Another week has gone by and as always, I end it up with a community service. Tulad ng dati, tutor pa rin sa mga makukulit na bata ng Paco, Manila. Okay lang masaya naman sila kasama. Tuwing pupunta ako dun I can't explain why there is an stimulation on my part to really attend the immersion. Although, super aga ng start (9pm, maaga na sa akin ito), I still wanted to see my students not just for the grades or requirements but for the fact that they will learn something from us.
Congratulations pala sa aming lahat kasi we have a new place to stay with! Yahoo.Palakpakan. We transfered from the small alley of that barangay to their day care center. Mas comfortable naman sa day care compared sa daang iyon. Although hindi rin naman kami nagreklamao about the setting kasi alam naman naming yun lang yung kaya nilang iprovide. At dahil dun sympre mas ginanahan kaming magturo sa mga bata na sinabayan din ng walang kupas na energy ng mga batang ito. Mas maganda kasi ang ambiance sa center at kahit papaano alam naming lahat na talagang nandoon kami para turuan sila. Sympre may electric fan na tatlo-tatlo kaya freshie fresh ang buhay kahit tumatagaktak na ang mga pawis namin. At may table na na pwede naming gamitin para sa mas maayos na pagsusulat. Dati kasi sa dingding lang kami nagsusulat o kaya sa upuan o kaya sa sahig o kaya sa likod ng mga katawan ng bawat isa. Soo creative. That's the energy!
Isa pa kasama namin si Miss Marjonet ngayon kaya kelangan naming magpakitang gilas para at least alam niyang nagagawa namin yung responsibilities we'd agreed upon before the immersion period. Syempre nakakapanibago nga lang kasi we practiced no direction lectures. I mean, kung anu-ano lang basta kaya ng mga utak namin. E since may mga matang nakamasid sa amin, we have to adjust and make sure na hindi lang kami papogi sa area but share what we were asked to share.
For the third week of this agenda, I can probably say that they have already learned from us. Nakikita ko sa mga batang tinuturuan namin na natututo sila sa amin. Unti-unti na nilang nadedevelop yung mga bagay ng sinabi namin sa kanila the last time we went there. Although most of the topics were just mathematical operations, still I can see the improvement from the last week's activities. Sa mga students ko naman, si Angelo at Rahmil, mabilis nilang natutunan ang pagconvert ng centimeters and decimeters to meters and vice-versa. They both got a perfect score of 10 sa quiz na binigay ko. And as their tutor, I am proud and flattered that at least because of me they have cleared their difficulties in that area of their math subject. Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong may natututunan sila sa'yo. So para mamotivate sila to do the same in the next coming weeks, may premyo sila sa akin! Whew! Chocolates.
Sa mga nakita ko, sa tingin ko hindi lang sila natututo sa amin academically. They have also improved their self-confidence. Dati pagtinanong mo sila kung anong lessons nila sa school akala mo nakikipag-usap ka sa hangin. As if you are talking to anybody else, pwede sa multo! Pero ngayon, they are proud to say anything. Dati rin kapag tinututok ko yung camera sa kanila, they were shy. Normal yun sa bata. Pero yung makita kong nadedevelope yung self-confidence nila is not just normal. That only means effective yung pakikitungo at motivation na binibigay namin sa kanila. Indeed, the bonding of the group and the peer students are starting to build up!
Ang sarap talaga kasama ng mga batang ito. At kahit nakakapagod okay lang. Kaya nga kahit inaantok na ako as of this time, ginawa ko pa rin ito para sa kanila. This is dedicated to them! But time will also come for us to say goodbye. Pero matagal pa yun wag ko muna isipin yun. Basta ang importante we enjoyed each other.
Other Photos:
Prayer lead by Romeo.
My Student Angelo working with
measurement conversion.
Anthony guiding his fifth grader student.
Michael with hte most intelligent among students, Pierce.
Keep it up kid!
Calvin on the subtraction problems!
Rob on reviewing process. May dala yung student niya na reviewer e. Yun yung ginamit nila before this. Hindi nakuha e!
Romeo on writing skills :)
Chris with his bibo student. Sige ituro mo lang lol.
Rahmil. My other student. Bata pa lang late na agad! tsk.
Playtime. Hindi ko alam kung anong laro yan e. Basta never heard.
Pinoy henyo! Sige pagtripan ang mga taya! lol.
Pinoy henyo ulit. Si Birthday boy taya! Si dugasin. lol
15 minutes before time. Si Cha excited. Nagbabalak baguhin ang oras. lol
Prayer. Buhbye kids. See you next week.
Vacant room again. Ang kaninang magulong kwarto tahimik na ulit.
No comments:
Post a Comment