Lagi na lang ako nalelate ng gising tuwing may community service ako. Nasanay lang siguro kasi ako na magising ng 11:00am every weekend. Dahil diyan nagmamadali na naman ako at hindi na naman ako nakakain ng breakfast. Gutom.
Anyway, hindi rin naman ako late. Hindi ko rin alam kung paano nangyari yun e. Basta ang alam ko nauna ako sa meeting place namin. Hay buhay! 9am start ng tutor namin pero halos 10am na kami nakapag-start. Nakakatamad talaga ngayong araw na ito. Pero inaantay kasi namin yung parent na nagga-guide sa amin e. Wala pa kasi siya. Yun pala inaantay rin niya kami sa dating pinagtuturuan namin. Ayun nag-antayan lang kami. Okay lang at least kahit papaano naubos yung oras sa pagtambay. At dahil sa pagtambay naubos rin pera ko kakakain.
Hindi namin alam kung anong gagawin namin sa araw na ito. How we wish na may bagyo at masuspend ang session namin ngayon. Pero its a miracle kung mangyayari yun. E halos masunog na nga ako sa sobrang init e. Well, dumating din yung guide namin at start na. Wait ano bang gagawin namin?
Sabi ni Calvin laro na lang daw ang gawin namin. Wala talaga kaming prepared new lessons for them. Sabi naman nung nanay na kasama namin na magturo kami kasi bibisita yung social worker na mataray. Naku po. Wrong timiing naman. Pero hindi kami natinag sa 'panakot' na yun. Sige tuloy ang laban! Laro. Laro. Laro. French fries and ketchup. Hep hep hooray!. Joke time, the classic 'knock knock' , at kaguluhan. Dahil sa pinaggagawa namin, may mga nagkapikunan, nagkasagutan at nasugatan. Pumutok yung kulugo ng isang estudyante. Si Romeo kasi e may daganan pang pauso e. Pero okay lang mukhang nag-enjoy naman yung mga batang lalaki sa pinaggagagawa ni Romeo. Good job!
Sabi nung nanay na kasama namin parating na raw yung social worker kaya nagmamadali kaming kumuha ng papel at pencil at tinuruan ang mga batang nakatoka sa amin. Topic for the day: Spelling. Yung ibang bata hindi nakukuha yung mga tamang spelling ng mga simple words. Like sabi ng mga kasama ko may mga estudyante raw sila na inispell ang 'apple' as 'aple' at 'eyes' as 'eeys'. Kawawa naman yung mga batang ito. Hindi kasi sila nabibigyan ng oras para turuan. Kaya parang kahit papaano nakonsensya akong mas inuna pa naming maglaro dahil tinatamad kami kesa sa turuan sila kasi kelangan nila.
Pero mas nakonsensya ako at namotivate na pag-igihin pa yung pagtuturo sa kanila dahil sa isa kong estudyante. Sabi ng nagbabantay sa amin wala raw grade yung batang yun sa English kasi bagsak. Hindi raw kasi nakakapasok ng eskwelahan. Kinuha raw kasi ng isa niyang lola sa tunay na lolang nag-aalaga sa kanya. Parang that time nabagabag yung puso ko. Ang sakit pakinggan. Naaawa talaga ako sa kanya. Kinausap siya ni Rob about dun. Sabi niya hindi raw siya pinapapasok ng lola niya. Hindi raw niya alam kung bakit. Tinanong ko siya kung gusto ba niyang pumasok sa school sabi niya gusto raw niya talaga. Mabuti na lang daw at binawi siya ng tunay na nag-aalaga sa kanya.
Nakakapagod man yung araw na ito, marami naman akong natutunan. Hindi pala lahat ng batang hindi nag-aaral ay wala talagang balak pumasok sa eskwelahan. May mga magulang lang talagang walang balak pag-aralin ang kanilang mga anak. Nakakaawa. Kung may pera lang ako at mayaman, naku baka may scholarship foundation na ako. Well, madaling sabihin pero mahirap gawin. Tignan ko na lang after 10 years. Pero hindi rin. Alam ko namang may maitutulong ako sa kanila e kahit walang foundation. In any simple ways, I know I have the strength to help them out.
Isa pa dapat mas inuuna yung mga taong nangangailangan kesa sa pansariling kapakanan. Tinamaan ako dun ah! Well, tamaan na ang mga makasarili pero you still have time and choice to work with it.
Note: Walang pictures. Nakalimutan kong dalhin yung camera sa sobrang katamaran. :))

No comments:
Post a Comment