I woke up so early kanina. Fireworks ata naririnig ko. Fireworks sa umaga? Whoa so unique. Pero grabe ang ingay talaga. Akala ko nga may fiesta. Yun pala they celebrated the 'Pasko ng Pagkabuhay'. Hindi ko alam english nito. Ano ba? 'Christmas of Reborn'? Haha. Bobo. Easter Sunday? Ah ewan.
Umuwi na rin mama ko saka ate ko that time. May mga 'unfinished business' daw sila sa Manila. Okay magsilayas na kayo. Habang papaalis sila videoke trip naman ako. At ang kanta ko sa kanila 'Before I let you go'. Sakto! While I'm preparing myself para ihatid sila sa labas. Kumakanta naman yung kapatid ng bayaw ko. And the song is 'Paglisan'. Whattha? Sakto nga naman oh!
Habang naglalakad kami, it's noticeable na basa ung buong paligid. At basa ang lahat ng taong nakikita ko sa malayo pa lang. Kinabahan tuloy ako baka may basaan portion dito. Pak! Ayaw kong mabasa. Maaga pa para maligo. Saka malamig pa.
Nung pabalik na kami only then nang maconfirm kong ginagawa talaga nila yun every Easter. Ang galing parang Feast of St. John. May basaan din. Pero naconfirm ko siya nang buhusan ako ng isang tambay ng isang buong balde ng tubig. Parang kinilabutan ako dun. Ang lamig talaga ng tubig. Kakagulat. Nagmukha tuloy akong basang sisiw habang naglalakad. Badtrip pero masaya!
The night of that day, buong gabi kaming nanuod ng mga concerts and pageant sa Luisiana. Wala na nga ata kaming balak matulog dahil bukas uuwi na kami hindi na namin makikita itong lugar na ito ulit. Maghihintay na naman ako ng ilang taon bago makapunta dito. Kaya dapat sulitin ko na ang nalalabing gabi ko dito.
I guess around 2pm na kami umuwi. Pero hindi pa tapos ung party sa plaza. Ang tatatag din ng mga tao dun e. Walang uwian. Survival of the fittest. May premyo ata. Pero actually ayaw ko pa umuwi e. Wala lang akong kasama. Antok na kasi mga kasama ko. Gusto kong antayin mag-umaga. Ayaw kong matulog. Mamimiss ko ung lugar na 'to. :(
Pero ganyan talaga buhay. Lahat ng bagay kelangang magtapos. At lahat ng bagay kelangang bitawan at magstay as a memory... Remembrance... Past! Kakamiss tuloy.
Pero I have to break this emo feelings. Kelangan kong gumawa ng paraan para hindi ako mahilo at masuka sa biyahe ulit. Hay naku problema naman. Pero ganyan talaga. There are best moments in your life that sometimes can only be experienced at the worst times.
That's life and it's not unfair as what others said about it. :))
No comments:
Post a Comment