Ilang araw na lang pala at eleksyon na. Ano na naman kayang mangyayari ngayon. sana wala ng dugaan. Sana wala ng patayan. At sana wala ng inosenteng masasaktan.
Ilang eleksyon na ba ang nagdaan na puro dugaan ang naririnig ko. Mga panahong naririnig ko sa balita ang mga taong namamatay lalo na yung mga teachers. Nakakaawa sila pero mas naaawa ako sa mga taong gumagawa nito kasi nakain na sila ng demonic side of power.
Pero hindi awa ang dahilan kung bakit ko sinulat ito. Alam kong time molded us para mas maging matatag sa mga ganitong pagsubok at maiwasan ang mga panduruga ng mga daluk sa position. Kung may mga patay-gutom, sila yun.
Alam kong marami pa ring tao ang naniniwalang may pag-asa pa sa lugar na 'to. Mahirap paniwalaan pero ito lang naman ang tanging mapanghahawakan natin e. Yung positivity sa sarili.
Alam kong sa mga pulitikong ito, merong mga taong totoong nagmamalasakit sa bansa nila. Mahirap lang hanapin at kilalanin kung sino sila kasi nakatanim na sa utak ng tao ang mga katagang 'kurakot', 'ganid', 'magnanakaw'...
At alam ko ring sa dami ng mga tatakbo karamihan sa kanila, position lang ang habol, ang pera at ang kapangyarihan. Ewan ko pero parang mararamdaman mo naman yun sa isang tao e. Instinct! Ako, personally, feeling ko yung taong to ang dapat manalo kasi nakikita ko sa mukha niya yung sincerity sa mga sinasabi niya although nagiging masama yung image niya dahil sa koneksyon niya sa Malacanang.
May isa namang pulitiko na nakakasawa na yung mga ads. Honestly nung malaman kong tatakbo siya na pangulo a couple of months before the the intent of candicacy (nakalimutan ko tawag dun e), sabi ko sa sarili ko iboboto ko siya kahit hindi pa ako botante. Pero nung nagsulputan yung mga commercials na, nabadtrip ako sa kanya. Sabi niya mahirap siya pero bakit ang dami niyan ads. I mean, alam kong galing yun sa kinita niya pero kung galing ka sa hirap alam mo dapat yung pangangailangan ng mga taong nasa paligid mo hindi lang ng sarili mong pamilya. Parang ipinakita lang niya yung pagiging uhaw niya sa kapangyarihan. Feeling ko gagawin niya lahat ng commercials na mapanlinlang para lang makuha yung loob ng mga tao. Well, kung ganun man hindi niya ako maloloko. Just an opinion!! :))
Minsan tinatanong ko sarili ko kung posible kayang appease yung darating na eleksyon. Pero sana nga oo kasi hindi lang naman ang mga taong nagbabangayan na ito ang apektado e, damay kami. At mas kawawa ang lahat ng mga batang isisilang pa sa panahon ngayon.
Bakit ba ang daming makasarili sa mundo. At bakit yung mga taong ito pa ang super kakapal ng mukha. Badtrip! Ang lakas humarap sa tao para manghingi ng tulong pero pag tayo na ang nangangailangan nakatago na sila sa mga mansion nila. Mga magikero pa. They have to draw our attention away from what they are really doing.
Marami na tayong pasakit na pinagdaanan. Gugustuhin mo bang mangyari ulit iyon? Marami na rin tayong pagkakamaling nagawa. Uulitin mo pa ba 'yon? Sana wag na, kahit hindi na para sa atin. Para na lang sa mga batang mabubuhay pa sa mundo. At para na rin sa kalinisan ng pangalang PILIPINAS.
A Simple Prayer (mala-Santino)
Bro sana po gabayan Ninyo kami sa darating na eleksyon. Sana po walang masaktan at mabuwis ang buhay. Higit sa lahat, sana po walang dayaang maganap. Sana po maihalal namin ang mga taong nararapat sa kanilang pwesto para maglingkod sa bayan. Gabayan rin po Ninyo kami sa pagpili sa mabuti at tapat na taong aming iboboto.
Patawarin Niyo po ang mga taong nagkasala sa inyo. Hindi po nila alam ang kanilang ginagawa. Gabayan Niyo po sila sa tamang daan para maitama ang mga mali at magkaroon ng kapayapaan.
Salamat po Bro!