Showing posts with label Lonely. Show all posts
Showing posts with label Lonely. Show all posts

Friday, May 28, 2010

A Year Of Collegiate Loneliness

     Isang taon na rin pala simula ng tumapak ako sa college. Grabe ang bilis ng panahon. I didn't notice na tumatanda na pala ako. *lol* Ang dami na ring nagbago at nabago sa akin. And I'm still hoping for a better me.

     I entered this college na hindi ko ba alam kung tama bang dito ako nag-aral. Katulad ng mga nasabi ko wala talagang kapintasan ang school na 'to. I am just making my own issue. And till now sad pa rin ang college days ko. Hayy buhay! *sigh*

     Marami na rin akong nakilala. May mga sa tingin ko naman e okay kasama. But the problem is may mga kaibigan rin naman sila. At ayaw kong makihalo sa kanila. Pasensya na artista lang lol.

     Isang taon na rin pala akong walang kasama sa mga kalokohan ko. So sad! Although there were times na may mga nakakasama ako. But those were just temporary. Minsan nga naiisip ko am I just set to as a substitute friend? Ang saklap no! Lalapitan ka lang kapag may problema sila sa mga kaibigan nila. At kapag okay na, buhbye na. Solo na ulit ako.

     Pero okay lang naman yun sa akin. At least in my entire stay in this school may mga nakasama ako. Hindi masasabi ng ilan na loner ako the whole year. Dapat pa nga ata akong magpasalamat sa kanila e. "My sincerest thanks to all of you!" Bow.

     Well, sanay na naman akong mag-isa e. Nasanay na rin siguro. Enjoy naman ako sa sarili ko e. Yung mga panlalait ko sa mga nakikita ko sinasarili ko na lang. Kaya kung makita niyo ako one time nakasmile, dahil yun dun.

     May magbabago pa ba sa akin? Well, ako lang naman ang makakagawa ng pagbabago sa sarili ko e. Nasa akin na rin siguro yung problema. MAsyadong ko lang sigurong inilalayo ang sarili ko sa mga taong nasa paligid ko. EWan ko ba. Pero kung kaya ko lang ikuwento dito baka maintindihan niyo rin ako.

     But sometimes I'm still hopeful dahil sa mga nakakausap ko na ganito rin ang college experience. Sabi nila two years bago sila nagkaroon ng mga kaibigan. (eyes at sky while thinking) E ako one year pa lang so may one year pa para makahanap ako. Logic? Ganun ba yun? Hindi rin e. Bahala na nga si Batman.

     Well honestly hindi naman talaga ako nanghahagilap ng kaibigan. Medyo naiinggit lang siguro ako sa iba kasi sila laging may mga kasama. And maybe naninibago lang din ako kasi way back highschool lagi kong kasama mga barkada ko anytime. 3pm dismissal pero naghihiwalay kami ng 8pm. HAHA. Tatag namin. Kaya parang ang lungkot isipin na after all of the happiness, I will end up like this lang pala. :((

     Kung pwede lang lumipat ng school ginawa ko na. Well pwede naman talaga kaya lang baka di pabor parents ko kaya tiis na lang ako. Ayaw ko nang maging loner. huhuhu. *worried* One year of being like that is enough. This AY sana makahanap na ako ng mga mababait at tunay na kaibigan. I don't want regrets after college.  :)) *crossed-finger*

Friday, March 26, 2010

9 PM

     Tumunog na naman ang bell. Oras na naman para umuwi ako. Ayaw kong maglakad sa corridor ng school ko. Pero saan ako dadaan? Wala naman akong ibang dadaanan kundi ang pasilyong ayaw kong makita.

     Tuwing naglalakad ako sa bawat pasilyo ng school ko, pakiramdam ko ako na lang ang nag-iisang estudyante doon. Although alam ko namang maraming nocturnal students dito, iba pa rin ang pakiramdam ko sa kanila. Sila kasi umuuwi dahil kakatapos lang ng mga classes nila. E ako? Umuuwi ako ng alas-9 ng gabi dahil may trabaho ako. 
   
    Hindi ko naman sinisisi sa trabaho ko ang pag-uwi ko ng ganitong oras. Desisyon ko 'to. Pinili ko 'to. Isa pa sanay na rin naman akong umuuwi ng gabi e. Actually if I were to choose between daytime and nighttime classes, mas pipiliin ko ang gabi. Pero iba ang pakiramdam na parang naiiba ako sa kanilang lahat. Ano ba 'to? Napaka-emo ko!

     Actually, tuwing pupunta ako sa work ko, parang ayaw ko nang ituloy kasi alam kong alas-9 na naman ako uuwi pero sa tuwing nandoon na ako, nawawala na yung slight doubt sa sarili ko. At sa tuwing magriring yung bell, eto na naman ung pakiramdam na bakit ba ako nandito. Yung  panahong sinasabi ko sa sarili ko na dapat nasa bahay na ako kasi kanina pa end yung classes ko.

    Marami akong nakakasalubong na mga estudyante at kadalasan natatanong ko sa sarili ko kung ano kaya ang mga iniisip nila. Of course alam ko namang iba ang iniisip nila sa iniisip ko.  Pero dumadating din kaya yung mga oras na natanong nila sa mga sarili nila yung mga questions na kadalasan kong tinatanong sa sarili ko. Nararamdam din kaya nila ang yung mga ka-emo-hang nararamdaman ko? 

     Para kahit papaano mawala yung sad feelings na 'to, binabasa ko na lang ung mukha ko. Naghihilamos ba. Kahit papaano sa ganitong paraan yung malamig na tubig ang nararamdaman ko. Nawawala pansamantala ang mga masasakit na naiisip ko. Ewan ko pero parang napapatunayan lang nito na hindi talaga ako nababagay dito.

    Nung hayskul naman ako masaya pa nga akong lumalabas sa school. Kahit  gabi na okay lang kasama ko naman mga kaibigan ko. Pero ngayon mag-isa na lang ako. Dati kasi nung first term nung wala pa akong trabaho kahit papaano kasama ko ung ibang mga klasmeyt ko.  Although O.P ako sa kanila okay lang kasama ko naman crush ko.  Pero ngayon, wala na. Gabi na nga ako umuuwi, wala pa akong kasabay.

     Pagkatapos kong burahin sa mukha ko yung lungkot sa tuwing palabas ako ng  school, madali akong lumalabas sa school kasi alam kong pagkatapos mawala ang lamig ng tubig sa mukha ko, babalik na rin ang malungkot na expression ng mukha ko. Hindi naman halata sa akin iyon pero masakit sa loob ko ang ganitong pakiramdam. 

    Alas-9 nga ang pinakaayaw kong oras sa buhay ko. Pero ito rin ang nagbibigay sa akin ng pakiramdam na malaya ako. Dahil sa tuwing bibyahe ako, pakiramdam ko'y habambuhay na akong maglalakbay. At ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko, ang magpa-ikot-ikot para makita at makilala ko ang tunay na sarili ko.
   
    Sa wakas nakalabas na rin ako sa mundong ito. Pero alam ko ring pansamantala lang ito dahil bukas babalik din ako sa lugar na 'to. At alam kong iikot na lang palagi ang isip ko sa ganitong paraan! :((