Since malapit na ang final exam namin, which is next week, tinambak na naman ng mga professor ko ang gabundok na projects sa amin. Walang tulugan na naman ito. At for sure bangag na naman ako after this week. Bakit ba tuwing malapit na magtest saka sila nagbibigay ng mga sandamukal na projects. Dapat nga maintindihan nilang dapat kaming magreview para sa Finals namin, di ba?
Anyways, Marami na namang requirements. Una si Marian "trying hard" nagpagawa sa amin ng web site. What website? E wala pa kami sa majors namin para gumawa ng website. Basic word, excel, and powerpoint lang po ang itinuro mo sa amin. Nahihibang ka na po ba? Parang gusto ko siyang tanungin ng ganto nung sinabi niya yung project namin e. Parang nagimbal utak ko dun. Buti na lang marunong yung isa kong kasama at siya na ang gumawa. As in siya lang ang gumawa.
Bago pala ako tumuloy sa next pahirap project, I just want to inform you na nawala yung notebook ko. Badtrip. Nandun lahat ng notes ko. Finals na next week. Anong gagawin ko? Kahit ayaw kong magsimula ulit from scratch, wala na akong magagawa kundi gawin yun. Kung saan-saan ko na hinanap yun. Nilibot ko na buong Benilde, wala pa rin. Iniwan ko na nga yung trabaho ko para dun e. Wala talaga. Badtrip.
Next on the list ay ang 2-minute video presentation namin sa Economy. Hindi naman ako masyadong nahirapan dito kasi madaling sagutin yung tanong. (How can we improve the Philippine Economy?) Isa pa favorite ko yung subject kasi magaling magturo si Sir Hernan. The Best! Hindi ako nahirapan sa paggawa ng video clip. Na-express ko naman yung sarili ko. Pero may problema pa din. I need to burn it in a CD. May burner kami sa bahay pero wala akong CD. Gabi na saan pa ako bibili. Alas-12 na ako natapos sa paggawa e. I decided na gumising na lang ng 5am para maghanap sa mga computer shops. Sa kabobohang palad, e saang computer shop ba bukas ng 24-hours? Nasayang lang yung oras ko kakahanap. Wala rin akong napala. I called Bhabes (that's how we called her) na dalhin yung laptop niya para makiburn ako. Wala kasing burner yung sa akin kasi notebook PC yun. Alangan namang dalhin ko yung burner namin e ang bigat nun. Sabi ko kita kami sa LRC (library namin). Sa kabobohang palad ulit, dalawa ang LRC namin (main and extension). Hindi ko nasabi sa kanya na sa extension kami magkikita. Pumunta ako sa extension siya sa main. Worst, walang signal sa extension kaya hindi kami nagkaabutan. Pakshit tlaga. Pero buti na lang Nagkita kami before class.
Hindi ko alam kung anong meron sa araw na 'to pero isa lang ang alam ko, it's not my day. Eff talaga. Ayaw maburn nung ginawa ko. E ayaw pa naman ni sir ng may mga gadgets na bukas sa room. so ang ginawa ko naupo ako sa dulo at inilapag ang laptop ni JP sa sahig para hindi niya makita. Success. Hindi niya nakita, hindi ako napagalitan pero hindi ko rin naman napasa yung project ko. Nakiusap ako kay sir na ipapass ko later. Buti na lang mabait si sir at pinayagan niya ako. Thanks to JP, dahil sa laptop niya Naburn ko rin ang fucking project na 'to. Thanks din kay Bhabes kasi pumasok talaga siya ng maaga para ipahiram sa akin yung laptop niya. Bait talaga ni Bhabes. Iba sa mga kaibigan niya. :))
That day rin ang rehearsal namin sa ORALCOM class para sa speech choir. E that day is our group work para sa movie review sa Filipino. So sabi ko kina Jo, Muriel at Daph na malelate ako. They understand naman. After ng nakakatawang rehearsal dahil sa kaingayan at kalokohan nina James at Dan, umalis na ako para pumuntang taguig. Halos maubusan ako ng hininga kakatawa sa dalawang 'to. Wala tuloy kaming napala sa rehearsal. Bahala na bukas sa presentation. =))
Exactly 7 nasa DOST na ako. Akala ko susunduin ako nila Daph, hindi pala. They instructed me kung saan ako dadaan. Unfortunately again, naubusan ako ng load. Wala na akong pantext sa other networks. Buti na lang nakita ko si Arturo sa sakayan ng tricycle. Nakitext ako sa kanya. Sinamahan din niya ako kung saan sasakay papuntang Bagumbayan. Thanks Arturo hulog ka ng langit!
Sa wakas nakarating na din ako kila Daph. Matapos ang pahirapang pagpasok sa village nila, nakapagpahinga rin kahit papaano sa malambot niyang kama. Hay salamat. Before kaming gumawa, kumain muna kami. At syempre favorite ko ang iced tea nila. The best. Ang sarap. Napaka-refreshing. Sa tingin ko nga kaya kong ubusin yung isang pitcher ng iced tea e. Kung hindi lang nakakahiya game.
Siguro mga 10:30 na kami natapos sa group work. Hindi rin naman namin natapos yung presentation pero at least nakapag-isip kami kung ano ang gagawin. We decided to go home na. Gabing-gabi na. Habang nasa jeep kami, kinakabahan ako kais baka mahold-up ako. Dala ko pa man din yung laptop. Buti na lang hindi nangyari.
Anyways, kinabukasan sinimulan ko nang gumawa. Buti na lang natapos namin yung presentation. Pero hindi rin naman kami nakapagpresent kasi naubusan ng oras. Pero sabi ni miss, sa LRC na lang daw namin ipresent yung video.
Natapos na din ang speech choir namin at take note, nanalo kami. Kulang pa sa practice yun pero wag ka. San ka pa? Dinuga nga namin yun e. Dahil sa sobrang kaba nakakalimutan namin yung lines. Buti na lang nasa harap si Jason (nanalo siya sa extemporaneous speech) para sabihin sa amin yung lines. Buti na lang din at hindi naririnig ng mga judges! At ayun, wagi! Yahoo. sure pasado na ako! =))
After ng speech choir, nagpunta na ako sa LRC para ipresent yung project namin. Wag ka ulit, impress si miss sa gawa namin. Ilang beses niyang sinabing ang galing namin. Ang ganda raw ng review at ang pagkakagawa ng presentation. At dahil diyan exempted kami sa Final Exam. Yahooo! Bawas alalahanin. Thanks Miss Sebrio. The Best ka talaga miss.
Hayyy!!! Buhay estudyante talaga sobrang hirap. Pero masarap sa pakiramdam na makitang maganda ang kinalabasan ng mga pinaghirapan niyo. Dahil tapos na ang week na 'to wala na akong problema sa projects. Exams na lang. Wala ako reviewer kaya stock knowledge na lang. HAHAHA. Yabang ko!
After hardships are success! I miss the moment. :))
No comments:
Post a Comment