Friday, 26 March 2010

9 PM

     Tumunog na naman ang bell. Oras na naman para umuwi ako. Ayaw kong maglakad sa corridor ng school ko. Pero saan ako dadaan? Wala naman akong ibang dadaanan kundi ang pasilyong ayaw kong makita.

     Tuwing naglalakad ako sa bawat pasilyo ng school ko, pakiramdam ko ako na lang ang nag-iisang estudyante doon. Although alam ko namang maraming nocturnal students dito, iba pa rin ang pakiramdam ko sa kanila. Sila kasi umuuwi dahil kakatapos lang ng mga classes nila. E ako? Umuuwi ako ng alas-9 ng gabi dahil may trabaho ako. 
   
    Hindi ko naman sinisisi sa trabaho ko ang pag-uwi ko ng ganitong oras. Desisyon ko 'to. Pinili ko 'to. Isa pa sanay na rin naman akong umuuwi ng gabi e. Actually if I were to choose between daytime and nighttime classes, mas pipiliin ko ang gabi. Pero iba ang pakiramdam na parang naiiba ako sa kanilang lahat. Ano ba 'to? Napaka-emo ko!

     Actually, tuwing pupunta ako sa work ko, parang ayaw ko nang ituloy kasi alam kong alas-9 na naman ako uuwi pero sa tuwing nandoon na ako, nawawala na yung slight doubt sa sarili ko. At sa tuwing magriring yung bell, eto na naman ung pakiramdam na bakit ba ako nandito. Yung  panahong sinasabi ko sa sarili ko na dapat nasa bahay na ako kasi kanina pa end yung classes ko.

    Marami akong nakakasalubong na mga estudyante at kadalasan natatanong ko sa sarili ko kung ano kaya ang mga iniisip nila. Of course alam ko namang iba ang iniisip nila sa iniisip ko.  Pero dumadating din kaya yung mga oras na natanong nila sa mga sarili nila yung mga questions na kadalasan kong tinatanong sa sarili ko. Nararamdam din kaya nila ang yung mga ka-emo-hang nararamdaman ko? 

     Para kahit papaano mawala yung sad feelings na 'to, binabasa ko na lang ung mukha ko. Naghihilamos ba. Kahit papaano sa ganitong paraan yung malamig na tubig ang nararamdaman ko. Nawawala pansamantala ang mga masasakit na naiisip ko. Ewan ko pero parang napapatunayan lang nito na hindi talaga ako nababagay dito.

    Nung hayskul naman ako masaya pa nga akong lumalabas sa school. Kahit  gabi na okay lang kasama ko naman mga kaibigan ko. Pero ngayon mag-isa na lang ako. Dati kasi nung first term nung wala pa akong trabaho kahit papaano kasama ko ung ibang mga klasmeyt ko.  Although O.P ako sa kanila okay lang kasama ko naman crush ko.  Pero ngayon, wala na. Gabi na nga ako umuuwi, wala pa akong kasabay.

     Pagkatapos kong burahin sa mukha ko yung lungkot sa tuwing palabas ako ng  school, madali akong lumalabas sa school kasi alam kong pagkatapos mawala ang lamig ng tubig sa mukha ko, babalik na rin ang malungkot na expression ng mukha ko. Hindi naman halata sa akin iyon pero masakit sa loob ko ang ganitong pakiramdam. 

    Alas-9 nga ang pinakaayaw kong oras sa buhay ko. Pero ito rin ang nagbibigay sa akin ng pakiramdam na malaya ako. Dahil sa tuwing bibyahe ako, pakiramdam ko'y habambuhay na akong maglalakbay. At ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko, ang magpa-ikot-ikot para makita at makilala ko ang tunay na sarili ko.
   
    Sa wakas nakalabas na rin ako sa mundong ito. Pero alam ko ring pansamantala lang ito dahil bukas babalik din ako sa lugar na 'to. At alam kong iikot na lang palagi ang isip ko sa ganitong paraan! :((

1 comment:

just call me fox said...

ouch... nararamdaman koh ung nararamdaman mue... gnyan din aqoh pg pauwi nah aqoh galing sa 7:30 class koh..