Thursday morning, my gang have decided to go to the hill where a school is located. Ang cool talaga ng lugar na yun. Imagine school over a hill? There's really a good ambiance there. But unfortunately, they haven't allow anyone to visit the school for invalid reasons like sight seeing. Well, school naman kasi yun hindi tourist spot. Pero dati hindi bawal e. When we went there the last time, ang sarap ng hangin at kami lang ang tao kasi saturady nun, walang pasok. Kita pa ung buong Luisiana.
So we have decided to go to the mountain. Yahoo! Mountain climbing. I'm so excited to it. First time ko sana yun. Sana lang. Paano ba naman, ang akala namin pupunta kami sa bundok. Ang layo na ng nilakbay namin para makarating dun yun pala hindi kami pupunta doon. Late na sinabi ng mga kasama namin (kapatid ng bayaw ko) na sa bukid nila kami ipupunta. Adik talaga.
Sa paglalakad namin, ilang beses ba akong nakatapak ng tae? At hindi lang basta-bastang tae. As in taeng malaki. The first two 'moments' ay galing sa tae ng kabayo. Kakakuha ko ng mga pictures hindi ko napapansing may mga gamundong tae pala sa harapan ko. Yung isa naman akala ko pinutol na puno. Parang puno kasi yung over view niya. E sakto gilid at puro damo yung dinadaanan namin so kung hindi ako tatapak sa matigas na bagay mahuhulog ako. Boom sakto. Nakakita ako ng mala-punong pwedeng tapakan. Yun nadenggoy ako. Badtrip. Nakabuntot sa akin ang mga tae ngayong araw.
Ang sarap sa pakiramdam dito. Ang sarap ng hangin. At hindi maingay. Habang naglalakad kami nakakita kami ng sapa. Yahoo! Ang linaw ng tubig naengganyo akong maligo as if hindi ako nakakaligo at nakakakita ng tubig. Basta bigla na lang akong naexcite nung makita ko ung tubig na dumadaloy. Well, first time akong nakakita ng sapa at first time kong naligo dito. Lamig ng tubig malinis pa. :))
Isa pa pala nung papunta kami sa inaakala naming bundok, umakyat ng puno yung kasama namin para kumuha ng bukong they didn't own. Magnanakaw! Ang sarap inumin ng buko na kakapitas lang. Ang fresh. Ang sarap sa lalamunan. Nung nakapunta na kami sa gubat hindi namin tinatanan ang mga coconut tree doon. Sila talaga hinahunting namin. Gusto ulit naming uminom at kumain ng buko. Yummy! Sa wakas nakakita ulit kami. Nakawan time na naman. :))
Nagpahinga kami ng ilang sandali sa kubo sa may tabi ng bukid nila. MAy unggoy doon. Ang kulit ang sarap asarin. Nananabunot pa. YUng mga kapatid ko nga tili ng tili e buti hindi naengkanto. After maitali ng mga bukong ninakaw namin, umalils na rin kami agad. Magtatanghalil na kasi. Mainit na nga nung umalis kami iinip pa pala lalo.
Uwian time na. Boring na. We were all tired. How many kilometers have we went through? And How many seconds did we took our rest? Still its an amazing experience. It's the adventure I always looked for. This is really what I wanted to do in my life. Maging tarzan? HAHA. kidding aside, maglakad saanmang lupalop ng mundo ang gusto kong gawin sa buhay ko. And this experience will serve as a stepping stone. :))
2 comments:
woah! ayos! ako rin eh, magmamountain climb bukas! first time! hehe
heheh wow naman.. sana ako rin :D
Webthesurfi Rugs Webdesign
Post a Comment