After ng ‘end of the world’ roadtrip namin, nakarating din kami sa lugar na pagbabakasyunan namin. Bungad pa lang napa-wow na kami dahil sa mga magagandang bahay. Yung mga bahay kasi dun napapabalutan ng mga pandan. May Pandan Festival pala tuwing April sa lugar na ‘to.
Ang sarap patigilin ng kotse para mapagmasdan namin ng maayos ang mga bahay doon. Isa pa pala pagpasok naming sa lugar na iyon, iba ang lamig. Nasa mataas na lugar kasi ito kaya malamig. Ibang-iba sa Manila. Kahit mataas ang sikat ng araw dito hindi mo mararamdamang nasusunog ang balat mo dahil sa malamig na simoy ng hangin.
Pagdating ko sa bahay, natulog kaagad ako. I really need to rest. Alam ko kasing hindi na ako magtatagal sa mundong ito kung magpapanggap pa akong hindi nasusuka at nahihilo. Ayaw ko ring mangarag. Kaya nga ako nagbakasyon para magpakasarap tapos ganito lang pala mangyayari. Badtrip.
Pagkagising ko game na. Yahoo medyo okay na ako. Lets party peeps. Kahit Semana Santa walang nakapigil sa amin. So disrespectful. Sorry Lord, nag-enjoy lang!
Picture dito. Picture doon. Ang gaganda ng mga bahay. Napakacreative ng mga tao dito. Ang gagaling nila gumawa. Naisip ko bakit kaya super prepared sila. Mahal talaga nila lugar nila. Only then when I have learned na may Festival pala at ang may pinakamagandang bahay may premyong tumataginting na Php50,000.00. What??? ang laki. Well kung ako naman din nasa kalagayan ng mga taong ito papagandahin ko rin bahay ko. :))
Kanya-kanyang trip ang mga tao dito. May church-inspired na house, may gumagalaw na kung anu-ano, merong si spongebob ang bida at meron naman basta lang gumawa. Meron pa ngang kabayong gawa sa pandan e. Lumapit ako sa bahay na yun na may kabayong gawa sa pandan. Sabi ng ate ko 'O may kabayo pala dito!' Badtrip akala ko totoong kabayo, napaatras ako e! Shame on me. But what is common to all the houses I have seen was that maganda silang lahat. No doubt about it.
Pati yung plaza napakaganda. Uncomparable sa plaza meron sa Pasay. Walang binatbat. Kakahiya nga e. Naturinang Metro area walang kwenta. haha. Panu puro corrupt. grr. Anyway, ang sarap tumambay dito. Ang sarap ng hangin dito. The best. Sana hangin ka na lang. Joke. Pero kung ako papaliin mas okay pang tumiira dito.
Uwian na gabi na pala. BTW, nanuod din pala kami ng parade. Prusisyon ba tawag dun. Ang galing talaga. Namamangha ako sa kanilang lahat.
Okay. Next stuff tom, Gubat! hahaha :))
No comments:
Post a Comment