Before we ended up our last meeting in my Economy class, my prof have let us watched a video clip that is so inspiring. Of course it's inspiring 'coz this blog would not be written in the absence of it. I really love it. It contains a lot of real-life messages in pain. And as I watched it, it seemed tears were stranded in my eyes.
Napakagaling ng pagkakagawa ng movie na 'to. It clearly states what human life is. And what kind of people are in this sinful world. After kong panuorin yun, palagi ko nang binibista ang youtube para bisitahin ang video clip na to.
Naisip ko sa dinami-rami ng masasamang tao sa mundo bakit yung mga mabubuting tao ang dapat magsakripisyo? Hindi ba't sila naman ang nagkakasala so the punishment should be unto them. Pero hindi ganun ang nangyayari. Kung sino pa ang gumagawa ng kanyang mabuting buhay, siya pa ang dapat magsakripisyo para sa kapakanan ng nakakarami. Bakit nila kelangang magsacrifice kung ang mga sarili lamang ng mga taong binibigyan nito ang kanilang iniisip? Mga taong sinasayang ang kanilang buhay para sa sariling luho.
Probabilism is not an answer but is what accepted by the majority. Kung ililigtas mo kasi ang iisang tao para sa ikakapahak ng marami, magmumukha ka namang makasarili. But have they asked their selves na worth it bang iligtas ang mga taong katulad ng nasa video? Do they deserve to live their lives the way they are spending it now?
I don't think so. Kung alam kong ganung mga tao ang ililigtas ko, I will only save my only son. Pero hindi ganun kadali yun e. Hindi naman natin alam kung sino ang masasama at kung sino ang hindi. At hindi lahat ng nasa "train" ay mga taong walang pakialam sa buhay ng iba dahil kahit saang sulok ng mundo sama-samang tayong nabubuhay.
Minsan tuloy naiisip ko, ang mga taong mabubuti lang ata talaga ang mga taong nakaiintindi sa tunay na kahulugan ng buhay. Kaya sila na lang ang nagsasakripisyo dahil alam nilang sila lang ang maaasahan ng mga taong nangangailangan. At dahil nga nabubuhay tayo sa iisang mundo, ang kapakanan ng iba ay kapakanan na rin ng nasasakupan, ng nakakarami. Pero ang sakit at pighati ng isa, ay pighati niya lamang at wala ng iba. Ang sakit isiping yung mga taong iniligtas mo ay wala man lang kamalay-malay sa nangyari sa'yo. Ni hindi man lang sila dumungaw sa bintana para magbigay ng pakikiramay at dalamhati. Ni hindi nila alam na nailigtas sila from a deep great pain. Narerealize lang ang mga bagay-bagay kapag meron ng namamatay! :c
Hindi ba't ang sakit sa pakiramdam. Ang sakit isiping sa kabila ng kabutihang iyong nagawa sa mundo, ikaw pa ang magsisilbing pain sa kapahamakan. Life is so unfair. Kaya sana isipin naman ng mga taong ito na may mga nasasaktan sa panahong sila ay nangangailangan. Hindi basta-basta ang buhay. Kaya sana we give importance to it 'coz hindi lang naman sila ang apektado. Lahat ng taong nasa paligid nila nadadamay and most of the time ito ang mga taong nagmamalasakit pa sa'yo. :((
The salvation of all requires the sacrifice of one most dear. And the sacrifice of one, bought the hope of the future.
No comments:
Post a Comment