Monday, April 26, 2010

Vacation Photos

     Sorry wala akong mapaglagyan ng mga photos ko so I decided to just post it here. Ayaw ko sa facebook masyadong public sa mga kaibigan. Anyway, the photos you will see here are just portion of so much adventures. But this one is the best among all. Visit at the jungle. 



Going in to the forest. Mga ate ko yan at yung nasa dulong nakagray ay pinsan ko. Nasa unahan na ung mga guide namin. 




 

Ito yung way para makadaan yung mga vehicles. Sa gilid yung kagubatan. Ang sarap maglakad dito. Mainit nga lang! 






Trip lang. MAy butterfly kasi kaya kinuhaan ko ng picture. Kaya lang hindi SLR yung gamit ko kaya hindi kita. 





Pasintabi mo sa kumakain. Ebak po yan. Trip ko lang ang laki kasi e. Tae yan ng kabayo. As in TTAAEEEE !!! :))






I am fan mo candid shooting. At gusto ko lagi ay yung nakatalikod yung mga tao. Para adventure talaga yung dating. hehe





We saw a plain green land kaya napagtripan naming magpahinga ng sandali. And take pictures of course!





Jumpshot! After so many trials, nakakuha rin yung ate ko (nasa gitna) ng magandang jumpshot. Ang galing ng kuha ko! haha





First time namin makakita ng bunga ng pandan. So pinutol namin mula sa puno then take a pic then dump and leave. Ang bad! peace pandan!!! 





Nakakita ng kalabaw. Ang pandak ng kalabaw na 'to as in. Parang Kabayong maliit. Ano nga ulit tawag dun? :))






This is great! Super ganda. Parang paradise. Ang sarap sa mata at sa pakiramdam. 




Kumpol ng buko. Napagtripan naming kainin. Hindi po unggoy yung nasa puno, kapatid po yun ng asawa ng ate ko! :P





Group shot endorsing buko. Ang sarap ng buko pag bagong pitas and so refreshing. Unlike mga buko sa Manila parang tuyot, hindi nakakarefresh sa katawan.





Ang ganda ng view. Ganito yung mga nakikita ko sa books e. Feeling ko professional ako. HAHA sorry for reaching my own bench. Sarili ko lang naman pupuri sa sarili ko e haha :))





Mini Pinya. Ang kyut ng pinyang to parang mangga sa sobrang liit. Ang sarap pitasin. :))





Papasok sa gubat ng kamatayan. JOKE! Madulas yung lupa kahit tuyo. Kaya kapit bisig. Hindi pala, kapit damit! :))




Ako nasa likod nila. Balak ko sanang tulakin para sama-sama silang mahulog para mukhang domino. HAHA. Sama ko! pero di ko ginawa sympre :))




Ang ganda ng view. Nice shot ulit para sa akin HAHA. Wala kasi akong masabi kaya kayabangan na lang. :))





I love green. Palayan ng pamilya ng asawa ng ate ko. TRIVIA: Nakatapak ako ng gaplatong tae ng kalabaw dahil sa pagkuha ko ng pic na 'to. Kasalanan niya! peace :))




Moymoy. Ang kyut ng unggoy na 'to. Nananabunot. Ang sarap lokohin. Pikon e. HAHAHA. Ang galing pa kumain ng saging. Unggoy e. 






Near view ng palayan. Ang galing, nag-iba yung kulay nung tanghali na. Kanina green ngayon yellow-green na na parang may outline ng green. :))




Nagsisisigaw ate ko (yung nakaupo) kasi malalim daw. Nung nadulas siya saka lang niya narealize na hanggan talampakan pa lang yung tubig. Actually napahiga silang dalawa ng ate ko e. Hindi ko lang nakuhaan. Sayang. Laughtrip sana! =))




Ito yung sapa parang baha lang. HAHAHA. Malinaw yan, kulay brown lang kasi yung nasa ilalim kaya mukhang malabo. Ang lamig pa ng tubig sarap maligo. :))




Yeepee! Sarap maligo. Lamig ng tubig. Parang shower din pero mas masarap dito. :P






Bench Body Payatot Edition. HAHAHA. Sarap maligo. Dapat yung stolen e para mas hot! JOKE. Ang payat ko. grrr. X_X







     Alam ko naumay ka sa last photo. HAHAHA. Pero the best talaga ang experience na 'to. Although may mas gusto pa akong masubukan. Gusto ko yung pamatay pagod yung paglalakbay. Mabilis lang kasi 'to e. Gusto ko yung aabot ng ilang linggo kakalakad. :))

     Marami 'tong pic na 'to kasama yung buong bakasyon naminn sa Luisiana. I'll try to upload it at my multiply account not now or tomorrow but someday (kakatamad e).  =))

     Pahabol !!! Napagtripan ko lang picturan yung sky and great! Ang ganda. Lalo lang tuloy akong nanggigigil sa SLR. Sana magkaganto ako. Ang mahal kasi e! I love photography. :))

2 comments:

kaigachi said...

ano camera gamit mo? parang Canon Ixus, tama ba? puwede na yun for blogging. nasa kumukuha yan, wala sa gadget ;) - badet

anthony said...

nope. casio po gamit ko. well tama ka pero mas maganda quality di ba pag slr. hehehe. pero for now tiyaga muna ako dito. well i enjoy it naman :))