tuyot, hindi nakakarefresh sa katawan.





Ang ganda ng view. Ganito yung mga nakikita ko sa books e. Feeling ko professional ako. HAHA sorry for reaching my own bench. Sarili ko lang naman pupuri sa sarili ko e haha :))





Mini Pinya. Ang kyut ng pinyang to parang mangga sa sobrang liit. Ang sarap pitasin. :))





Papasok sa gubat ng kamatayan. JOKE! Madulas yung lupa kahit tuyo. Kaya kapit bisig. Hindi pala, kapit damit! :))




Ako nasa likod nila. Balak ko sanang tulakin para sama-sama silang mahulog para mukhang domino. HAHA. Sama ko! pero di ko ginawa sympre :))




Ang ganda ng view. Nice shot ulit para sa akin HAHA. Wala kasi akong masabi kaya kayabangan na lang. :))





I love green. Palayan ng pamilya ng asawa ng ate ko. TRIVIA: Nakatapak ako ng gaplatong tae ng kalabaw dahil sa pagkuha ko ng pic na 'to. Kasalanan niya! peace :))




Moymoy. Ang kyut ng unggoy na 'to. Nananabunot. Ang sarap lokohin. Pikon e. HAHAHA. Ang galing pa kumain ng saging. Unggoy e. 






Near view ng palayan. Ang galing, nag-iba yung kulay nung tanghali na. Kanina green ngayon yellow-green na na parang may outline ng green. :))




Nagsisisigaw ate ko (yung nakaupo) kasi malalim daw. Nung nadulas siya saka lang niya narealize na hanggan talampakan pa lang yung tubig. Actually napahiga silang dalawa ng ate ko e. Hindi ko lang nakuhaan. Sayang. Laughtrip sana! =))




Ito yung sapa parang baha lang. HAHAHA. Malinaw yan, kulay brown lang kasi yung nasa ilalim kaya mukhang malabo. Ang lamig pa ng tubig sarap maligo. :))




Yeepee! Sarap maligo. Lamig ng tubig. Parang shower din pero mas masarap dito. :P






Bench Body Payatot Edition. HAHAHA. Sarap maligo. Dapat yung stolen e para mas hot! JOKE. Ang payat ko. grrr. X_X







     Alam ko naumay ka sa last photo. HAHAHA. Pero the best talaga ang experience na 'to. Although may mas gusto pa akong masubukan. Gusto ko yung pamatay pagod yung paglalakbay. Mabilis lang kasi 'to e. Gusto ko yung aabot ng ilang linggo kakalakad. :))

     Marami 'tong pic na 'to kasama yung buong bakasyon naminn sa Luisiana. I'll try to upload it at my multiply account not now or tomorrow but someday (kakatamad e).  =))

     Pahabol !!! Napagtripan ko lang picturan yung sky and great! Ang ganda. Lalo lang tuloy akong nanggigigil sa SLR. Sana magkaganto ako. Ang mahal kasi e! I love photography. :))

Friday, 23 April 2010

The Most

     Before we ended up our last meeting in my Economy class, my prof have let us watched a video clip that is so inspiring. Of course it's inspiring 'coz this blog would not be written in the absence of it. I really love it. It contains a lot of real-life messages in pain. And as I watched it, it seemed tears were stranded in my eyes. 

     Napakagaling ng pagkakagawa ng movie na 'to. It clearly states what human life is. And what kind of people are in this sinful world. After kong panuorin yun, palagi ko nang binibista ang youtube para bisitahin ang video clip na to.

     Naisip ko sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo bakit yung mga mabubuting tao ang dapat magsakripisyo? Hindi ba't sila naman ang nagkakasala so the punishment should be unto them. Pero hindi ganun ang nangyayari. Kung sino pa ang gumagawa ng kanyang mabuting buhay, siya pa ang dapat magsakripisyo para sa kapakanan ng nakakarami. Bakit nila kelangang magsacrifice kung ang mga sarili lamang ng mga taong binibigyan nito ang kanilang iniisip? Mga taong sinasayang ang kanilang buhay para sa sariling luho.

     Probabilism is not an answer but is what accepted by the majority. Kung ililigtas mo kasi ang iisang tao para sa ikakapahak ng marami, magmumukha ka namang makasarili. But have they asked their selves na worth it bang iligtas ang mga taong katulad ng nasa video? Do they deserve to live their lives the way they are spending it now? 

     I don't think so. Kung alam kong ganung mga tao ang ililigtas ko, I will only save my only son. Pero hindi ganun kadali yun e. Hindi naman natin alam kung sino ang masasama at kung sino ang hindi. At hindi lahat ng nasa "train" ay mga taong walang pakialam sa buhay ng iba dahil kahit saang sulok ng mundo sama-samang tayong nabubuhay. 

     Minsan tuloy naiisip ko, ang mga taong mabubuti lang ata talaga ang mga taong nakaiintindi sa tunay na kahulugan ng buhay. Kaya sila na lang ang nagsasakripisyo dahil alam nilang sila lang ang maaasahan ng mga taong nangangailangan. At dahil nga nabubuhay tayo sa iisang mundo, ang kapakanan ng iba ay kapakanan na rin ng nasasakupan, ng nakakarami. Pero ang sakit at pighati ng isa, ay pighati niya lamang at wala ng iba. Ang sakit isiping yung mga taong iniligtas mo ay wala man lang kamalay-malay sa nangyari sa'yo. Ni hindi man lang sila dumungaw sa bintana para magbigay ng pakikiramay at dalamhati. Ni hindi nila alam na nailigtas sila from a deep great pain. Narerealize lang ang mga bagay-bagay kapag meron ng namamatay! :c

     Hindi ba't ang sakit sa pakiramdam. Ang sakit isiping sa kabila ng kabutihang iyong nagawa sa mundo, ikaw pa ang magsisilbing pain sa kapahamakan. Life is so unfair. Kaya sana isipin naman ng mga taong ito na may mga nasasaktan sa panahong sila ay nangangailangan. Hindi basta-basta ang buhay. Kaya sana we give importance to it 'coz hindi lang naman sila ang apektado. Lahat ng taong nasa paligid nila nadadamay and most of the time ito ang mga taong nagmamalasakit pa sa'yo. :((

The salvation of all requires the sacrifice of one most dear. And the sacrifice of one, bought the hope of the future.
    

Busy Week Over Again

     Since malapit na ang final exam namin, which is next week, tinambak na naman ng mga professor ko ang gabundok na projects sa amin. Walang tulugan na naman ito. At for sure bangag na naman ako after this week. Bakit ba tuwing malapit na magtest saka sila nagbibigay ng mga sandamukal na projects. Dapat nga maintindihan nilang dapat kaming magreview para sa Finals namin, di ba?

     Anyways, Marami na namang requirements. Una si Marian "trying hard" nagpagawa sa amin ng web site. What website? E wala pa kami sa majors namin para gumawa ng website. Basic word, excel, and powerpoint lang po ang itinuro mo sa amin. Nahihibang ka na po ba? Parang gusto ko siyang tanungin ng ganto nung sinabi niya yung project namin e. Parang nagimbal utak ko dun. Buti na lang marunong yung isa kong kasama at siya na ang gumawa. As in siya lang ang gumawa. 
     Bago pala ako tumuloy sa next pahirap project, I just want to inform you na nawala yung notebook ko. Badtrip. Nandun lahat ng notes ko. Finals na next week. Anong gagawin ko? Kahit ayaw kong magsimula ulit from scratch, wala na akong magagawa kundi gawin yun. Kung saan-saan ko na hinanap yun. Nilibot ko na buong Benilde, wala pa rin. Iniwan ko na nga yung trabaho ko para dun e. Wala talaga. Badtrip.
 
     Next on the list ay ang 2-minute video presentation namin sa Economy. Hindi naman ako masyadong nahirapan dito kasi madaling sagutin yung tanong. (How can we improve the Philippine Economy?) Isa pa favorite ko yung subject kasi magaling magturo si Sir Hernan. The Best! Hindi ako nahirapan sa paggawa ng video clip. Na-express ko naman yung sarili ko. Pero may problema pa din. I need to burn it in a CD. May burner kami sa bahay pero wala akong CD. Gabi na saan pa ako bibili. Alas-12 na ako natapos sa paggawa e. I decided na gumising na lang ng 5am para maghanap sa mga computer shops. Sa kabobohang palad, e saang computer shop ba bukas ng 24-hours? Nasayang lang yung oras ko kakahanap. Wala rin akong napala. I called Bhabes (that's how we called her) na dalhin yung laptop niya para makiburn ako. Wala kasing burner yung sa akin kasi notebook PC yun. Alangan namang dalhin ko yung burner namin e ang bigat nun.  Sabi ko kita kami sa LRC (library namin). Sa kabobohang palad ulit, dalawa ang LRC namin (main and extension). Hindi ko nasabi sa kanya na sa extension kami magkikita. Pumunta ako sa extension siya sa main. Worst, walang signal sa extension kaya hindi kami nagkaabutan. Pakshit tlaga. Pero buti na lang Nagkita kami before class.

     Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to pero isa lang ang alam ko, it's not my day. Eff talaga. Ayaw maburn nung ginawa ko. E ayaw pa naman ni sir ng may mga gadgets na bukas sa room. so ang ginawa ko naupo ako sa dulo at inilapag ang laptop ni JP sa sahig para hindi niya makita. Success. Hindi niya nakita, hindi ako napagalitan pero hindi ko rin naman napasa yung project ko. Nakiusap ako kay sir na ipapass ko later. Buti na lang mabait si sir at pinayagan niya ako. Thanks to JP, dahil sa laptop niya Naburn ko rin ang fucking project na 'to. Thanks din kay Bhabes kasi pumasok talaga siya ng maaga para ipahiram sa akin yung laptop niya. Bait talaga ni Bhabes. Iba sa mga kaibigan niya. :))

     That day rin ang rehearsal namin sa ORALCOM class para sa speech choir. E that day is our group work para sa movie review sa Filipino. So sabi ko kina Jo, Muriel at Daph na malelate ako. They understand naman. After ng nakakatawang rehearsal dahil sa kaingayan at kalokohan nina James at Dan, umalis na ako para pumuntang taguig. Halos maubusan ako ng hininga kakatawa sa dalawang 'to. Wala tuloy kaming napala sa rehearsal. Bahala na bukas sa presentation. =))

     Exactly 7 nasa DOST na ako. Akala ko susunduin ako nila Daph, hindi pala. They instructed me kung saan ako dadaan. Unfortunately again, naubusan ako ng load. Wala na akong pantext sa other networks. Buti na lang nakita ko si Arturo sa sakayan ng tricycle. Nakitext ako sa kanya. Sinamahan din niya ako kung saan sasakay papuntang Bagumbayan. Thanks Arturo hulog ka ng langit!

   Sa wakas nakarating na din ako kila Daph. Matapos ang pahirapang pagpasok sa village nila, nakapagpahinga rin kahit papaano sa malambot niyang kama. Hay salamat. Before kaming gumawa, kumain muna kami. At syempre favorite ko ang iced tea nila. The best. Ang sarap. Napaka-refreshing. Sa tingin ko nga kaya kong ubusin yung isang pitcher ng iced tea e. Kung hindi lang nakakahiya game. 

     Siguro mga 10:30 na kami natapos sa group work. Hindi rin naman namin natapos yung presentation pero at least nakapag-isip kami kung ano ang gagawin. We decided to go home na. Gabing-gabi na. Habang nasa jeep kami, kinakabahan ako kais baka mahold-up ako. Dala ko pa man din yung laptop. Buti na lang hindi nangyari.

     Anyways, kinabukasan sinimulan ko nang gumawa. Buti na lang natapos namin yung presentation. Pero hindi rin naman kami nakapagpresent kasi naubusan ng oras. Pero sabi ni miss, sa LRC na lang daw namin ipresent yung video. 

     Natapos na din ang speech choir namin at take note, nanalo kami. Kulang pa sa practice yun pero wag ka. San ka pa? Dinuga nga namin yun e. Dahil sa sobrang kaba nakakalimutan namin yung lines. Buti na lang nasa harap si Jason (nanalo siya sa extemporaneous speech) para sabihin sa amin yung lines. Buti na lang din at hindi naririnig ng mga judges! At ayun, wagi! Yahoo. sure pasado na ako! =))

     After ng speech choir, nagpunta na ako sa LRC para ipresent yung project namin. Wag ka ulit, impress si miss sa gawa namin. Ilang beses niyang sinabing ang galing namin. Ang ganda raw ng review at ang pagkakagawa ng presentation. At dahil diyan exempted kami sa Final Exam. Yahooo! Bawas alalahanin. Thanks Miss Sebrio. The Best ka talaga miss. 

     Hayyy!!! Buhay estudyante talaga sobrang hirap. Pero masarap sa pakiramdam na makitang maganda ang kinalabasan ng mga pinaghirapan niyo. Dahil tapos na ang week na 'to wala na akong problema sa projects. Exams na lang. Wala ako reviewer kaya stock knowledge na lang. HAHAHA. Yabang ko! 

     After hardships are success! I miss the moment. :))

Tuesday, 20 April 2010

Reminiscing...

     Tuwing naglalakad ako palabas at papunta sa bahay namin, lagi akong nakakasalubong ng mga sandamakmak na mga bata. Mga naglalaro sa kalsada. Walang pakialam sa mga dumadaan. Mabangga man ito o kung anuman, tuloy lang sila sa mga ginagawa nila. Minsan nakakainis pero most of the times naaalala ko yung mga panahong naging bata din ako.

     Nakakamiss talaga maging bata. Parang gusto kong bumalik sa panahong musmos pa ako at walang pakialam sa mundong ginagalawan ko. Parang gusto kong manatili na lang sa buhay na hindi ko iniisip ang kung anong mangyayari bukas. Bumalik sa panahong lahat ng bagay ay ginagawa kong laro. Mapalo man ako o hindi, alam kong naenjoy ko ang sarili ko. At alam kong maiintindihan nila ang mga pagkakamali ko dahil bata ako, walang alam  sa kung anong nangyayari sa buhay ko. 

     Ilang beses  ba kaming pumunta sa  garden ng simbahan namin para mamitas ng Santan flower at sipsipin ang nectar nito? Akala ko nga mahiwaga talaga yung bulaklak na yun kasi ang sarap  ng kakaunting tubig na  nakukuha namin sa kanya. Matamis. Pero nakakafrustrate minsan kasi sa dinami-rami ng pinitas ko, isa o  dalawa lang  yung merong tubig. E halos makalbo na nga yung garden at halos ipabaranggay na kami ng gardenero sa pinaggagagawa namin.

     Sa garden din ng simbahan, first time kong nakakita ng singsing pari. Ang  sarap paglaruan. Lagi naming kinukulit para bumilog. Kakahawak namin unti-unting namatay yung mga ito. Sabi nga nila mama wag daw pakialaman kasi Sacred daw yung mga ito kasi sa simbahan sila nabuhay.Pero ako wala akong pakialam. sugod kami lagi sa simbahan kapag gusto naming makipaglaro sa mga singsing pari.

     Noong kabataan ko rin nauso ang mga kisses. Sino ba naman ang makakalimot dito? E ito lang naman ang mga maliliit na batong inakala naming nanganganak. Super alaga ko nga yung akin e. Nagpabili pa ako ng bulak para meron silang maayos na matutulugan. Lagi kong tinitignan kung nanganak na. May paligsahan kasi sa aming mga magkakaibigan e. Payabangan ng mga kisses. Paramihan.

     Dati rin, natuto na akong magsigarilyo. Masarap pala, sabay kagat dito. Kapag bibili ako ng Stick-o, hindi ko agad iyon kinakain, pinangsisigarilyo ko muna hanggang sa puro laway ko na yung dulo. Feel na feel ko pa nga yun e. Parang astig tignan. Pero after kong gawing sigarilyo yung stick-o, tinatanggal ko naman yung itim na nakapaligid sa stick-o para matira yung puti. Ingat na ingat kong ginagawa yun kasi ayaw kong maputol yung stick-o. Minsan pa nga nagrereklamo ako na bakit kaya hindi na lang ginawang puti yung stick-o? Pinapahirapan pa kami para tanggalin yung puti e.

     Nakakamiss ring kumanta sa harap ng electric fan. Elib talaga ako tuwing gagawin ko yun. Dumadami kasi yung boses di ba. Astig. Ang sarap pa sa mukha. Minsan pa hindi na nakuntento, pinapatigil pa yung elisi sa pag-ikot. Tapos pag-umandar na, kakanta ulit. Tsktsk

     Sino ba naman sa  atin ang hindi sumubok tikman  ang vetsin? Ako, aaminin ko paborito ko ito. Tuwing magluluto si mama, lagi akong nasa tabi niya at patagong kumakain ng vetsin. Sabi niya kasi masama daw yun. E kaya lang masarap talaga e. Hindi ko mapigilan yung sarili kong kainin yung vetsin.

     Tutal nasa kainan na rin naman tayo ituloy na natin. Sino ba sa inyo ang hindi kumain ng yelo sa freezer? Tuwing idedeprosed ni mama yung Ref, automatic yan nasa likuran ako. Para pag-aalis si mama, time ko naman para kumuha ng yelo at ipasak sa bibig ko. Feeling ko pa nga snow yung kinakain ko e. Ang sarap kahit madumi. :))

     Dati din badtrip ako kapag pinapatulog ako sa tanghali. Hindi pa naman gabi para matulog. Gusto kong maglaro sa labas kaya lang hindi ko magawa kasi papaluin ako. Kaya pinipilit ko na lang matulog kahit hindi naman ako inaantok. Pero ngayon nababadtrip ako kapag iniistorbo ako sa pagtulog sa tanghali. :)

     Tuwing umuulan naman lagi kaming naglalaro sa baha. Hindi ako lumalangoy pero nagtatampisaw ako. Ang  sarap makipaghabulan sa mga kalaro ko. Pero dati takot ako sa baha kasi feeling ko may ahas lalo na tuwing malakas yung alon. Pero sa katagalan nawala na rin yung takot ko. Kapag may putik naman, nakikipag-batuhan kami. Ganun kami kadumi tuwing umuulan. Halos maging taong putik na itsura ko dahil sa dami ng putik sa katawan ko. Nakakamiss din tumapat sa mga tubo ng bahay kasi doon may malakas na tubig. Parang shower. Magulo lagi sa street namin kapag may ulan. Parang piyesta sa San Juan.

     Ngayon hindi ko na magawa yung mga bagay na ito. Sympre hindi na appropriate sa sarili ko yung mga ganitong gawain. Malaki na ako. Matured. Hindi na ako bata para gawing kalokohan ang lahat ng bagay. Hindi ko na maidadahilan yung edad ko para makalusot sa mga maling nagagawa at magagawa ko.

     Bakit ba ang bilis ng panahon? Kung alam ko lang na ganito ko mamimiss ang  kabataan ko e di sana sinulit ko na yung mga panahong bata pa ako. Sana ginawa ko na ang lahat ng mga bagay ng pwede kong gawin noon, tama man o mali.

     Pero dahil hindi na mangyayari yun, ibabaon ko na lang ito sa pagtanda ko bilang isang remembrance na sa tuwing maalala ko, alam kong tatawa at luluha ako. :((

Saturday, 17 April 2010

I Miss The Routine

     Saturday pala ngayon. Parang may isang bagay akong gustong gawin na hindi ko na magagawa pa. Ilang minuto rin akong nag-isip bago ko naalala ang bagay na ginagawa ko tuwing sabado. Community Service.

     Kamusta na kaya yung mga bata? Ano kayang ginagawa nila? As of this writing, I was still wondering kung may nagtuturo sa kanila ngayon o naglalaro na lang sila sa may kalsada ng lugar na yun?

     Parang gusto kong pumunta ulit sa lugar na yun. Pero ano naman ang gagawin ko dun? Tapos na yung alloted time para sa service namin. Sayang. Sana tinagal-tagalan pa nila. Nakakamiss yung mga bata. Yung ingay at kakulitan ng mga to. Pati ang mga larong sa kanila ko lang natutunan.

     Parang iba yung pakiramdam ngayon. Nakakapanibago. Dati  sa tuwing magsisimula ang Sabado ko, mga boses ng mga bata ang naririnig ko. Kahit sa kalsada tinatawag nila ako. "Kuya Anthony, Kuya Anthony!" Nakakamiss marinig ulit ang mga katagang ito. Feeling ko artista ako nung mga panahong yun. Pero over than that, alam kong kilala nila ako bilang isang teacher na nagtuturo sa kanila.

     Ano na kaya ang mga mangyayari sa kanila? I mean, ginagabayan kaya sila ng mga magulang nila sa kanilang pag-aaral? Sana oo kasi alam kong gustong matututo ng mga batang ito.

     Alam kong naglalaro lang sila sa mga oras na ito. Pero naiisip din kaya nila kami? I mean, gusto rin kaya nilang bumalik kami para turuan sila. Sa tingin ko oo, kasi nararamdaman kong umaatend sila sa mga sessions namin hindi dahil pino-force sila ng mga magulang nila o ng mga Social workers kundi gusto nilang matulungan sa kanilang pag-aaral.

     Totoong nagsimula kami sa 16 students. At bawat linggong dadaan, nababawasan kami. Hanggang umabot kami sa huling araw ng aming pagkikita. Walo (8) na lang silang natira. Hindi ko alam kung ano ang rason ng mga umalis pero alam kong yung mga natira ay mga dedicated sa kanilang pag-aaral, sa kanilang buhay.

     Nakakamiss bumalik sa lugar na yun. Kung may oras lang akong pwedeng ilaan sa mga batang ito, bibisita ako. Pero gusto ko sa oras na pumunta ulit ako sa lugar na iyon, handa na ako. Handa akong maglaan ng kahit na maliit na oras sa kanila para magturo at tumulong.

     Miss you all peeps :))

Friday, 16 April 2010

Reunion At The Burial

     Ang sakit malamang isa sa mga mahal ng kaibigan mo ay pumanaw na. Kahit hindi mo kilala parang nasasaktan ka para sa part ng kaibigan mo. Ganito ang naramdaman ko. Wala na kasi yung papa ng isa kong kaibigan. Nakakaawa kasi bata pa siya para mawalan ng mga magulang. Ang alam ko kasi papa na lang niya ang natitirang magulang niya. Tapos nawala pa.  Pero sa  tingin ko hindi awa ang kelangan niya kundi suporta. At sa tingin ko ito naman ang tanging bagay na naibigay namin sa kanya kahit sa isang maikling gabi lang.

     Mabilis kumalat sa tropa ang balita. At mabilis din kaming nakapagdesisyong pumunta sa burol ng papa niya. Hindi na kami nagdalawang-isip pa para pumunta kasi alam namin kelangan niya kahit papaano  yung presence at support namin.

     Ako, hindi ako nag-atubiling pumunta doon. May trabaho ako pero hindi na muna ako pumasok. Mula school diretso na agad ako dooon. Wala nang uwi-uwi. Ganito rin ang ilang mga klasmeyts ko. Yung iba nakauniform pa. Yung iba naman hindi na nagpaalam sa kanilang mga magulang. Basta mula  school diretso agad  sa burol.

     Pagdating ko doon naabutan ko sina Carla, Kim, Arby, Gladys, Reg, Abbie, Chimes, Alyssa, Roselle, Honey, Margareth, Tin, Mashi at Jonalie. Whoa ako lang lalaki. Hindi pala.  Kasama pala ni tin saka ni Maggie yung mga boyfriends nila. Pero hindi ko naman close yung mga yun e.

     Habang nagkukwentuhan, napansin kong parang ang saya ni Aja. That means, nakatulong kahit papaano yung pagdalaw namin sa papa niya. Tumatawa ng malakas. Nakikipagbiruan. Parang si Angela pa rin na nakilala ko nung hayskul pa kami. Masayahin. Madaldal. At ang tawa niyang hindi ko makakalimutan. Pero alam kong behind those laughters is the other Angela I haven't known. Alam ko she is in deep pain. Alam kong pag-alis namin sa lugar na iyon may luha na namang tutulo sa kanyang mga mata. Ang sakit isipin. Pero yun ang katotohanan.

     Sayang unting oras pa lang ako nakastay dun uwi na agad sila. Grabe namiss ko ang mga taong to. Sabi ni Lala namiss daw niya ako. Ako rin namiss ko na rin kaingayan niya. And as usual, mala-armalite na lait ang inabot ko kay Gladys. Si Maggie hindi pa rin nagbabago, maganda pa rin. Actually gumanda pa nga lalo e.

     Maya-maya dumating sila Jim, Da, Aldin, at Roel, tropa ko. Nice! Umalis na ung iba, pero ako, si kim, arby, aldin, jim at Nin, nagstay pa. Muntik na nga namin makalimutang nasa lamay kami dahil sa gabundok na kwentong may kasamang katatawanan ang pinaggagawa namin. Namiss ko talaga yung kwentuhan namin. Halos mapaos na naman boses ko kakatawa at kaka-crack ng jokes. Hindi ko talaga mapigilan sarili ko. Super namiss ko sila.

     We decided to eat at Jobbie. Hindi pa natapos ang kwentuhan at tawanan. Parang ayaw ko na ngang matapos ang gabing ito e. Sana tumigil yung oras o kaya kahit papaano bumagal ito. Gusto ko pa silang makasama ng matagal. Kasing tagal ng oras na hindi kami magkakasama.

     Kung pwede lang sama-sama na kaming matulog sa iisang bahay, okay na sana. Kaya lang sympre may mga magulang din kami. May mga maghahanap din at mag-aalala sa amin. Ganun talaga buhay. Tulad ng mga sinabi ko sa mga posts ko sa tuwing namimiss ko sila, lahat talaga ng bagay will reach its end. At ngayon, dumidilim na naman ang paligid. Sign para maghiwa-hiwalay at bumalik sa buhay na hindi namin nakasanayan. Sa buhay na ngayon ay pinakikisamahan namin. :((

You Pissed Me Off

     Bakit kaya sa dinami-rami ng mga estudyanteng magiging klasmeyts ko itong mga to pa? Matatalino naman sila. PEro nababadtrip na ako sa kanila. Every tuesdays and thursdays, parang alam ko na naman ang mga mangyayari. Alam kong uusok na naman itong tenga ko sa sobrang kabadtripan sa kanila.

     Bakit ba tuwing may discussion ang iingay niyo? Hindi ba kayo tinuruan ng mga teachers niyo nung highschool and elementary pa kayo ng GOOD MANNERS? Di ba turo nung mga teachers na pag may nagsasalita sa harapan lend your ears. HIndi lend your mouth. Napakadisrespectful sa mga teachers. Scholars pa man din kayo.

     Ewan ko ba kung bakit sa buong araw na magkakasama kayo hindi kayo nauubusan ng mga kwento. Kahit magdadasal na hindi kayo matigil. Kelangan sisitahin pa para tumigil.

     Hindi ba kayo nakakaramdam na kayo lang ang maingay sa klase. Minsan nga gusto ko nang lumipat ng upuan. Naririndi na ako sa mga kwento niyong puro kayabangan. Sana naman maging sensitive kayo sa mga taong nasa paligid niyo.

     Minsan pa kung magtanong kayo sa akin parang mali ung mga sagot ko. E di sana hindi na kayo nagtanong kung sarili niyo lang din paniniwalaan niyo. Tulad kahapon. Tatanong-tanong ka tapos hindi ka naman pala maniniwala. Kung itatanong mo rin pala sa iba sana hindi mo na ako tinanong. Badtrip!

    P: Di ba hindi kasama yung break even sa Exam?
      Ako: Kasama sabi ni sir.
    P: Hindi naman kasama yun e. Hindi pa nga natin nadidiscuss e.
       (nagtanong sa kaibigan niya)
    P: ui W di ba hindi naman kasama yung break even?
       (sumagot nakatingin sa akin)
    w: Hindi. hindi naman niya tinuro e.
      Ako: Pero sabi niya e. study daw natin kasi kasama yun.
    P: hindi. HIndi naman sinabi e.
      Ako: ok. HIndi ko naman kawalan yun e.

     See? tatanong-tanong hindi naman pala maniniwala. Pinalabas pa akong sinungaling. E panu niyo naman kasi maririnig si sir e daldalan kayo ng daldalan. Gusto ko sana tong sabihin sa inyo kaya lang ayaw ko namang maging bitter. Plastic na kung plastic. Pero next time pwede wag na kayong magtanong sa akin?

     Isa pa sa mga napansin ko sa inyo. Bakit sa tuwing may mga take home quizzes or assignments, sa akin kayo nagtatanong? E di ba matalino naman yung tropa niyo? Bakit hindi kayo magtanong sa kanila e kaibigan niyo naman ang isa't isa? Sa akin pa kayo magtatanong.

     Tapos kung may test sa akin kayo lumalapit? Bakit helper ba ako? Tapos pag di kayo napakopya isisisi niyo sa akin. Anong tingin niyo sa akin? Gago? Mga spoiled brat talaga walang magawang maganda sa mga tulad ko.

     Sana iobserve niyo naman yung behaviours niyo. Ako gusto kong mag-aral ng mabuti kasi gusto ko maintindihan yung mga lessons. Ngayon, kung ayaw niyong matututo, wag kayong mandamay ng ibang tao. Hindi lang kayo ang estudyante sa classroom. Marami kami.

     Kakabadtrip kayo ahh. You are pissing me off. And sa next term nakita ko schedule niyo. Pakshit yan! Bakit ba sa dinamirami ng mga students, magiging klasmeyts ko na naman kayo sa dalawa kong subject? Badtrip talaga. Kelan niyo ba ako tatantanan?

    Alam kong normal sa mga estudyante ang hindi matigil ang bibig kakadaldal. Pero sana hinay-hinay lang. At sana bulong lang, hindi yung kakanta pa kayo kahit may nagtuturo. "I will never let you fall..." Laglag ko kayo dian e. Oo, paborito niyo na ung kantang yan, pero pwede after class na kayo kumanta? Kahit sa Plaza V pa kayo magconcert ok lang basta wag sa loob ng classroom. 

    Badtrip talaga tong mga to. Kung mainitin lang ulo ko baka sumabog na ako e. Buti na lang God gave me a longer  patience. Grrr. X_X

Tuesday, 13 April 2010

Kopyahan Blues

     Matagal na rin pala simula ng huli kong naranasan ang pinakamasayang kopyahang ginagawa namin ng mga klasmeyts ko. Masaya kasi hindi kami nahuhuli at masaya kasi nagtutulungan kami. Hindi kami nagdadamutan sa mga sagot. Bigay lang ng bigay. Although may mga ilan talagang medyo madamot, ayaw lang pahalata.

     Well, naging bihasa na ata kami sa mga ganitong bagay, Ilang techniques ba ang nagawa namin para lang makapasa kami sa mga exams.

     DISCLAIMER: This blog is not intended for the students who are seeking for cheating techniques. These are just our experiences. And of course done by the Professionals. :)

     Una, pinauso ni Carla, gamit ang liquid eraser. Ung liquid eraser kasi may nakadikit na papel na may name ng owner. What we did was isulat ang  sagot sa likod nun so hindi nga naman halata kasi our teachers might thought na it was nothing but just a nameplate for the liquid eraser.

     Second, makuha ka sa tingin. Kapag nakita mong nakatingin sayo ang klasmeyt mo alam mo na ibig sabihin nun. Gamitin ang lahat ng daliri para masabi ang sagot. kulang na lang gamitin ang daliri sa paa. Lakihan ang bunganga sa pagbigkas ng salita para mas maintindihan. Kelangan din marunong kang maglipread para makuha mo.

     Third, pass the message. Mula sa source sinisiguro naming makakaabot ito sa pinakahuling student sa room. Wala dapat palpak kasi kung meron, dedbol kami sa mga teachers.

     Fourth, ipasa sa nangongopya ang test paper. Pakapalan na ng mukha. Ako lagi ko tong ginagawa. Ung mata ko nakatingin sa mata ng teacher habang gumagapang yung kamay ko sa likod hawak ang papel at ipapagpag para marinig ng nasa likod. Ilang taon ko na ring nagawa yun pero sa awa ng Diyos hindi naman ako nahuli.

     Fifth, partnership. Kunwari magtatanong yung isa sa teacher. Basta kahit anong tanong may matanong lang at makuha yung attention ng teacher namin. At kapag wala na yung attention ng teacher namin sa buong klase time na para gumalaw. Kelangan mabilis para makarami. Kasi kung babagal-bagal kami wala na nga kaming makukuhang sagot, madedenggoy pa kami.

     At ang pinakahuli, antayin ang last minute. Sa isang oras na pag-eexam, relax lang muna kami. Hindi kami naniniwalang nasa huli ang pagsisisi kasi ang tanging alam namin ay nasa huli ang pag-asa, ang sagot. Pagsinabi na ng teacher naming last 10 or 5 minutes, ito na ang sign. Sign para mangalap ng sagot. Pag-umiingay mas may chance na makarinig ng sagot. Sinasabayan kasi namin yung ingay sa pagsabi ng sagot. Dito pakapalan na talaga ng mukha. Walang hiya-hiya kung ayaw mong bumagsak. walang kaming strict teacher na kinatatakutan. Maski nga CAT teacher namin nalulusutan namin. San ka pa.

     What's the best thing in the group is that hindi kami nago-open ng book or anything with our notes. Never namin ginawa to hindi dahil natatakot kami mahuli kundi dahil alam naming hindi na maganda yung ganung action.Mangopya sa katabi is enough for cheating! :)

     Pero saan ba nagsimula itong kopyahan blues na to. Actually we had formulated 2 theories. Una, we thought na second year na  namin nagawang magkopyahan. E may mga bago kaming klasmeyts so we thought na isa sa kanila. Until we finally concluded na Si Luigi Bacarro ang suspect sa lahat ng ito. Sa kanya ata nagsimula ang kopyahang to e. Siya ang source ng virus na 'to. Mabilis makahawa. Yan ang kamandag ni Igi. Lahat kami hindi nakaligtas.

     Second, sa tingin ko bunga na rin ng pagkakaibigan namin. Sympre ayaw naman naming bumagsak ang isa sa amin so nagtutulungan na lang kami to the extent na hindi na nagrereview yung iba. Of course, that's the bad side of it. Dependency.

     Pero anupaman yan, mahirap man ang test alam naming papasa kami dahil sa'unity'. :))

Monday, 12 April 2010

Pacman Is Not A Hero

     My teacher asked us to make a speech regarding a current issue. I have no idea to what topic should I focus. Til one time as I searched the net, I have read the criticism should I say of an Italian Jock named Adam Carolla. It, well, struck my mind. And I found this topic interesting. Well actually the topic I was thinking of was not about the discrimination but the wrong treatment we are doing to Pacman. We treated him as a hero where in fact it should not be. 

     My speech goes like this. You may not want it but I think it's the truth. And this is just my opinion. :))


“All you fucking got is just an illiterate guy who happens to smash other guys in the head better than other people. Really, you want some guy with brain damage running your country? Why don’t you get your shit together? What happens when Floyd Mayweather beats him? Does your country go into depression?” How do you feel being again tirade by another race? Well, of course it hurts. But have you asked yourself that somehow there is a little truth behind those passages? I, myself, should admit that somehow, maybe 10% of me agreed to this discrimination. The Philippines have treated Pacman as a hero. And that treatment is not a good image of the country.

Emmanuel Dapidran Pacquiao, popularly known as Manny “Pacman” Pacquiao, is undeniably a Filipino who has been a victim of poverty. He has been dropped out of high school due to the extreme financial challenge. Despite of the situation he had experienced, he strived hard to make a name in the boxing world and earn various achievements including the 7 titles he got and the only boxing champion of the world who gained these awards. He, indeed, deserved to be called the ‘World’s Greatest Ever’. The life he has made him an inspiration to all. He proved that there is hope in standing up. But do these reasons enough to call him a hero?

I have formulated two reasons on why we should not connect the word hero in his name. But first, let us take a look at the meaning of hero. According to Mr. Webster, a hero is person who is a demigod, great and brave man. Well, Pacman fought bravely to win his fights. But does fighting bravely necessarily mean a heroic move? Maybe yes, if that does not include money. Involvement of large amount of money is a big factor to not consider him as a hero. Are we sure that he really fought for the country as what he kept on saying? What if money will be taken out? We could think about him as a hero but do you think he will fight inside the ring? That is the logic of it. If money is involved, we cannot assure that he speaks the right.

Another thing that we should take it for consideration is the fact that boxing is an inhumane sport. Imagine the hero we are taking into account is smashing the head of his opponent just to defend himself and the crown to any ‘humiliation’ it might bring if he loses. It violates the Principle of Human Life. And a hero should be a model to all. That means if he violates life, there is a tendency of us violating too. That is also, I think, why some Filipinos were also pursuing their boxing careers nowadays.

We always feel fulfilled and overwhelmed every time he wins the fight. There is nothing wrong about it. We became proud of ourselves that we are Filipino. We became proud because of his achievements that uplifts the Filipino race and not because our ‘hero’ won again. It should not be about knocking one down to push yourself up. Remember that anything that goes beyond is off the beam. It is something that we should observe to. So why do we need to say that he is a hero if he just give achievements to the nation?  Instead of regarding him as a hero, why not just a pride of the country if he just make the Filipinos proud of him? I hope you think it over again because I guess the discrimination mentioned above is the fruit of overrating Pacman into a hero.

Saturday, 10 April 2010

Say Goodbye!: Last Day of Community Service

     Today is our last day in  our community service. We haven't prepare anything to day other  than the foods. We want to make this a day a memorable day to them but we haven't done  something remarkable.

     First we are not complete. Wala sina Cha and Calvin. We have planned to be completed on our last day to bid goodbye to them. Of course we  will miss them that is why we want to make our last day the best among the previous meetings.

     Second, we have planned to have awarding. Rob asked me to do this job. But unfortunately, I forgot to do so. I forgot to make a program and the certificates. I have a lot of projects to make. My mind is now focusing on my schoolworks. I didn't blame this stupid thing to my projects. Alam ko namang ako ang may kasalanan. Im so sorry for that.

     Third, we are not in the mood. Dapat nga mas energetic and mas excited kami ngayon kasi last day na namin. Dapat iwanan man lang namin sila ng remembrance na masaya. Yung walang aral muna. Party Peeps muna dapat.

     Kaya lang hindi ganun yung nangyari e. Well, they have enjoyed the food but I think the company was not. Parang minadali nga namin yung pagstay dun e. Nagstart yung supposed to be party ng lagpas 10:00am at natapos before 12:00 noon. Where in fact dapat tatagal ng 3 hours yung program.

     Isa pa sarado yung day care na pinagtuturuan namin. Kaya nagsiksikan kami sa bahay ni Ate Mabel, yung nanay na nagbabantay sa amin. Buti nga pinagamit niya sa amin yung bahay e. Salamat po.

     11:00 am na, kaya we have decided na pakainin na sila. Bumili kami ng 2 Andoks Chicken saka Liempo. Then 16 rices and 2 1.5-Liters of softdrink and 2 1-Liter of coke. Okay Solved. Ang bango gusto ko ring kumain. Kakainggit yung mga bata. HAHAHA. Well, pagbigyan na sila last day na naman namin e. Pero kakainggit talaga. Ang bango ng manok. HAHAHA

     After kumain Photo shoot na. Picture dito. Picture doon. Ako picturer. Tama nang wala ako sa lahat ng photos. Okay lang, ako naman kumuha e. Mas masarap sa pakiramdam na kahit hindi mo nakikita sarili mo sa picture alam mo namang ikaw yung kumuha ng picture na yun.

     Bago kami tuluyang maghiwalay, pinangaralan ko yung estudyante ko. Sabi ko sa kanya mag-aral siya ng mabuti. Ayaw kong maging adik siya tulad ng mga karamihan ng mga tao sa lugar na yun. Gusto ko maging mabuti siyang nilalang. Maging mabuting Pilipino.

     Sana sa ganung paraan naging memorable yung last stay ko sa lugar na iyun. Alam kong matatagalan ulit bago ako makakabalik dun o baka nga hindi na pero alam ko rin na sa oras na makabalik ako doon, hindi na ako kilala ng mga estudyante ko. Okay lang kung ganun kung magreremain naman sa kanila yung advice na binitawan ko sa kanya.

     Mamimiss ko yung mga batang ito. Kasi alam kong sa murang edad nila, alam na nila  ang salitang 'mahirap'. At sana nagsilbing aral ito sa amin. At sana nakapagbigay kami ng tulong sa kanila kahit sa kaunting paraan. :))

For photos, click here : Photos from first day to last :))

Thursday, 8 April 2010

Time Machine, Sana Totoo Ka Na Lang :(

     Isang taon na rin pala nung huli kong makita ang mga klasmeyt ko, as in ung buong section. From that time kasi wala ng reunion na naganap. Maraming planong ginawa pero hindi natutuloy kasi sympre busy rin naman ang lahat sa mga college lives nila. Pero kami ng barkada ko at least may mga times na nagkikita kami .Kapag may mga holidays o araw na walang pasok, we immediately grab the oppurtunity para magkita-kita.

     Of course we misses each other lalo na ung mga kalokohan namin. Pero tuwing nagkikita kami hindi kami kumpleto. Ung isa laging wala. Parang totoo nga ung hula sa amin  ng matanda sa may tabi ng bahay nila aldrin e. Sabi nia after graduation daw hindi na kami kumpleto. May isang mawawala daw sa amin. Pero we didn't take it seriously kasi mahirap paniwalaan. Pero ngayon parang nangyayari na. But hopefully hindi totally mangyari. Sana nga totoong he is taking his study seriously para may valid reason kung bakit hindi siya nakakasama sa amin.

     Nakakamiss rin yung mga pinaggagawa namin sa skul. Mga moments na akala namin walang katapusan. Mga araw na akala namin habambuhay na kaming magkaklase at habambuhay na kaming magiging hayskul. Ang sarap balikan ng mga panahong hindi matapos tapos ang mga halakhak at tawanan sa klase. At minsan, mga luhang pumapatak sa mga babae dahil sa away o kadalasan sa mga heart-to-heart talks nila.

     Ang sarap din alalahanin ung mga araw na busy ang lahat kakagawa ng mga projects na pasahan na mamaya. Mga assignments na binabalewala namin kasi alam naman naming may mapagkokpyahan kami. At higit sa lahat ay ang walang kamatayang kopyahan sa loob ng room sa tuwing may mga exams kami. Ilang techniques ba ang nagawa ng barkada para lang makakopya at makapasa sa mga exams. Marami e. Wait niyo next post ko, iisa-isahin ko.

     Kahit nakakatakot yung ibang mga teachers namin like Ma'am Atienza, ang sarap pa ring balikan yung mga araw na kasama namin sila. Actually ako, I will admit, na tuwing aakyat ako sa classrooom for her class, kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung ano na namang katakot-takot na pasabog ang sasabihin niya sa amin. Pagagalitan na naman ba kami o may exams na naman bang dictations? Alam ko ganito rin ang nararamdaman ng mga klasmeyt ko tuwing oras na yun. Ang sarap maramdaman ulit yung feelings during that time. Pero kung babalikan ko yung time na yun pwede isang araw lang? HAHAHA

    Dahil sa unity ng barkada, muntik na kaming masuspend sa klase. Parang idinemanda kami ng isang teachers sa supreme court. Ganun ang feeling. Nakakatakot? siguro pero mas masaya ang pakiramdam. Una, kung may suspension, walang pasok. Kung walang pasok, may pahinga kami. E sino ba naman ayaw magpahinga? Pabor kami doon. Mas gusto pa namin yun. One more thing, kung nangyari sana yung suspension, first time naming maeexperience yun. Ang sarap kaya sa pakiramdam maranasan ung mga experiences na hindi mo pa nagagawa, maganda man o hindi. Napakaoverwhelming. Feeling ko kasi mas naexplore ko ung life dahil sa mga ganung bagay. Yung mga teachers kasi  tingin sa amin mga model student na unting  maling gawa, sisitahin at pagagalitan kami na parang kahihiyan ng buong school. Estudyante rin naman kami. Mga teenagers na puno ng kalokohan. Hindi naman kami naiiba sa nakakarami. Tao rin kami, laging nagkakamali. Sana maintindihan nila yun.

     Namimiss ko rin yung mga pagka-cut namin ng mga classes. Ginagawa namin yun tuwing malapit nang matapos yung school year. Wala na naman kasing ginagawa e. By the way, kaya pala kami muntik na masuspend ay dahil sa pagka-cut ng classes. And aside from pagka-cut, instead of enterring the school at 7:00am, minsan pumapasok na kami ng 8:30 or 9:00. Tapos magka-cut pa. HAHA. Sana hindi na lang kami pumasok.

     Ang sarap  din balikan yung mga araw na gumagala kami sa MOA o kung saan-saan. Tuwing pumupunta ako sa seaside, parang nakikita ko yung mga kalokohan namin doon. Hindi ko nga makalimutan yung araw na nakakita kami ng 3000 pesos sa labas ng Hypermarket. Pinaghatihatian namin yun. Hindi namin alam kung irereport ba namin un sa security o itatago na lang namin. Napunit pa nga ung isang libo dahil sa pag-aagawan namin. At habang nasa seaside kami, kung anu-ano yung naiisip namin. Like baka magkatsunami kasi hindi namin binalik yung pera. O kaya may isang mahulog sa dagat. O baka naman may nakakita sa amin tapos i-report. E nakaschool uniform pa naman kami. Kahihiyan yun sa school kung saka-sakali. Paranoid kami pero masaya.

     Matagal na rin kaming hindi nakakapunta sa may simbahan malapit sa MOA. Nung hindi pa tapos at inoopen sa public yung MOA, yung gilid ng simbahan ang tambayan namin.  Ang sarap tumambay dun. Tahimik at unti lang ang tao. Namimitas pa kami ng mga amorseco sa paligid  tapos ibabato sa mga kasama namin. Paramihan ng amorsecong nakadikit sa damit. Hanggang sa jeep may mga baon kaming Amorseco. Pati si manong driver hindi namin pinatakas. Dinidikitan namin yung damit niya sa likod.

     Nakakamiss rin yung mga contest na sinasalihan namin. 3peat champion kami sa Rap-a-math. At lagi kaming humahakot ng awards tuwing English, Math, Filipino at Science week. HIndi kami nagpapatalo sa mga higher levels at hindi rin kami nagpatalo sa mga lower levels. Ang sarap gumawa ng mga slogans. Sumali sa poster making kahit hindi naman kami marunong ni Lex magdrawing. Pati essay writing pinatos namin kahit wala kaming talent sa pagsusulat. Pati paggawa ng bulletin board game kami. Kahit kami ang pinakahuling nagpasa okay lang. Maganda naman yung nagawa namin. Yun nga lang hindi nanalo. Kahit hindi kami nanalo basta winner naman ang mga klasmeyts ko Ayos na. Proud ako kasi klasmeyt ko yung nanalo. Ganito kami. We always cheer everybody up.

     Sino ba naman makakalimot kay 'Ice Princess'? Siya lang naman ang misterious girl na klasmeyt namin na tagagawa ng mga chismis sa classroom. Sa pagkakatanda ko hindi naman niya sinisiraan yung buong klase. May mga ilang classmate lang kami na pangit yung sinasabi niya. Pero sa akin 'Arthro' lang ang tawag niya. And I think wala namang masama dun. Siguro kaibigan ko siya kaya hindi pangit yung sinabi niya. Until now hindi pa rin namin siya kilala pero hindi na namin hinahanap kung sino siya. Ang importante enjoy kaming lahat sa company ng bawat isa. Wala nang plastikan at awayan. At alam ko namang nagsisisi siya sa ginawa niya. Kasi kung hindi, sana hindi siya nawala ng parang bigla. Siguro rin naramdaman na din niya na isa siya sa amin kaya tinigilan na niya.

     Sympre hindi mawawala ang mga lovelife ng bawat isa. Mga crushes nung first year na nauwi sa Boyfriend-girlfriend nung third year at fourth year. Mga first loves namin. At mga M.U dati na hindi na nasundan pa. Hindi naman kasi lahat ng pagtibok ng puso tama. Minsan nagkakamali rin kami kaya may mga nasasaktan. Pero hindi namin hinahayaang masira yung pagkakaibigan sa mga ganoong rason. Time will heal. And I think it did.

     Habang tumatagal mas lalong nagiging close ang lahat sa bawat isa. Mas nakikilala namin yung mga sarili namin at ang mga kaibigan namin. At ngayon mas matatag na ang pagkakaibigan namin. Alam kong hanggang sa pagtanda hindi na mababali yung relasyong meron sa amin. Salamat at naging kaibigan ko kayo. I promise hindi ko kayo makakalimutan.

     Minsan nga tumatawa na lang ako sa bahay o kahit saang lugar kapag naaalala ko yung mga pinaggagagawa namin. Nagmumukha akong baliw sa mata ng mga taong nakakita sa akin. Okay lang. Hindi ko ipagpapalit yung masayang alaalang iyon sa mga masamang iniisip at iisipin pa ng mga tao. Gusto ko na ulit manlait, kasama si Lex at Glads, ng mga taong nakakasalubong at nakikita namin especially si bespren at si Rey Valera . Gusto ko na ulit barahin yung mga jokes ni Aldin kasama ang buong tropa ng Gee-gurlz. Gusto ko na ring kumain kasama sila Drin, Roel, Jim, Igi at Da tuwing lunch time. Gusto na ring humalakhak kasama si Aimee, Arby, Kim, Van, Reg at Abbie. Namimiss ko na ring lokohin si Luz kay Aldin. At namimiss ko na rin yung unbeatable tandem namin ni Carlatot. Mga tiradang walang humpay at mga jokes na palung-palo la lahat.

     Hay, kung pwede lang bumalik sa nakaraan gagawin ko. Kung posible lang ang pagtawid sa nakalipas game ako.  Sana nga totoo. At sana nga totoo na lang ang timemachine! :((

Monday, 5 April 2010

The Remaining Days

     I woke up so early kanina. Fireworks ata naririnig ko. Fireworks sa umaga? Whoa so unique. Pero grabe ang ingay talaga. Akala ko nga may fiesta. Yun pala they celebrated the 'Pasko ng Pagkabuhay'. Hindi ko alam english nito. Ano ba? 'Christmas of Reborn'? Haha. Bobo. Easter Sunday? Ah ewan.

     Umuwi na rin mama ko saka ate ko that time. May mga 'unfinished business' daw sila sa Manila. Okay magsilayas na kayo. Habang papaalis sila videoke trip naman ako. At ang kanta ko sa kanila 'Before I let you go'. Sakto! While I'm preparing myself para ihatid sila sa labas. Kumakanta naman yung kapatid ng bayaw ko. And the song is 'Paglisan'. Whattha? Sakto nga naman oh! 
     Habang naglalakad kami, it's noticeable na basa ung buong paligid. At basa ang lahat ng taong nakikita ko sa malayo pa lang. Kinabahan tuloy ako baka may basaan portion dito. Pak! Ayaw kong mabasa. Maaga pa para maligo.  Saka malamig pa.

     Nung pabalik na kami only then nang maconfirm kong ginagawa talaga nila yun every Easter. Ang galing parang Feast of St. John. May basaan din. Pero naconfirm ko siya nang buhusan ako ng isang tambay ng isang buong balde ng tubig. Parang kinilabutan ako dun. Ang lamig talaga ng tubig. Kakagulat. Nagmukha tuloy akong basang sisiw habang naglalakad. Badtrip pero masaya!

     The night of that day, buong gabi kaming nanuod ng mga concerts and pageant sa Luisiana. Wala na nga ata kaming balak matulog dahil bukas uuwi na kami hindi na namin makikita itong lugar na ito ulit. Maghihintay na naman ako ng ilang taon bago makapunta dito. Kaya dapat sulitin ko na ang nalalabing gabi ko dito. 

     I guess around 2pm na kami umuwi. Pero hindi pa tapos ung party sa plaza. Ang tatatag din ng mga tao dun e. Walang uwian. Survival of the fittest. May premyo ata. Pero actually ayaw ko pa umuwi e. Wala lang akong kasama. Antok na kasi mga kasama ko. Gusto kong antayin mag-umaga. Ayaw kong matulog. Mamimiss ko ung lugar na 'to. :(

     Pero ganyan talaga buhay. Lahat ng bagay kelangang magtapos. At lahat ng bagay kelangang bitawan at magstay as a memory... Remembrance... Past! Kakamiss tuloy.

     Pero I have to break this emo feelings. Kelangan kong gumawa ng paraan para hindi ako mahilo at masuka sa biyahe ulit. Hay naku problema naman. Pero ganyan talaga. There are best moments in your life that sometimes can only be experienced at the worst times.

     That's life and it's not unfair as what others said about it. :))

Friday, 2 April 2010

Adventure sa Gubat

     Thursday morning, my gang have decided to go to the hill where a school is located. Ang cool talaga ng lugar na yun. Imagine school over a hill? There's really a good ambiance there. But unfortunately, they haven't allow anyone to visit the school for invalid reasons like sight seeing. Well, school naman kasi yun hindi tourist spot. Pero dati hindi bawal e. When we went there the last time, ang sarap ng hangin at kami lang ang tao kasi saturady nun, walang pasok. Kita pa ung buong Luisiana. 

     So we have decided to go to the mountain. Yahoo! Mountain climbing. I'm so excited to it. First time ko sana yun. Sana lang. Paano ba naman, ang akala namin pupunta kami sa bundok. Ang layo na ng nilakbay namin para makarating dun yun pala hindi kami pupunta doon. Late na sinabi ng mga kasama namin (kapatid ng bayaw ko) na sa bukid nila kami ipupunta. Adik talaga.

      Sa paglalakad namin, ilang beses ba akong nakatapak ng tae? At hindi lang basta-bastang tae. As in taeng malaki. The first two 'moments' ay galing sa tae ng kabayo. Kakakuha ko ng mga pictures hindi ko napapansing may mga gamundong tae pala sa harapan ko. Yung isa naman akala ko pinutol na puno. Parang puno kasi yung over view niya. E sakto gilid at puro damo yung dinadaanan namin so kung hindi ako tatapak sa matigas na bagay mahuhulog ako. Boom sakto. Nakakita ako ng mala-punong pwedeng tapakan. Yun nadenggoy ako. Badtrip. Nakabuntot sa akin ang mga tae ngayong araw.

     Ang sarap sa pakiramdam dito. Ang sarap ng hangin. At hindi maingay. Habang naglalakad kami nakakita kami ng sapa. Yahoo! Ang linaw ng tubig naengganyo akong maligo as if hindi ako nakakaligo at nakakakita ng tubig. Basta bigla na lang akong naexcite nung makita ko ung tubig na dumadaloy. Well, first time akong nakakita ng sapa at first time kong naligo dito. Lamig ng tubig malinis pa. :))

     Isa pa pala nung papunta kami sa inaakala naming bundok, umakyat ng puno yung kasama namin para kumuha ng bukong they didn't own. Magnanakaw! Ang sarap inumin ng buko  na kakapitas lang. Ang fresh. Ang sarap sa lalamunan. Nung nakapunta na kami sa gubat  hindi namin tinatanan ang mga coconut tree doon. Sila talaga hinahunting namin. Gusto ulit naming uminom at kumain ng buko. Yummy! Sa wakas nakakita ulit kami. Nakawan time na naman. :))

     Nagpahinga kami ng ilang sandali sa kubo sa may tabi ng bukid nila. MAy unggoy doon. Ang kulit ang sarap asarin. Nananabunot pa. YUng mga kapatid ko nga tili ng tili e buti hindi naengkanto. After maitali ng mga bukong ninakaw namin, umalils na rin kami agad. Magtatanghalil na kasi. Mainit na nga nung umalis kami iinip pa pala lalo.
 

     Uwian time na. Boring na. We were all tired. How many kilometers have we went through? And How many seconds did we took our rest? Still its an amazing experience. It's the adventure I always looked for. This is really what I wanted to do in my life. Maging tarzan? HAHA. kidding aside, maglakad saanmang lupalop ng mundo ang gusto kong gawin sa buhay ko. And this experience will serve as a stepping stone. :))

Thursday, 1 April 2010

First Day at Luisiana

     After ng ‘end of the world’ roadtrip namin, nakarating din kami sa lugar na pagbabakasyunan namin. Bungad pa lang napa-wow na kami dahil sa mga magagandang bahay. Yung mga bahay kasi dun napapabalutan ng mga pandan. May Pandan Festival pala tuwing April sa lugar na ‘to. 
     Ang sarap patigilin ng kotse para mapagmasdan namin ng maayos ang mga bahay doon. Isa pa pala pagpasok naming sa lugar na iyon, iba ang lamig. Nasa mataas na lugar kasi ito kaya malamig. Ibang-iba sa Manila. Kahit mataas ang sikat ng araw dito hindi mo mararamdamang nasusunog ang balat mo dahil sa malamig na simoy ng hangin.
     Pagdating ko sa bahay, natulog kaagad ako. I really need to rest. Alam ko kasing hindi na ako magtatagal  sa mundong ito kung magpapanggap pa akong hindi nasusuka at nahihilo. Ayaw ko  ring mangarag. Kaya nga ako nagbakasyon para magpakasarap tapos ganito lang pala mangyayari. Badtrip.
     Pagkagising ko game na. Yahoo medyo okay na ako. Lets party peeps. Kahit Semana Santa walang nakapigil  sa amin. So disrespectful. Sorry Lord, nag-enjoy lang! 
     Picture dito. Picture doon. Ang gaganda ng mga bahay. Napakacreative ng mga tao dito. Ang gagaling nila gumawa. Naisip ko bakit kaya super prepared sila. Mahal talaga nila lugar nila. Only then when I have learned na may Festival pala at ang may pinakamagandang bahay may premyong tumataginting na Php50,000.00. What??? ang laki. Well kung ako naman din nasa kalagayan ng mga taong ito papagandahin ko rin bahay ko. :))
      Kanya-kanyang trip ang mga tao dito. May church-inspired na house, may gumagalaw na kung anu-ano, merong  si spongebob ang bida at meron naman basta lang gumawa. Meron pa ngang kabayong gawa sa pandan e. Lumapit ako sa bahay na yun na may kabayong gawa sa pandan. Sabi ng ate ko 'O may kabayo pala dito!' Badtrip akala ko totoong kabayo, napaatras ako e! Shame on me. But what is common to all the houses I have seen was that maganda silang lahat. No doubt about it.
     Pati yung plaza napakaganda. Uncomparable sa plaza meron sa Pasay. Walang binatbat. Kakahiya nga e. Naturinang Metro area walang kwenta. haha. Panu puro corrupt. grr. Anyway, ang sarap tumambay dito. Ang sarap ng hangin dito. The best. Sana hangin ka na lang. Joke. Pero kung ako papaliin mas okay pang tumiira dito. 
     Uwian na gabi na pala. BTW, nanuod din pala kami ng parade. Prusisyon ba tawag dun. Ang galing  talaga. Namamangha ako sa kanilang lahat.
     Okay. Next stuff tom, Gubat! hahaha :))