Naglipana na naman ang mga love stories saan mang lupalop ng mundo. And for sure marami na namang mahuhumaling dito. Well, actually parte na ng buhay ng tao ang panunuod ng love story movies at pagbabasa ng mga nakakakilig na babasahin. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag alam nating kahit papaano ay maicocompare natin ito sa mga experiences natin. Lalo na kung yung mga kwentong ito ay nangyayari sa atin right now.
I am not actually a fan of watching love stories. Nadadamay lang ako sa mga pinapanuod ng mga kapatid kong babae. Minsan tuloy nagugustuhan ko yung istorya kaya minsan sinusubaybayan ko na rin. Damay-damay lang. Pero actually ayaw ko naman talaga nun e. Hindi dahil sa korny yung mga ganung bagay kundi dahil sa tuwing manunuod ako naiinggit ako sa mga bida. hahaha.
Minsan nga gusto kong ilagay na lang ang sarili ko sa posisyon ng mga bida. Ang sarap siguro sa pakiramdam nun. Pero hindi naman mangyayari yun e. Karamahin naman kasi ng mga scenes dun fictitious. Oo nga kapani-paniwala pero for sure it will never happen in real life.
Pero bakit ba ako naiinggit? Although single ako ngayon naranasan ko na naman pakiramdam ng may karelasyon at in-love sa isang tao. Well, natural kasi sa ating mga pinoy ang pagiging sentimental. Kunting bagay na nagpapakita ng love, kikiligin na. Pero hindi ako ganun. Nararamdaman ko lang yung kilig kapag gusto kong mangyari rin yun sa akin. Pero hangga't kaya kong iwasan ang mga ganitong bagay, iiwasan ko.
At sa kakaiwas kong manuod ng mga ganoong palabas, lalo naman akong nilalapitan ng mga ito. Ilang beses yata akong nanuod ng mga love stories within this week alone. Panu ba naman nag-movie marathon yung mga kapatid ko. After manuod ng 'Paano na Kaya', 'I Miss You Like Crazy' naman ang sinunod. Pinanuod din nila yung 'I Love You Goodbye' pati ang paborito nilang 'One More Chance'. Ilang beses na ba nilang napanuod ang mga pelikulang ito? At ilang beses na rin ba akong nadamay manuod ng mga ganitong palabas?
And the recent one ay kanina lang. Pati ba naman sa school hindi nila ako tatantanan? Nanuod kami ng palabas ni Julia Roberts and Hugh Grant. Nakalimutan ko yung title e. As usual, sa tuwing manunuod ako ng mga ganitong palabas hindi ko talaga maiwasang sabihin sa sarili ko na sana ganito rin yung love story ko. Kahit puro problema alam ko namang in the end magiging masaya pa rin ako.
Sino ba namang may ayaw sa happy ending? Wala di ba. Kahit ikaw alam kong sa tuwing nanunuod ka ng mga ganitong palabas may kakaiba kang nararamdaman. Nag-iimagine pa nga kung minsan e. Kahit kaming mga lalaki, minsan nadadala rin sa mga palabas. Hindi lang kami obvious. :)
Pero kahit ayaw kong manuod ng mga ito, sa tuwing wala na akong choice kundi panuorin ito, in the middle of the story nawawala yung mga negative perspectives ko about it at kinakain ko na lahat ng mga sinasabi ko. Minsan, these movies gave hope to me but somehow in that realization nagpa-popped up din sa isip ko na kung umasa ako, mapafrustrate lang ako dahil hindi naman talaga ito mangyayari sa buhay ko.
Well, bata pa naman ako to think of this love problem. Marami pang mangyayari sa buhay ko. At alam kong mahahanap ko rin ang taong magpaparamdam sa akin ng pagmamahal :))
No comments:
Post a Comment