Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ng pamangkin ko. Inaantay pala niya ako kanina pa. May dalang gusot-gusot na mga papel. Tinanong ko kung para saan yun. Ang akala ko nga magpapatulong punitin para magmukhang confetti at ikakalat sa labas ng bahay. Gawain kasi nila yun ng kapatid niyang mas maliit pa sa kanya, magkalat at mangunsumi ng mga matatandang naglilinis sa labas ng bahay namin tuwing umaga.
Yun ang akala ko. Iba pala ang gusto niyang mangyari. Magpapatulong pala siyang magpagawa sa akin ng eroplanong gawa sa papel. At that time parang biglang nawala yung pagod ko. Pumayag ako agad pero kakain muna ako. Gutom na ako e.
Nakalimutan ko na palang gumawa ng eroplano. Sinubukan ko ng sinubukan hanggang sa malukot yung papel. Okay lang yan marami naman akong mga papel na hindi na ginagamit. Jet plane lang yung natatandaan ko e saka puso. Mabuti na lang at dumating yung kapatid ko at tinulungan akong gumawa ng eroplano. After niyang makagawa ng isang eroplano narecall ko na kung papaano. Gumawa din ako.
Habang gumagawa ako, bigla kong naalala yung kabataan ko. Dati puro eroplanong papel ang makikita sa street namin. Pagandahan pa nga ng gawa e. At pagandahan ng lipad. Dahil nga sa mga eroplanong ito laging nagbubuhos ng tubig yung matandang nakatira sa harap ng pinaglalaruan namin. Badtrip sa amin yun lagi e. Badtrip din naman kami sa kanya.
Hindi lang eroplano ang mga naisip kong gawin. Gumawa rin ako ng sumbrero, ng puppet, ng bangka, at ng agila. Ang sarap sa pakiramdam gumawa ng mga bagay na ito. Namiss ko talaga ang mga araw na nauubos ang pad paper ko kakagawa ng mga ganitong bagay. Ang sarap maging bata.
Dahil nag-enjoy ako hindi namin namalayan ng pamangkin ko na kami na lang ang gising sa bahay. Lagpas alas-dose na pala. Pero parang ayaw ko pa rin matulog. Sana hindi na lang muna gumalaw yung oras para hindi ko na kailangang ihinto itong ginagawa ko. Pero sino ba namang makakapigil sa oras? Kaya ko nga namiss ang mga bagay na ito dahil sa paglipas ng panahon di ba.
Parang ayaw ko na tuloy tumanda. Sana bata na lang ako habambuhay! :))
2 comments:
hehehe... pareho pala tau... naaalala koh din kabataan koh sa kwento mue...
Post a Comment