Marami na namang mga estudyanteng magsisipagtapos ngayong taong ito. Marami na namang mga magulang ang magdidiwang dahil sa achievements na nakuha ng kanilang mga anak. At marami na namang luhang masasayang sa pagtatapos ng chapter na ito ng kanilang mga buhay.
Ang sarap isipin na sa kabila ng ilang taon nating pamamalagi sa eskwelahan, heto tayo at haharap sa marami para tanggapin ang diplomang matagal na nating gustong makuha. Na sa kabila ng mga problema sa school, mga gabundok na projects, mga sleepless nights for the thesis, at mga bagsakang scores sa mga exams, makukuha na rin natin ang kaisa-isang papel na inaasam ng lahat ng mga estudyante.
Pero hindi ba't dahil sa papel na iyon, marami tayong mga bagay na naranasan at mga aral na natutunan. Nakilala natin ang mga taong tinawag na nating kaibigan. Mga taong sinamahan tayo sa ating mga laughtrips and hardships. Sinuportahan tayo sa mga desisyong ating pinili. At ginatungan tayo sa mga kalokohang ating naiisip. Yan ang kaibigan. Kasama mo kahit kailan. Pero dumating din ang mga araw na nagkakaroon tayo ng mga hindi pagkakaunawaan na minsa'y nauuwi sa masakit na paghihiwalay. Ngunit dahil rin sa mga pagkakataong ito, kadalasa'y nagbubunga ito sa mas matatag at mas mahabang samahan.
Dahil na rin sa papel na ito, nakatagpo tayo ng mga iba't ibang klase ng mga teachers. May mga teachers na approve sa lahat, as in two-thumbs up, hands-off, at meron namang pangalan pa lang kakatakutan na. Hindi ba't sa tuwing unang araw ng pasukan, ang unang laging tanong natin sa ating mga sarili ay kung sino ang mga bagong set of terrors? At ang unang hiling natin ay sana mabait ang lahat ng bagong teachers natin. ANg gusto kasi natin ay yung mga teachers na ipaparamdam sa atin na tayo ay nasa Punchline or any comedy bars, yung laughtrips lang. Pero we have to admit na may mga teachers talaga na hindi mababait. Pero hindi rin naman sila masasama. Iisa lang naman yung gusto nilang gawin di ba. Ito ay yung turuan tayo ng mga bagay-bagay na makakatulong sa atin in the near future. At kadalasan iniinspire pa tayo to be motivated and dedicated sa mga ginagawa natin. Kaya tiis lang.
Higit sa lahat, hindi ba't dahil sa papel na ito kaya mas nakilala natin yung mga sarili natin. Dahil sa papel na ito, unti-unting nabubuo ang katauhan ng bawat isa sa atin. Naranasan nating tumayo sa tuwing nadadapa tayo. Naranasan nating maging patient sa mga bagay na hindi na natin matiis. Natuto tayong gumawa ng paraan sa tuwing kakailangan natin ito (including cheating lol). Or simply, natuto tayong humarap sa mga hamon ng buhay. At ika nga nila, challenges naman talaga ang reason kung bakit naging tayo ang bawat isa sa atin. Nalalaman natin sa mga challeges na ito ang mga kahinaan at kalakasan ng bawat isa. Kung saan tayo nag-iincline at saan tayo bumabagsak.
Minsan tuloy naibubuntun natin sa pirasong ito ng papel ang galit na dulot ng mga pahirap sa eskwelahan. Napakaliit na bagay kung tutuusin ang papel na ito kasi nga papel lang naman ito e. Hindi naman yan ginto o diamonds na kelangan talagang paghirapan to earn. Kung ibenta mo man, ni hindi yan aabot sa bente singko sentimos o baka nga kahit sa isang sentimo e. Unlike golds and diamonds na kung ibebenta mo, naku baka ikayaman mo pa. Pero ano bang kaibahan nila? Simple lang naman. Itong papel na ito na dahilan kung bakit tayo narito ngayon ay ang magsisilbing susi natin para makapasok sa totoong mundo. Hindi man maibibigay ng papel na ito ang halaga ng perang gusto mong makuha instantly, maibibigay naman niya ang halaga ng perang gusto mong makuha ng panghabambuhay. Remember na ang pera, ang golds and diamonds ay nauubos pero ang papel na ito, kahit sa pagtanda mo alam kong iingatan mo yan. At panahon lang ang uubos dito.
Ang sakit kung iisipin na dahil sa isang maliit na bagay, maraming mga pagsubok ang naranasan natin. Pero mas masarap isiping, dahil sa pirasong papel na ito nagkaroon tayo ng mga kaalaman sa mundong ginagalawan natin. Nagkaroon tayo ng ideya kung bakit ba tayo nabuhay sa lupang ito. At nalaman natin kung ano at kung sino ba talaga ang bawat isa sa atin.
Yan ang naidulot sa atin ng pirasong papel na ito. Maliit man kung titignan pero nagbigay naman ito sa atin malaking impact sa ating buhay.

1 comment:
you said it right! sakto!:)
Post a Comment