Saturday pala ngayon. Parang may isang bagay akong gustong gawin na hindi ko na magagawa pa. Ilang minuto rin akong nag-isip bago ko naalala ang bagay na ginagawa ko tuwing sabado. Community Service.
Kamusta na kaya yung mga bata? Ano kayang ginagawa nila? As of this writing, I was still wondering kung may nagtuturo sa kanila ngayon o naglalaro na lang sila sa may kalsada ng lugar na yun?
Parang gusto kong pumunta ulit sa lugar na yun. Pero ano naman ang gagawin ko dun? Tapos na yung alloted time para sa service namin. Sayang. Sana tinagal-tagalan pa nila. Nakakamiss yung mga bata. Yung ingay at kakulitan ng mga to. Pati ang mga larong sa kanila ko lang natutunan.
Parang iba yung pakiramdam ngayon. Nakakapanibago. Dati sa tuwing magsisimula ang Sabado ko, mga boses ng mga bata ang naririnig ko. Kahit sa kalsada tinatawag nila ako. "Kuya Anthony, Kuya Anthony!" Nakakamiss marinig ulit ang mga katagang ito. Feeling ko artista ako nung mga panahong yun. Pero over than that, alam kong kilala nila ako bilang isang teacher na nagtuturo sa kanila.
Ano na kaya ang mga mangyayari sa kanila? I mean, ginagabayan kaya sila ng mga magulang nila sa kanilang pag-aaral? Sana oo kasi alam kong gustong matututo ng mga batang ito.
Alam kong naglalaro lang sila sa mga oras na ito. Pero naiisip din kaya nila kami? I mean, gusto rin kaya nilang bumalik kami para turuan sila. Sa tingin ko oo, kasi nararamdaman kong umaatend sila sa mga sessions namin hindi dahil pino-force sila ng mga magulang nila o ng mga Social workers kundi gusto nilang matulungan sa kanilang pag-aaral.
Totoong nagsimula kami sa 16 students. At bawat linggong dadaan, nababawasan kami. Hanggang umabot kami sa huling araw ng aming pagkikita. Walo (8) na lang silang natira. Hindi ko alam kung ano ang rason ng mga umalis pero alam kong yung mga natira ay mga dedicated sa kanilang pag-aaral, sa kanilang buhay.
Nakakamiss bumalik sa lugar na yun. Kung may oras lang akong pwedeng ilaan sa mga batang ito, bibisita ako. Pero gusto ko sa oras na pumunta ulit ako sa lugar na iyon, handa na ako. Handa akong maglaan ng kahit na maliit na oras sa kanila para magturo at tumulong.
Miss you all peeps :))

1 comment:
naalala ko tuloy nung nag LTS ako....hehe...naalala ko pa ung favorite student namin na sobrang talino..gusto ko sana oferan ng scholarship pag college niya..chak..ambisyoso haha...pero nakakamiss ang mga bata kasi kuya sila ng kuya ....hhaa..nagwawonder na rin tuloy ako kung kumusta na sila...4 na taon na rin ang nakaraan...hayskul na ung mga un hehe..share lang..kakamiss noh? hehe
Post a Comment