Monday, March 15, 2010

Birthday Mo Ngayon, Kaibigan!

     Isang taon na rin ang nakakalipas simula ng ginawa kita. Ang sarap isipin na sa loob ng isang taon, nakahanap ako ng paraan para mawala ang boredom ng buhay ko. At nakahanap ako ng kausap at kaibigan na katulad mo.

     Sinamahan mo ako sa mga oras ng aking kasiyahan. Hindi mo ako iniwan sa panahong kailangan ko ng kausap. At hindi mo rin ako pinabayaan sa tuwing pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa mundong ito. Dahil nandiyan ka handa akong samahan sa buhay na pinili ko. Salamat na nga lang at hinayaan mong pasukin ko ang buhay mo, ang buhay ng pagiging blogger. Salamat ng marami. Alam kong kasama kita hanggang sa pagtanda ko.
____________________________________________________________

     Bakit ko nga ba naisip magblog kung alam ko namang wala akong kausap dito kundi ang monitor na kaharap ko? Si Gladys kasi e inimpluwensyahan ako. Pero hindi ko rin aakalaing mamahalin ko ang pagba-blog at tatagal ito ng ganito kahaba. Ang akala ko nga katulad lang ito ng ibang mga sites ko na dahil wala naman akong kakilala (maliban kay Gladys), mamamatay na lang ito ng bigla dahil wala ng kumakalikot sa kanya.

     Isa pa hindi naman talaga ako mahilig magsulat e. Ayaw ko nga ng mga assignments na essays and other compositions. Ang hirap gumawa hindi ko alam kung paano ko sisimulan. At kadalasan, bagsakan ang mga grades ko pagdating sa mga hinayupak na sulatin na yan. Pero mas okay pa nga kung assignments e kesa on the spot. Ano 'to, contest? Pero kahit ano pa man iyan, ayaw ko niyan pero ang pagblog? Ibang usapan na yan.

     Recently ko lang nalaman na mahalaga pala sa akin ang blog. Na ang sarap sumulat sa harap ng kompyuter at gumagawa sa harap ng blog site ko. Pero ang blog ay parang pagsulat din di ba? Oo nga pareho sila in the sense na writing skills ang kelangan dito pero malayong-malayo sila in terms of the purpose kung bakit ka sumusulat. Dito walang pressure na kelangan ko itong ipass bukas. Dito walang grades. Dito walang criticisms from your teachers. At dito malaya kong nasasabi ang gusto ko. Malaya akong nakakasulat. Hindi limitado.

     Hindi ko nga aakalaing lalampas sa trenta ang mga posts ko e. Ang akala ko  magiging extra site lang ito sa akin na bibisitahin ko lang kung kelan ko gusto. Dati nga friendster lang ang inoopen ko. Pero ngayon after Facebook and Plurk, blogger ang pangatlong tab sa listahan ko. At hindi ko lang ito basta-basta inoopen for updates purposes, gusto ko sa tuwing ioopen ko ito may mapopost akong bago para mabasa ng mga kablogs ko.

     Pero hindi lahat ng pagkakataon nakakasulat ako. May mga oras na hirap na hirap akong simulan ang topic na naisip ko kaya in the end wala akong nagagawa kundi title at mabubulok na lang ito sa draft section ko. Matatabunan na lang ito ng mga panibagong articles at buhbye! Ayaw ko naman gumawa ng mga blog posts na sinimulan ko ngayon tatapusin ko bukas. Nawawala na ung sense and the real substance ng sinusulat ko. Kaya gusto ko hanggat maaari matapos ko ito sa isang upuan lang.

     Actually, this 2010 ko lang talaga nagustuhan magblog. I mean, hindi ko akalaing ihehelera ko ito sa Facebook and Plurk. Oo dati nagbablog na nga ako pero parang wala lang kasi wala namang nagbabasa ng mga blogs ko. For me kasi, worthless ang mga sinisulat ko kasi wala namang readers. Pero this year, sinimulan ni Sir Dante at ni Seven ang pagview ng blogs ko at ayun kahit papaano marami na ring nagbabasa sa mga blogs ko. Kaya there's an appreciation in me and in a way urge to really post stuffs para may mabasa yung mga taong ito. At least I have motivation na kelangan ko talagang isulat ang isang bagay para ishare sa kanila yung mga bagay na natutunan ko.

     Honestly marami rin akong natutunan sa pagba-blog at sa pagbasa ng mga blogs ng iba. Nakakagaan ng pakiramdam kapag nailalabas ko yung mga bagay na hindi ko masabi personally sa iba. Although alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako open sa ibang tao. Basta ang sa akin, kinikimkim ko lang. Sabi nga ng iba, dapat daw pag may problema ang isang tao, dapat sinasabi niya ito sa ibang tao para mapawi kahit papaano yung lungkot at yung bigat nito sa ating kalooban. Pero ako, hindi ko na kelangan ng taong makakaharap ko at makakaheart-to-heart talk ko para lang sabihin sa kanila ang mga bagay na ako lang ang nakakaalam kasi meron namang akong blog na masasandalan.

     Parte na talaga ng buhay ko ang blog at alam kong hanggang pagtanda ko dala-dala ko pa rin ito. Ang sarap nga isipin na after 50 years maaalala ko pa rin yung mga bagay na ginagawa ko ngayon. At after 100 years alam kong mababasa rin ito ng mga kaapuapuhan ko kahit wala na ako sa mundong ito dahil ang blog na ito ay magiging parte na ng mundo. Hindi na ito maalis o mabubura nino man.
 

    
    

2 comments:

eRLyN said...

uy happy bday sa blog mo! :)

survivormuch said...

happy birthday to your blog....many more birthdays to come... you survived your first year! naks segue to the max...! :) do you watch survivor?: