Ang sakit malamang isa sa mga mahal ng kaibigan mo ay pumanaw na. Kahit hindi mo kilala parang nasasaktan ka para sa part ng kaibigan mo. Ganito ang naramdaman ko. Wala na kasi yung papa ng isa kong kaibigan. Nakakaawa kasi bata pa siya para mawalan ng mga magulang. Ang alam ko kasi papa na lang niya ang natitirang magulang niya. Tapos nawala pa. Pero sa tingin ko hindi awa ang kelangan niya kundi suporta. At sa tingin ko ito naman ang tanging bagay na naibigay namin sa kanya kahit sa isang maikling gabi lang.
Mabilis kumalat sa tropa ang balita. At mabilis din kaming nakapagdesisyong pumunta sa burol ng papa niya. Hindi na kami nagdalawang-isip pa para pumunta kasi alam namin kelangan niya kahit papaano yung presence at support namin.
Ako, hindi ako nag-atubiling pumunta doon. May trabaho ako pero hindi na muna ako pumasok. Mula school diretso na agad ako dooon. Wala nang uwi-uwi. Ganito rin ang ilang mga klasmeyts ko. Yung iba nakauniform pa. Yung iba naman hindi na nagpaalam sa kanilang mga magulang. Basta mula school diretso agad sa burol.
Pagdating ko doon naabutan ko sina Carla, Kim, Arby, Gladys, Reg, Abbie, Chimes, Alyssa, Roselle, Honey, Margareth, Tin, Mashi at Jonalie. Whoa ako lang lalaki. Hindi pala. Kasama pala ni tin saka ni Maggie yung mga boyfriends nila. Pero hindi ko naman close yung mga yun e.
Habang nagkukwentuhan, napansin kong parang ang saya ni Aja. That means, nakatulong kahit papaano yung pagdalaw namin sa papa niya. Tumatawa ng malakas. Nakikipagbiruan. Parang si Angela pa rin na nakilala ko nung hayskul pa kami. Masayahin. Madaldal. At ang tawa niyang hindi ko makakalimutan. Pero alam kong behind those laughters is the other Angela I haven't known. Alam ko she is in deep pain. Alam kong pag-alis namin sa lugar na iyon may luha na namang tutulo sa kanyang mga mata. Ang sakit isipin. Pero yun ang katotohanan.
Sayang unting oras pa lang ako nakastay dun uwi na agad sila. Grabe namiss ko ang mga taong to. Sabi ni Lala namiss daw niya ako. Ako rin namiss ko na rin kaingayan niya. And as usual, mala-armalite na lait ang inabot ko kay Gladys. Si Maggie hindi pa rin nagbabago, maganda pa rin. Actually gumanda pa nga lalo e.
Maya-maya dumating sila Jim, Da, Aldin, at Roel, tropa ko. Nice! Umalis na ung iba, pero ako, si kim, arby, aldin, jim at Nin, nagstay pa. Muntik na nga namin makalimutang nasa lamay kami dahil sa gabundok na kwentong may kasamang katatawanan ang pinaggagawa namin. Namiss ko talaga yung kwentuhan namin. Halos mapaos na naman boses ko kakatawa at kaka-crack ng jokes. Hindi ko talaga mapigilan sarili ko. Super namiss ko sila.
We decided to eat at Jobbie. Hindi pa natapos ang kwentuhan at tawanan. Parang ayaw ko na ngang matapos ang gabing ito e. Sana tumigil yung oras o kaya kahit papaano bumagal ito. Gusto ko pa silang makasama ng matagal. Kasing tagal ng oras na hindi kami magkakasama.
Kung pwede lang sama-sama na kaming matulog sa iisang bahay, okay na sana. Kaya lang sympre may mga magulang din kami. May mga maghahanap din at mag-aalala sa amin. Ganun talaga buhay. Tulad ng mga sinabi ko sa mga posts ko sa tuwing namimiss ko sila, lahat talaga ng bagay will reach its end. At ngayon, dumidilim na naman ang paligid. Sign para maghiwa-hiwalay at bumalik sa buhay na hindi namin nakasanayan. Sa buhay na ngayon ay pinakikisamahan namin. :((

No comments:
Post a Comment