Wednesday, March 31, 2010

Nakakahilong Biyahe

     February pa lang sinabi na ng ate ko na magbabakasyon kami sa probinsya ng asawa niya, sa Luisiana Laguna. Well, this is our third time to go there and I must admit that it is a place where I really looked for. Maganda sa lugar na iyon. Ibang-iba sa mga napuntahan ko.

     Although alam ko namang pangatlong beses ko nang makakapunta doon, tinanong ko pa rin sa ate ko ang question na lagi kong tinatanong tuwing aalis kami. "Ilang oras biyahe?" Paano ba naman til now hindi pa rin ako makapaniwala na limang oras biyahe papunta sa probinsyang yun. At hindi pa ako nakuntento sa isang tanong dahil paulit-ulit akong nagtatanong kung kani-kanino. Umaasa kasi akong lalapit yung lugar na iyun.

     Ayaw ko naman kasing magbiyahe ng matagal. Hindi ako yung tipo ng taong sanay magbiyahe ng matagal. Wala naman kasi ako sa survivor o sa fear factor. Gusto ko lang maglakbay. Mas pipiliin ko pa ngang maglakad ng ilang kilometro at mapagod kesa gumamit ng sasakyan at mahilo at sumuka. Yung pagod tulog lang katapat niyan pero ang hilo na may suka, tumatagal yan sa akin ng ilang araw. Badtrip!

     This is it. This is the moment. Aalis na kami. I must ready myself. Alam ko naman kasing susuka ako sa sasakyan kahit anong pagpapanggap ang gawin ko. At kahit ilang bonamine ang laklakin ko alam kong balewala lang ang mga ito. Candy daw katapat, sige lang. Bumili ako ng isang balot ng Max para may mangatngat at mapaniwala ko ang sarili kong hindi ako mahihilo at hindi ako magkakalat ng suka sa loob ng sasakyan.

     Whoa on the first 3 hours ng biyahe, hindi pa ako masyadong nahihilo at hindi ko pa nararamdamang bumabaligtad na ang sikmura ko. Ayos to. Its a miracle! Thank thee to the Lord! (praise and worship). Pero alam kong hindi pa ako dapat magpaparty kasi hinding-hindi ko malilimutan ang daanang ito bago kami makapasok sa Luisiana. Ito yung way na pinakakinaiinisan ko. Badtrip. Tuwing dadaan kami dito pakiramdam ko nasa roller coaster ako. Kung ikaw nasa kalagayan ko maiintindihan mo rin sinasabi ko. Yung daanang parang intestine. Zigzag. Tapos taas-baba pa. Ang gulo. Kakahilo. Hindi lang yan. Makitid yung daan niya. Tama lang para sa dalawang sasakyan. Ang matindi pa, bangin yung nasa gilid. San ka pa. Kung gusto mo maranasan kung paano malagay sa bingit ng kamatayan nang hindi mo na kailangan laslasin pulso mo o magbigti o tumalon sa building, tawagin mo ako ihahatid kita sa lugar na yun pero hindi kita sasamahan.

     Alam ko namang hindi ako makakaligtas sa pagbaliktad ng sikmura ko kaya niready ko na ang sarili ko. Pero habang nasa biyahe ako naisip ko meron kayang training para hindi mahilo. Pero yung gusto kong training ay yung tipong hindi rin ako mahihilo. haha so impossible!

     Akala ko hindi na ako susuka pero dahil sa pesteng mala-bitukang daan na yun, kamuntik-muntik na akong magkalat. Tama ka sa nabasa mo. Muntik lang. Hindi natuloy yung pagsusuka ko. Pero nararamdaman ko nang nasa lalamunan ko na ung kinain ko. Mabuti na lang at napakiusapan ko. Nagmakaawa ako sa kanya na wag na lumabas kasi nakakahiya. Tinunggaan ko ng isang boteng tubig, ayos. Bumalik sa tiyan ko ang nagbabadyang kahihiyan. haha.

     Sa wakas nakarating din kami. Hindi man ako sumuka heto naman ako't lupaypay. Alam ko namang kahit itulog ko to wala ring mangyayari at kahit ilang kape pa ang lagukin ko, mas lalo lang akong hindi makaktaulog sa gabi. Eff! Ang hirap talaga bumiyahe. :))

Monday, March 29, 2010

Who Killed Jesus?

     Ilang taon na ako sa mundong 'to pero hanggang ngayon ang alam kong pumatay kay Jesus Christ ay ang ating mga kasalanan. Ang korny kung iisipin. Paano ba napatay si Jesus dahil sa mga kasalanan? Bakit, may weapons ba ang mga sins? Baka isipin niyong ang tanga ko. Well, alam ko namang nagsacrifice Siya dahil sa mga kasalanan natin pero what I am trying to point out is SINO ang tunay na pumatay sa kanya? Pangalan ng mga tao ang gusto kong marinig na sagot hindi KASALANAN!

     Actually habang lumalaki ako, tao na ang mga sagot na naririnig ko. Pero there's no specific names involved. Basta sinabi nilang Romans, tapos! Sino ba ang nag-utos sa mga soldiers na 'to? Sabi naman ng iba at based na rin sa mga napapannuod ko, tao ang nagpasyang mamatay si Jesus sa krus. 

      Well, buti na lang at napanuod ko ang documentary na 'to at least they have given Three names that they believed were the suspects of Jesus' crucifixion. 

     First suspect was TITUS (hindi ko alam kung ito talaga yung name. Hindi ko kasi maintindihan yung narrator e). He was a high priest of Jerusalem during the 38 AD. And in fact he was the most powerful priest at that time. He has enough political skills to manage the community. He has also the capability to cooperate with the Romans although the church and the state were not that really appease.

     Ipanag-utos niyang ipako si Jesus sa krus dahil sa mga bagay na laban sa kanyang gobyerno. During the Passover, the busiest and most lucrative festival held annually in Jerusalem, Jesus have gathered a lot of people from Israel, Italy and other countries. And that never happened in the history of Jerusalem. Titus cannot afford to be humiliated and he don't want his authority be devastated so he had decided to arrest Jesus and took in a fake trial. He filed Blasphemy because Jesus destroyed the Temple which means, according to them, attack to God (that was the time where the people sells everything in front of the temple). 

    Titus won the case but the decision has to be finalized by the person higher than him, the governor. And the governor during that time was Pontius Pilate, the second suspect. 

     According to the Bible, he was innocent in the decision of crucifying Jesus. But according to historians, he was an excruciating, gruel and brutal governor. 

    When he was studying the case of Christ, he found Him innocent so he decided to pardon Jesus. But the people started complaining and demanding to get Christ be crucified. He was actually planning to get the mass destroy. But he was the most powerful person at that time and he couldn't just opt to pardon Christ against the crowd. But he couldn't also let Christ to be crucified when he knew He was innocent about it.

     He was in-between the line in making the right decision. Despite of the dismay felt by his wife (his wife dreamed one night that Christ was innocent and should not be sentenced to death), he still followed the voice of the crowd instead of his wife (that is because of power).And so Christ was crucified.

     There's still one more suspect in this history of Catholicism. I bet you will not believe but this was the findings of historians and other investigators. They actually truly believed  that He was the suspect of this death, His own death. You read it right, 'His own death'.
 
      So the third suspect was Jesus Christ Himself. They believed that Jesus already knew His crucifixion from the very start, ever since His arrival to Jerusalem. Moses have predicted that the Mesiah will go to Jerusalem riding in a donkey, the same scene in the arrival of Jesus Christ. He also knew the person , HIs apostle, that will betray him. And of course that was Judas Iscariot.

     In the very first place, He had predicted that it was His own destiny to be crucified and died and that was the will of God. He destroy the temple because He knew that the Romans will use it to file Blasphemy to Him. And during the trial, He actually had enough strength and time to defend Himself. But He didn't do it because that's what He wanted to happen. And that happened.

     It depends on you to whom will you blame the the crucifixion of Jesus Christ. This is just a guide based from the documentary I have watched. I, myself, also get curious about it. But I don't think I have a right to think this way. Why? It's a big secret! :))

Friday, March 26, 2010

9 PM

     Tumunog na naman ang bell. Oras na naman para umuwi ako. Ayaw kong maglakad sa corridor ng school ko. Pero saan ako dadaan? Wala naman akong ibang dadaanan kundi ang pasilyong ayaw kong makita.

     Tuwing naglalakad ako sa bawat pasilyo ng school ko, pakiramdam ko ako na lang ang nag-iisang estudyante doon. Although alam ko namang maraming nocturnal students dito, iba pa rin ang pakiramdam ko sa kanila. Sila kasi umuuwi dahil kakatapos lang ng mga classes nila. E ako? Umuuwi ako ng alas-9 ng gabi dahil may trabaho ako. 
   
    Hindi ko naman sinisisi sa trabaho ko ang pag-uwi ko ng ganitong oras. Desisyon ko 'to. Pinili ko 'to. Isa pa sanay na rin naman akong umuuwi ng gabi e. Actually if I were to choose between daytime and nighttime classes, mas pipiliin ko ang gabi. Pero iba ang pakiramdam na parang naiiba ako sa kanilang lahat. Ano ba 'to? Napaka-emo ko!

     Actually, tuwing pupunta ako sa work ko, parang ayaw ko nang ituloy kasi alam kong alas-9 na naman ako uuwi pero sa tuwing nandoon na ako, nawawala na yung slight doubt sa sarili ko. At sa tuwing magriring yung bell, eto na naman ung pakiramdam na bakit ba ako nandito. Yung  panahong sinasabi ko sa sarili ko na dapat nasa bahay na ako kasi kanina pa end yung classes ko.

    Marami akong nakakasalubong na mga estudyante at kadalasan natatanong ko sa sarili ko kung ano kaya ang mga iniisip nila. Of course alam ko namang iba ang iniisip nila sa iniisip ko.  Pero dumadating din kaya yung mga oras na natanong nila sa mga sarili nila yung mga questions na kadalasan kong tinatanong sa sarili ko. Nararamdam din kaya nila ang yung mga ka-emo-hang nararamdaman ko? 

     Para kahit papaano mawala yung sad feelings na 'to, binabasa ko na lang ung mukha ko. Naghihilamos ba. Kahit papaano sa ganitong paraan yung malamig na tubig ang nararamdaman ko. Nawawala pansamantala ang mga masasakit na naiisip ko. Ewan ko pero parang napapatunayan lang nito na hindi talaga ako nababagay dito.

    Nung hayskul naman ako masaya pa nga akong lumalabas sa school. Kahit  gabi na okay lang kasama ko naman mga kaibigan ko. Pero ngayon mag-isa na lang ako. Dati kasi nung first term nung wala pa akong trabaho kahit papaano kasama ko ung ibang mga klasmeyt ko.  Although O.P ako sa kanila okay lang kasama ko naman crush ko.  Pero ngayon, wala na. Gabi na nga ako umuuwi, wala pa akong kasabay.

     Pagkatapos kong burahin sa mukha ko yung lungkot sa tuwing palabas ako ng  school, madali akong lumalabas sa school kasi alam kong pagkatapos mawala ang lamig ng tubig sa mukha ko, babalik na rin ang malungkot na expression ng mukha ko. Hindi naman halata sa akin iyon pero masakit sa loob ko ang ganitong pakiramdam. 

    Alas-9 nga ang pinakaayaw kong oras sa buhay ko. Pero ito rin ang nagbibigay sa akin ng pakiramdam na malaya ako. Dahil sa tuwing bibyahe ako, pakiramdam ko'y habambuhay na akong maglalakbay. At ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko, ang magpa-ikot-ikot para makita at makilala ko ang tunay na sarili ko.
   
    Sa wakas nakalabas na rin ako sa mundong ito. Pero alam ko ring pansamantala lang ito dahil bukas babalik din ako sa lugar na 'to. At alam kong iikot na lang palagi ang isip ko sa ganitong paraan! :((

Thursday, March 25, 2010

Love Stories

     Naglipana na naman ang mga love stories saan mang lupalop ng mundo. And for sure marami na namang mahuhumaling dito. Well, actually parte na ng buhay ng tao ang panunuod ng love story movies at pagbabasa ng mga nakakakilig na babasahin. Ang sarap kasi sa pakiramdam kapag alam nating kahit papaano ay maicocompare natin ito sa mga experiences natin. Lalo na kung yung mga kwentong ito  ay nangyayari sa atin right now.

     I am not actually a fan of watching love stories. Nadadamay lang ako sa mga pinapanuod ng mga kapatid kong babae. Minsan tuloy nagugustuhan ko yung istorya kaya minsan sinusubaybayan ko na rin. Damay-damay lang. Pero actually ayaw ko naman talaga nun e. Hindi dahil sa korny yung mga ganung bagay kundi dahil sa tuwing manunuod ako naiinggit ako sa mga bida. hahaha.
     Minsan nga gusto kong ilagay na lang ang sarili ko sa posisyon ng mga bida. Ang sarap siguro sa pakiramdam nun. Pero hindi naman mangyayari yun e. Karamahin naman kasi ng mga scenes dun fictitious. Oo nga kapani-paniwala pero for sure it will never happen in real life. 

     Pero bakit ba ako naiinggit? Although single ako ngayon naranasan ko na naman pakiramdam ng may karelasyon at in-love sa isang tao. Well, natural kasi sa ating mga pinoy ang pagiging sentimental. Kunting bagay na nagpapakita ng love, kikiligin na. Pero hindi ako ganun. Nararamdaman ko lang yung kilig kapag gusto kong mangyari rin yun sa akin. Pero hangga't kaya kong iwasan ang mga ganitong bagay, iiwasan ko.

     At sa kakaiwas kong manuod ng mga ganoong palabas, lalo naman akong nilalapitan ng mga ito. Ilang beses yata akong nanuod ng mga love stories within this week alone. Panu ba naman nag-movie marathon yung mga kapatid ko. After manuod ng 'Paano na Kaya', 'I Miss You Like Crazy' naman ang sinunod. Pinanuod din nila yung 'I Love You Goodbye' pati ang paborito nilang 'One More Chance'. Ilang beses na ba nilang napanuod ang mga pelikulang ito? At ilang beses na rin ba akong nadamay manuod ng mga ganitong palabas? 

     And the recent one ay kanina lang. Pati ba naman sa school hindi nila ako tatantanan? Nanuod kami ng palabas ni Julia Roberts and Hugh Grant. Nakalimutan ko yung title e. As usual, sa tuwing manunuod ako ng mga ganitong palabas hindi ko talaga maiwasang sabihin sa sarili ko na sana ganito rin yung love story ko. Kahit puro problema alam ko namang in the end magiging masaya pa rin ako. 

     Sino ba namang may ayaw sa happy ending? Wala di ba. Kahit ikaw alam kong sa tuwing nanunuod ka ng mga ganitong palabas may kakaiba kang nararamdaman. Nag-iimagine pa nga kung minsan e. Kahit kaming mga lalaki, minsan nadadala rin sa mga palabas. Hindi lang kami obvious. :)

     Pero kahit ayaw kong manuod ng mga ito, sa tuwing wala na akong choice kundi panuorin ito, in the middle of the story nawawala yung mga negative perspectives ko about it at kinakain ko na lahat ng mga sinasabi ko. Minsan, these movies gave hope to me but somehow in that realization nagpa-popped up din sa isip ko na kung umasa ako, mapafrustrate lang ako dahil hindi naman talaga ito mangyayari sa buhay ko.

     Well, bata pa naman ako to think of this love problem. Marami pang mangyayari sa buhay ko. At alam kong mahahanap ko rin ang taong magpaparamdam sa akin ng pagmamahal :))


Wednesday, March 24, 2010

Laruang Papel

     Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ng pamangkin ko. Inaantay pala niya ako kanina pa. May dalang gusot-gusot na mga papel. Tinanong ko kung para saan yun. Ang akala ko nga magpapatulong punitin para magmukhang confetti at ikakalat sa labas ng bahay. Gawain kasi nila yun ng kapatid niyang mas maliit pa sa kanya, magkalat at mangunsumi ng mga matatandang naglilinis sa labas ng bahay namin tuwing umaga.

     Yun ang akala ko. Iba pala ang gusto niyang mangyari. Magpapatulong pala siyang magpagawa sa akin ng eroplanong gawa sa papel. At that time parang biglang nawala yung pagod ko. Pumayag ako agad pero kakain muna ako. Gutom na ako e. 

     Nakalimutan ko na palang gumawa ng eroplano. Sinubukan ko ng sinubukan hanggang sa malukot yung papel. Okay lang yan marami naman akong mga papel na hindi na ginagamit. Jet plane lang yung natatandaan ko e saka puso. Mabuti na lang at dumating yung kapatid ko at tinulungan akong gumawa ng eroplano.  After niyang makagawa ng isang eroplano narecall ko na kung papaano. Gumawa din ako. 

     Habang gumagawa ako, bigla kong naalala yung kabataan ko. Dati puro eroplanong papel ang makikita sa street namin. Pagandahan pa nga ng gawa e. At pagandahan ng lipad. Dahil nga sa mga eroplanong ito laging nagbubuhos ng tubig yung matandang nakatira sa harap ng pinaglalaruan namin. Badtrip sa amin yun lagi e. Badtrip din naman kami sa kanya. 

     Hindi lang eroplano ang mga naisip kong gawin. Gumawa rin ako ng sumbrero, ng puppet, ng bangka, at ng agila. Ang sarap sa pakiramdam gumawa ng mga bagay na ito. Namiss ko talaga ang mga araw na nauubos ang pad paper ko kakagawa ng mga ganitong bagay. Ang sarap maging bata. 

     Dahil nag-enjoy ako hindi namin namalayan ng pamangkin ko na kami na lang ang gising sa bahay. Lagpas alas-dose na pala. Pero parang ayaw ko pa rin matulog. Sana hindi na lang muna gumalaw yung oras para hindi ko na kailangang ihinto itong ginagawa ko. Pero sino ba namang makakapigil sa oras? Kaya ko nga namiss ang mga bagay na ito dahil sa paglipas ng panahon di ba. 

     Parang ayaw ko na tuloy tumanda. Sana bata na lang ako habambuhay! :))


Tuesday, March 23, 2010

Revolves Around Money

     Hindi ko alam kung anong implications meron ang araw na ito dahil sa iisang bagay lang umikot ang araw ko ngayon. Til now, hindi ko pa rin naiisip kung anong ibig sabihin ng mga nangyari sa akin ngayon.

     Kaninang umaga, napanaginipan kong nawala yung pera ko. Merong 1,670  pesos sa wallet ko which is laman talaga ng wallet ko. Kaya akala ko totoo. While I was doing something, iniwan ko raw yung wallet ko sa isang tabi. Pagbalik ko to check it, nawala na yung 1 Thousand. Ang nakakapagtaka kung ninakaw yun dapat kinuha na yung buong wallet di ba. At pagkagising ko kakaiba yung pakiramdam ko which is unsual to me.

     Inisip ko agad na baka mawala nga talaga yung pera ko. Lalo ko pang kinatakot ay baka mahold-up ako. E dala ko pa naman yung laptop. Ayaw ko mawala yun. Kakabili ko lang nun e. Well, kahit ganun ang iniisip ko, dinala ko pa rin yung laptop at nilagay ko pa rin ang wallet ko sa bulsa ko kahit plano kong itago ang mga ito. Pasaway talaga. Certified!

  When I attended my Economy subject, binulaga na naman kami ni sir sa kanyang quiz. Review.Review.Review. Ang hindi ko alam objective test pala 'to. At ang title: "The Money Attitude test". Pera ulit? There were 4 classifications na maoobtain after taking up the test. Out of the four, Money saver ang nakuha ko. Kuripot daw ako. Wala daw masyadong social life ang mga taong saver. Parang hindi naman. O baka hindi lang talaga 'to applicable sa akin. Basta, I beg to disagree!

     And during my Psychology subject we've watched a movie entitled "Rain Man." Well, this movie was not actually centered to money. But the lead character was somehow doing things for money. Like yung pag-aalaga niya sa kapatid niyang autistic. Ginawa niya yun para manalo sa kasong isinampa niya laban sa dad niya dahil  instead na siya ang pamanahan, binigay sa isang institution ang lahat ng naiwang pera ng dad niya. So parang ginagamit niya yung kapatid niya to win his game. Pero he have learned to love and take care of his brother not because of money but because of the relationship and the same blood they have.

     Pera ulit? Only at this time ko lang narealize na parang puro pera ang araw ko ngayon. What do these mean? Na-freak out tuloy ako sa mga bagay na 'to. Hindi naman ako greedy sa pera. Hindi rin naman ako closed-fisted. Pero bakit 'to nangyayari? Is it destiny (to remind me of something) or just happened by chance?

     Till now hindi ko pa rin alam ang magiging ending ng araw ko. Hindi pa ako nakakauwi so may possibilities pa na may mangyari sa aking masama (knock on wood). But please wag naman sana. Still at school and now going home. I'll pray for my safety! 

Sunday, March 21, 2010

Community Service: Week 5

     Instead of having our week 5 of community service next week, we have decided to do it today so that we would be able to finish our immersion before Lenten Season. Well, pumayag naman yung mga social workers kaya tinuloy na namin yung plano.

     Our agenda for today is to let the students watch a movie that supposedly about the coming season. Ang dami nga naming pinagpilian e. Bruce Almighty, Noah's Ark, Passion of the Christ and a lot more. Dahil sa dami nito the decison turned out to 'Happy Feet'. So weird. Hirap kaming mag-isip na bagay sa Lenten tapos itong movie lang pala na 'to ang papanuorin nila. Where is the connection? Wala tayong magagawa diyan kung wala namang CD. Hanep sa plano!

     Akala ko nga magtuturo na kami kasi the last time, I was really eager to teach them after I learned about a story of one my students. Well, they have decide to watch a movie so I just go with the flow. Since, almost two hours inabot yung movie, I got a time to sleep. Thank God na rin at least kahit papaano nakapagpahinga ako. Super antok na rin ako that time. Panu ba naman yesterday may kung anong gulo na naman sa bahay. Hindi ko alam kung ano, wala rin naman akong pakialam e haha. My plan yesterday was to sleep as soon as I arrived at my room. Well, plans (same thing with promises) are made to be broken. Kaya the effect, nagsusumigaw na 'eyebug'. 

     Going back to immersion, sadyang may mga batang matigas ang ulo. Kahit anong sabihin mo hindi ka talaga nila papakinggan kung ayaw nilang makinig sa'yo. Katulad nitong isa, hihiga tapos uupo maya-maya makikita mo na lang sa ilalim ng upuan manunundot ng puwet ng mga nakaupo. Kulit! Sabayan pa ng demonyong tawa. Wala na. Ako kahit gusto kong magalit hindi ko magawa. Paano ba naman, madadala ka sa tawa niya. Ang kyut ng tawa. Parang tawa ng duwende na may halong demonyo na may halong komedyante. Imagine mo na lang.

     After they watched the movie, Rob provided questions based on the played movie. There were only 3 questions: moral lesson, favorite part of the story and Mumble. Ang tagal nilang magsagot. Syempre bata e. But we can wait naman e. Unfortunately, the room we were using will be used by the barangay officials so we need to immediately evacuate the room. In the end naging assignment na lang yun. Isa pa hindi namin naconsider na may mga grade 1 pa lang sa  mga estudyante namin. So hirap pa silang magsulat. Bakit ba hindi namin naisip yun? Atat lang ata makauwi. hahaha. Actually inadjust ni Cha yung wall clock for I think 20 minutes. Pero useless din kasi nga maaga kaming nadismiss dahil sa emergency meeting ata yun ng mga officials. 

     So saya. Maagang uwian. Masarap na kainan. Makakapagpahinga na ako. Yun ang akala ko. Pero Sunday is a stormy day. But I am happy. :))


Note: Wala ulit pictures kasi nasira yung charger ng Camera.

Saturday, March 20, 2010

Community Service: Week 4

     Lagi na lang ako nalelate ng gising tuwing may community service ako. Nasanay lang siguro kasi ako na magising ng 11:00am every weekend. Dahil diyan nagmamadali na naman ako at hindi na naman ako nakakain ng breakfast. Gutom.

     Anyway, hindi rin naman ako late. Hindi ko rin alam kung paano nangyari yun e. Basta ang alam ko nauna ako sa meeting place namin. Hay buhay! 9am start ng tutor namin pero halos 10am na kami nakapag-start. Nakakatamad talaga ngayong araw na ito. Pero inaantay kasi namin yung parent na nagga-guide sa amin e. Wala pa kasi siya. Yun pala inaantay rin niya kami sa dating pinagtuturuan namin. Ayun nag-antayan lang kami. Okay lang at least kahit papaano naubos yung oras sa pagtambay. At dahil sa pagtambay naubos rin pera ko kakakain.

     Hindi namin alam kung anong gagawin namin sa araw na ito. How we wish na may bagyo at masuspend ang session namin ngayon. Pero its a miracle kung mangyayari yun. E halos masunog na nga ako sa sobrang init e. Well, dumating din yung guide namin at start na. Wait ano bang gagawin namin?

     Sabi ni Calvin laro na lang daw ang gawin namin. Wala talaga kaming prepared new lessons for them. Sabi naman nung nanay na kasama namin na magturo kami kasi bibisita yung social worker na mataray. Naku po. Wrong timiing naman. Pero hindi kami natinag sa 'panakot' na yun. Sige tuloy ang laban! Laro. Laro. Laro. French fries and ketchup. Hep hep hooray!. Joke time, the classic 'knock knock' , at kaguluhan. Dahil sa pinaggagawa namin, may mga nagkapikunan, nagkasagutan at nasugatan. Pumutok yung kulugo ng isang estudyante. Si Romeo kasi e may daganan pang pauso e. Pero okay lang mukhang nag-enjoy naman yung mga batang lalaki sa pinaggagagawa ni Romeo. Good job!

    Sabi nung nanay na kasama namin parating na raw yung social worker kaya nagmamadali kaming kumuha ng papel at pencil at tinuruan ang mga batang nakatoka sa amin. Topic for the day: Spelling. Yung ibang bata hindi nakukuha yung mga tamang spelling ng mga simple words. Like sabi ng mga kasama ko may mga estudyante raw sila na inispell ang 'apple' as 'aple' at 'eyes' as 'eeys'. Kawawa naman yung mga batang ito. Hindi kasi sila nabibigyan ng oras para turuan. Kaya parang kahit papaano nakonsensya akong mas inuna pa naming maglaro dahil tinatamad kami kesa sa turuan sila kasi kelangan nila.

     Pero mas nakonsensya ako at namotivate na pag-igihin pa yung pagtuturo sa kanila dahil sa isa kong estudyante.  Sabi ng nagbabantay sa amin wala raw grade yung batang yun  sa  English kasi bagsak. Hindi raw kasi nakakapasok ng eskwelahan. Kinuha raw kasi ng isa niyang lola sa tunay na lolang nag-aalaga sa kanya. Parang that time nabagabag yung puso ko. Ang sakit pakinggan. Naaawa talaga ako sa kanya. Kinausap siya ni Rob about dun. Sabi niya hindi raw siya pinapapasok ng lola niya. Hindi raw niya alam kung bakit. Tinanong ko siya kung gusto ba niyang pumasok sa school sabi niya gusto raw niya talaga. Mabuti na lang daw at binawi siya ng tunay na nag-aalaga sa kanya.

     Nakakapagod man yung araw na ito, marami naman akong natutunan. Hindi pala lahat ng batang hindi nag-aaral ay wala talagang balak pumasok sa eskwelahan. May mga magulang lang talagang walang balak pag-aralin ang kanilang mga anak. Nakakaawa. Kung may pera lang ako at mayaman, naku baka may scholarship foundation na ako. Well, madaling sabihin pero mahirap gawin. Tignan ko na lang after 10 years. Pero hindi rin. Alam ko namang may maitutulong ako sa kanila e kahit walang foundation. In any simple ways, I know I have the strength to help them out.

     Isa pa dapat mas inuuna yung mga taong nangangailangan kesa sa pansariling kapakanan. Tinamaan ako dun ah! Well, tamaan na ang mga makasarili pero you still have time and choice to work with it.

Note: Walang pictures. Nakalimutan kong dalhin yung camera sa sobrang katamaran. :))

Wednesday, March 17, 2010

Dahil sa Piraso ng Papel

     Marami na namang mga estudyanteng magsisipagtapos ngayong taong ito. Marami na namang mga magulang ang magdidiwang dahil sa achievements na nakuha ng kanilang mga anak. At marami na namang luhang masasayang sa pagtatapos ng chapter na ito ng kanilang mga buhay.

     Ang sarap isipin na sa kabila ng ilang taon nating pamamalagi sa eskwelahan, heto tayo at haharap sa marami para tanggapin ang diplomang matagal na nating gustong makuha. Na sa kabila ng mga problema sa school, mga gabundok na projects, mga sleepless nights for the thesis, at mga bagsakang scores sa mga exams, makukuha na rin natin ang kaisa-isang papel na inaasam ng lahat ng mga estudyante. 

     Pero hindi ba't dahil sa papel na iyon, marami tayong mga bagay na naranasan at mga aral na natutunan. Nakilala natin ang mga taong tinawag na nating kaibigan. Mga taong sinamahan tayo sa ating mga laughtrips and hardships. Sinuportahan tayo sa mga desisyong ating pinili. At ginatungan tayo sa mga kalokohang ating naiisip. Yan ang kaibigan. Kasama mo kahit kailan. Pero dumating din ang mga araw na nagkakaroon tayo ng mga hindi pagkakaunawaan na minsa'y nauuwi sa masakit na paghihiwalay. Ngunit dahil rin sa mga pagkakataong ito, kadalasa'y nagbubunga ito sa mas matatag at mas mahabang samahan.  

      Dahil na rin sa papel na ito, nakatagpo tayo ng mga iba't ibang klase ng mga teachers. May mga teachers na approve sa lahat, as in two-thumbs up, hands-off, at meron namang pangalan pa lang kakatakutan na. Hindi ba't sa tuwing unang araw ng pasukan, ang unang laging tanong natin sa ating mga sarili ay kung sino ang mga bagong set of terrors? At ang unang hiling natin ay sana mabait ang lahat ng bagong teachers natin. ANg gusto kasi natin ay yung mga teachers na ipaparamdam sa atin na tayo ay nasa Punchline or any comedy  bars, yung laughtrips lang. Pero we have to admit na may mga teachers talaga na hindi mababait. Pero hindi rin naman sila masasama. Iisa lang naman yung gusto nilang gawin di ba. Ito ay yung turuan tayo ng mga bagay-bagay na makakatulong sa atin in the near future. At kadalasan iniinspire pa tayo to be motivated and dedicated sa mga ginagawa natin. Kaya tiis lang.

     Higit sa lahat, hindi ba't dahil sa papel na ito kaya mas nakilala natin yung mga sarili natin. Dahil sa papel na ito, unti-unting nabubuo ang katauhan ng bawat isa sa atin. Naranasan nating tumayo sa tuwing nadadapa tayo. Naranasan nating maging patient sa mga bagay na hindi na natin matiis. Natuto tayong gumawa ng paraan sa tuwing kakailangan natin ito (including cheating lol). Or simply, natuto tayong humarap sa mga hamon ng buhay. At ika nga nila, challenges naman talaga ang reason kung bakit naging tayo ang bawat isa sa atin.  Nalalaman natin sa mga challeges na ito ang mga kahinaan at kalakasan ng bawat isa. Kung saan tayo nag-iincline at saan tayo bumabagsak.

     Minsan tuloy naibubuntun natin sa pirasong ito ng papel ang galit na dulot ng mga pahirap sa eskwelahan. Napakaliit na bagay kung tutuusin ang papel na ito kasi nga papel lang naman ito e. Hindi naman yan ginto o diamonds na kelangan talagang paghirapan to earn. Kung ibenta mo man, ni hindi yan aabot sa bente singko sentimos o baka nga kahit sa isang sentimo e. Unlike golds and diamonds na kung ibebenta mo, naku baka ikayaman mo pa. Pero ano bang kaibahan nila? Simple lang naman. Itong papel na ito na  dahilan kung bakit tayo narito ngayon ay ang magsisilbing susi natin para makapasok sa totoong mundo. Hindi man maibibigay ng papel na ito ang halaga ng perang gusto mong makuha instantly, maibibigay naman niya ang halaga ng perang gusto mong makuha ng panghabambuhay. Remember na ang pera, ang golds and diamonds ay nauubos pero ang papel na ito, kahit sa pagtanda mo alam kong iingatan mo yan. At panahon lang ang uubos dito.

     Ang sakit kung iisipin na dahil sa isang maliit na bagay, maraming mga pagsubok ang naranasan natin. Pero mas masarap isiping, dahil sa pirasong papel na ito nagkaroon tayo ng mga kaalaman sa mundong ginagalawan natin. Nagkaroon tayo ng ideya kung bakit ba tayo nabuhay sa lupang ito. At nalaman natin kung ano at kung sino ba talaga ang bawat isa sa atin.

     Yan ang naidulot sa atin ng pirasong papel na ito. Maliit man kung titignan pero nagbigay naman ito sa atin malaking impact sa ating buhay.

Monday, March 15, 2010

Birthday Mo Ngayon, Kaibigan!

     Isang taon na rin ang nakakalipas simula ng ginawa kita. Ang sarap isipin na sa loob ng isang taon, nakahanap ako ng paraan para mawala ang boredom ng buhay ko. At nakahanap ako ng kausap at kaibigan na katulad mo.

     Sinamahan mo ako sa mga oras ng aking kasiyahan. Hindi mo ako iniwan sa panahong kailangan ko ng kausap. At hindi mo rin ako pinabayaan sa tuwing pakiramdam ko ay nag-iisa ako sa mundong ito. Dahil nandiyan ka handa akong samahan sa buhay na pinili ko. Salamat na nga lang at hinayaan mong pasukin ko ang buhay mo, ang buhay ng pagiging blogger. Salamat ng marami. Alam kong kasama kita hanggang sa pagtanda ko.
____________________________________________________________

     Bakit ko nga ba naisip magblog kung alam ko namang wala akong kausap dito kundi ang monitor na kaharap ko? Si Gladys kasi e inimpluwensyahan ako. Pero hindi ko rin aakalaing mamahalin ko ang pagba-blog at tatagal ito ng ganito kahaba. Ang akala ko nga katulad lang ito ng ibang mga sites ko na dahil wala naman akong kakilala (maliban kay Gladys), mamamatay na lang ito ng bigla dahil wala ng kumakalikot sa kanya.

     Isa pa hindi naman talaga ako mahilig magsulat e. Ayaw ko nga ng mga assignments na essays and other compositions. Ang hirap gumawa hindi ko alam kung paano ko sisimulan. At kadalasan, bagsakan ang mga grades ko pagdating sa mga hinayupak na sulatin na yan. Pero mas okay pa nga kung assignments e kesa on the spot. Ano 'to, contest? Pero kahit ano pa man iyan, ayaw ko niyan pero ang pagblog? Ibang usapan na yan.

     Recently ko lang nalaman na mahalaga pala sa akin ang blog. Na ang sarap sumulat sa harap ng kompyuter at gumagawa sa harap ng blog site ko. Pero ang blog ay parang pagsulat din di ba? Oo nga pareho sila in the sense na writing skills ang kelangan dito pero malayong-malayo sila in terms of the purpose kung bakit ka sumusulat. Dito walang pressure na kelangan ko itong ipass bukas. Dito walang grades. Dito walang criticisms from your teachers. At dito malaya kong nasasabi ang gusto ko. Malaya akong nakakasulat. Hindi limitado.

     Hindi ko nga aakalaing lalampas sa trenta ang mga posts ko e. Ang akala ko  magiging extra site lang ito sa akin na bibisitahin ko lang kung kelan ko gusto. Dati nga friendster lang ang inoopen ko. Pero ngayon after Facebook and Plurk, blogger ang pangatlong tab sa listahan ko. At hindi ko lang ito basta-basta inoopen for updates purposes, gusto ko sa tuwing ioopen ko ito may mapopost akong bago para mabasa ng mga kablogs ko.

     Pero hindi lahat ng pagkakataon nakakasulat ako. May mga oras na hirap na hirap akong simulan ang topic na naisip ko kaya in the end wala akong nagagawa kundi title at mabubulok na lang ito sa draft section ko. Matatabunan na lang ito ng mga panibagong articles at buhbye! Ayaw ko naman gumawa ng mga blog posts na sinimulan ko ngayon tatapusin ko bukas. Nawawala na ung sense and the real substance ng sinusulat ko. Kaya gusto ko hanggat maaari matapos ko ito sa isang upuan lang.

     Actually, this 2010 ko lang talaga nagustuhan magblog. I mean, hindi ko akalaing ihehelera ko ito sa Facebook and Plurk. Oo dati nagbablog na nga ako pero parang wala lang kasi wala namang nagbabasa ng mga blogs ko. For me kasi, worthless ang mga sinisulat ko kasi wala namang readers. Pero this year, sinimulan ni Sir Dante at ni Seven ang pagview ng blogs ko at ayun kahit papaano marami na ring nagbabasa sa mga blogs ko. Kaya there's an appreciation in me and in a way urge to really post stuffs para may mabasa yung mga taong ito. At least I have motivation na kelangan ko talagang isulat ang isang bagay para ishare sa kanila yung mga bagay na natutunan ko.

     Honestly marami rin akong natutunan sa pagba-blog at sa pagbasa ng mga blogs ng iba. Nakakagaan ng pakiramdam kapag nailalabas ko yung mga bagay na hindi ko masabi personally sa iba. Although alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako open sa ibang tao. Basta ang sa akin, kinikimkim ko lang. Sabi nga ng iba, dapat daw pag may problema ang isang tao, dapat sinasabi niya ito sa ibang tao para mapawi kahit papaano yung lungkot at yung bigat nito sa ating kalooban. Pero ako, hindi ko na kelangan ng taong makakaharap ko at makakaheart-to-heart talk ko para lang sabihin sa kanila ang mga bagay na ako lang ang nakakaalam kasi meron namang akong blog na masasandalan.

     Parte na talaga ng buhay ko ang blog at alam kong hanggang pagtanda ko dala-dala ko pa rin ito. Ang sarap nga isipin na after 50 years maaalala ko pa rin yung mga bagay na ginagawa ko ngayon. At after 100 years alam kong mababasa rin ito ng mga kaapuapuhan ko kahit wala na ako sa mundong ito dahil ang blog na ito ay magiging parte na ng mundo. Hindi na ito maalis o mabubura nino man.
 

    
    

Saturday, March 13, 2010

Community Service: Week 3

     Another week has gone by and as always, I end it up with a community service. Tulad ng dati, tutor pa rin sa mga makukulit na bata ng Paco, Manila. Okay lang masaya naman sila kasama. Tuwing pupunta ako dun I can't explain why there is an stimulation on my part to really attend the immersion. Although, super aga ng start (9pm, maaga na sa akin ito), I still wanted to see my students not just for the grades or requirements but for the fact that they will learn something from us.

     Congratulations pala sa aming lahat kasi we have a new place to stay with! Yahoo.Palakpakan. We transfered from the small alley of that barangay to their day care center. Mas comfortable naman sa day care compared sa daang iyon. Although hindi rin naman kami nagreklamao about the setting kasi alam naman naming yun lang yung kaya nilang iprovide. At dahil dun sympre mas ginanahan kaming magturo sa mga bata na sinabayan din ng walang kupas na energy ng mga batang ito. Mas maganda kasi ang ambiance sa center at kahit papaano alam naming lahat na talagang nandoon kami para turuan sila. Sympre may electric fan na tatlo-tatlo kaya freshie fresh ang buhay kahit tumatagaktak na ang mga pawis namin. At may table na na pwede naming gamitin para sa mas maayos na pagsusulat. Dati kasi sa dingding lang kami nagsusulat o kaya sa upuan o kaya sa sahig o kaya sa likod ng mga katawan ng bawat isa. Soo creative. That's the energy!

      Isa pa kasama namin si Miss Marjonet ngayon kaya kelangan naming magpakitang gilas para at least alam niyang nagagawa namin yung responsibilities we'd agreed upon before the immersion period. Syempre nakakapanibago nga lang kasi we practiced no direction lectures. I mean, kung anu-ano lang basta kaya ng mga utak namin. E since may mga matang nakamasid sa amin, we have to adjust and make sure na hindi lang kami papogi sa area but share what we were asked to share. 

     For the third week of this agenda, I can probably say that they have already learned from us. Nakikita ko sa mga batang tinuturuan namin na natututo sila sa amin. Unti-unti na nilang nadedevelop yung mga bagay ng sinabi  namin sa kanila the last time we went there. Although most of the topics were just mathematical operations, still I can see the improvement from the last week's activities. Sa mga students ko naman, si Angelo at Rahmil, mabilis nilang natutunan ang pagconvert ng centimeters and decimeters to meters and vice-versa. They both got a perfect score of 10 sa quiz na binigay ko. And as their tutor, I am proud and flattered that at least because of me they have cleared their difficulties in that area of their math subject. Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong may natututunan sila sa'yo. So para mamotivate sila to do the same in the next coming weeks, may premyo sila sa akin! Whew! Chocolates. 

     Sa mga nakita ko, sa tingin ko hindi lang sila natututo sa amin academically. They have also improved their self-confidence. Dati pagtinanong mo sila kung anong lessons nila sa school akala mo nakikipag-usap ka sa hangin. As if you are talking to anybody else, pwede sa multo! Pero ngayon, they are proud to say anything. Dati rin kapag tinututok ko yung camera sa kanila, they were shy. Normal yun sa bata. Pero yung makita kong nadedevelope yung self-confidence nila is not just normal. That only means effective yung pakikitungo at motivation na binibigay namin sa kanila. Indeed, the bonding of the group and the peer students are starting to build up!
 
     Ang sarap talaga kasama ng mga batang ito. At kahit nakakapagod okay lang. Kaya nga kahit inaantok na ako as of this time, ginawa ko pa rin ito para sa kanila. This is dedicated to them! But time will also come for us to say goodbye. Pero matagal pa yun wag ko muna isipin yun. Basta ang importante we enjoyed each other.
 
Other Photos:



Prayer lead by Romeo. 






                                       
 
My Student Angelo working with 
measurement conversion. 
 
 
 
 
  
 



Anthony guiding his fifth grader student.







Michael with hte most intelligent among students, Pierce.
Keep it up kid!







Calvin on the subtraction problems! 







Rob on reviewing process. May dala yung student niya na reviewer e. Yun yung ginamit nila before this. Hindi nakuha e!








Romeo on writing skills :)








Chris with his bibo student. Sige ituro mo lang lol.








Rahmil. My other student. Bata pa lang late na agad! tsk. 







Playtime. Hindi ko alam kung anong laro yan e. Basta never heard.









 
Pinoy henyo! Sige pagtripan ang mga taya! lol.
 
 
 
 
 
 
 
Pinoy henyo ulit. Si Birthday boy taya! Si dugasin. lol








15 minutes before time. Si Cha excited. Nagbabalak baguhin ang oras. lol









Prayer. Buhbye kids. See you next week.








Vacant room again. Ang kaninang magulong kwarto tahimik na ulit.



Friday, March 12, 2010

Juana Change

     Kanina nagpunta ako sa Isang Ordev-B accredited activity. Ito nga ung Juana Change. Although alam ko na naman yung tungkol dito I still watched coz para sa grade ko. Requirement kasi to kaya kelangan. Pero bakit sa dinadami-rami ng mga activities na naglipana bakit si Juana Change pa ang napili ko?

     Maraming bese ko ng napanuod si Juana Change pero hindi pa rin ako nagsasawang panuorin siya. I started to watched her actually the last term of the AY. NSTP class ko nun when my teacher presented us the video clips of Juana Change. Pero before that, naririnig ko na talaga yung name niya elsewhere. Wala lang talaga akong interest panuorin siya kasi.... basta! Going back to NSTP class. Ayun na nga. We watched the videos and I found it interesting. After nung class ko, I started searching her sa youtube and by that time I  became a fan.

      Yung ibang clips kanina ay napanuod ko na pero may mga ilang videos din na ngayon ko lang nakita. Im not sure if nakaligtaan ko lang panuorin nung nag-Juana Change marathon ako o bago yung mga clips na yun. Pero iisa lang naman talaga yung message ni Juana Change e. And that is to make us realize what are the real things behind government's moves.

     Bilib nga ako sa kanya e kasi nagagawa niyang ilabas yung mga baho ng gobyernong ito. Yung iba kasi puro protesta wala namang napapala. Pero siya, with the use of media, nakacapture niya yung mga mata ng tao at napapakita niya ng maayos  yung tunay na message ng video niya. Most often kasi she act the role of the government, ng mga politiko. Although meron rin naman roles that mirrors the Filipinos, still for me, mas effective na gampanan niya yung mga corrupt and morally decadence politicians.

     Kelan kaya dadami si Juana Change? At kelan kaya matatauhan ang lahat ng tao sa Pilipinas? Im sick and tired of this kind of government. I want a change!
 

    
     
   


Tuesday, March 9, 2010

Do Not Eat The Food

    I remember this line, 'Do not eat the food', during my Religion subject with Dr. Maningas (he is a very good teacher, believe me!) when we were discussing the origin of Christian Morality. This line was part of the message given by St. Paul to Pagan and Jews. He said,
"It is not wrong to eat the food offered to idols. However, if you know that eating the foods offered to idols will make your brothers and sisters be scandalized, FOR THE SAKE OF CHARITY, 'DO NOT EAT THE FOOD!'" 
         While my teacher is discussing this, I don't know why but an idea popped up on my mind.That the concept and message given by St. Paul is very applicable to our current situation. That Pagans, in someways, can be compared to those who are selfish, self-centered, and egoistic while the Jews are those who are subjects of complaining everything without doing anything for change. Hmmm.

     The story of Christian Morality goes like this. During the Period of Apostles there were two kinds of  Christianity: The Pagans who were turned to Christians and the Jews who were also baptized to Christians. The Pagans before becoming Christians believed that nature was their Gods: The oceans, the forest, the sun and everything. They worship those things by conducting rituals and by offering foods. The foods offered to their Idols (the Gods) were also eaten by the people because they believed that no one will really take it and will just get rotten and spoiled.

     On the other hand, the Jews, same with the Pagans, also offer rituals and foods. The only difference was that the Jews never ate the foods offered to their Idols. According to Jews belief, it was a sign of respect. It symbolizes authority and sovereignty.  Foods for the Idols are meant for the Idols  and not to anybody else.

     This indifference made Christianity in early period at a big stake. Whenever they offer foods to their Gods, the Pagans ate it for the same reason as mentioned. This made the Jews protested on the behavior of Pagans. Just protested but never moved.

     After discussing I realized and asked if when will be the time wherein St.Paul will go down the Earth and go to the Philippines and say the same message he had given to the Christians? When will he be here right by our sides and start pointing out those contemporary Pagans that are soon to be executed. Ferocious? Maybe, but they deserve it.  When he will be here and dress down the modern Jews that protesting is not enough to change things everyone  wanted to see?

     Greediness is present in all society. The main thing we have to do is to make sure that it will not dominates us. And that we should avoid it. To the "Pagans", when you will realize that because of what you are doing, everyone suffers? And what you are doing is nothing but a sin? And to the "Jews", do not just voiced it out. Make a move. Walk your talk!

     To you, do not just read this, understand it!!! And please... DO NOT EAT THE FOOD!!!
 



 

  



 

   

Sunday, March 7, 2010

Community Service: Week 2

     Today is the second week of my community immersion. As usual late ako. Sabi kasi ng mga groupmates ko meet up daw namin sa airport ng Benilde at exactly 8:00am. Well dumating naman ako dun 10 minutes after nga lang. Akala ko kasi hindi seryoso yung call time e. Pagdating ko dun wala sila so akala ko ulit wala pa talaga sila kaya nagcomputer muna ako at bumalik after 30 minutes. Wala pa rin sila so I have decided to go to the immersion area alone buti na lang nakita so Chris at least my kasama ako. Dahil sa maling akala, yun I was dead.


     We started the tutoring session at maybe 9:30am. That was our first day to teach the students ('coz last week was just for the get-to-know thingy). So far, mababait pa rin yung mga bata pero super likot. Hindi ko rin naman masisisi, bata e! Nagdaan din naman ako diyan. I just always remember that "patience is a virtue!". 

     Of course, God first before anything else. We prayed to God to make our discussion successful and to make sure that the kids will understand what we are about to teach. We divided them according to their grade level so that we could focus to only one topic base on how the subject appeal to them. The kindergartens were assigned to Romeo, the first grade to Rob, the second grades to Cha and Calvin, third grades to Chris, fourth grades to Michael and Anthony and the fifth grades to your honor. 

     Simula pa lang magulo na ang mga kinder. Si Romeo ba naman ang magturo e. Hindi ko alam kung ano tinuturo ni Romeo sa mga yun pero mukha naman nag-eenjoy yung mga bata. Actually nga siya ang may pinakamaraming audience e. Kung anu-ano kasi pinaggagagawa e pero patok naman sa mga bata kaya yun nakahagilap ng maraming makukulit na bata kahit hindi na talaga kasama sa tutor sessions. Ayaw naman naming paalisin so sige join na sila dun. Tulad ng sabi ko kanina sila ang may pinakamagulong grupo. Bigla bigla naming naririnig kumakanta yung mga bata kasama si Romeo ng "May Bukas Pa" at maya maya pa'y sumayaw ng...nakalimutan ko e! At pagkatapos ayun wala ng nangyari. Nagsimula na ang kaguluhan sa area at ang pioneers, ang mga kinder!
 
     Although I was a peer tutor, I was also assigned to document the scenario. So to do that, I just gave exercises to my student (he's only one), like creating a multiplication table, for me to take candid shots to the group. Well, ang sarap turuan ng mga bata. Lalo na pagnakukuha nila ng tama 'coz that only means they have understood what we have discussed. Yun nga lang ang sarap turuan ng mga students ng mga groupmates ko. Hindi yung sa akin, bakit? Yung tinuturo kasi nila mga addition and subtraction. E yung  sa akin, perimeters, area and volume. What??? Pero sa tingin ko magaling din naman yung tinuturuan ko kasi kahit papaano nakakasunod siya. He just need more emphasis on multiplication kasi medyo mabagal siya pagdating dun at kadalasan pa ng mga sagot niya sa tanong ko about multiplication ay semplang. Actually from spatials figures, we go down to multiplication to practice his mathematical skills. So I asked him to create a multiplication table so that I could grab a chance to take some photos. Mas gusto ko naman maging photographer kesa teacher so pinagawa ko ung table from 1 til 10. Hindi rin ata kinaya nung bata at baka nainis din sa akin. Sabi niya uwi daw muna siya to "answer the call of nature". Ang hinayupak bumalik kung kelan paalis na kami. Pero okay lang at least easy mode ako habang yung mga kagroup ko tumatagaktak ang pawis. 

     Shots here. Shots there. Akala ko ang sarap ng buhay ko. Maya-maya nalowbat din ako kasabay ng pagkalowbat ng camera ko. Mas nauna pa nga ata akong naknockout kesa sa mga groupmates ko na ayaw tantanan ng mga bata e. Pero okay lang. Nakikita ko namang natututo yung mga bata sa kanila and at the same time nag-eenjoy. And I think thats the sign of having a good impact to the unfortunates. 

     Sympre hindi naman pwedeng puro aral na lang. At 11:00am we started to rest from being a teacher to being a child like them. Laro dito. Laro doon. May kanya-kanya silang mga gimik. Ako wala. Mas gusto ko matulog kesa makipaglaro sa kanila. Bawi na lang ako next time. Napagod talaga ako e (kakapicture? lol). Dahil mga bata pa yun, madali silang utuin pero hindi sila madaling patahimikin. Kapag tumambling yung isa, tatumbling na ang lahat. Kapag nagpabuhat ang isa, magpapabuhat na ang lahat. Hayy bata ka nga! May nalaman din akong mga bagong laro sa kanila at parang gusto ko rin laruin pag-uwi ko ng bahay. "Apple apple apple kiss, apple apple kiss, apple kiss!" With matching hand gestures pa yan. Clap for apple and compress fingers for kiss. Ang kyut! Meron pa. "Meron meron meron merong LANGAW!" sabay palo sa noo mo. Ang sarap ipang trip nito. Sympre hindi mawawala ang magic. Magic dito ni Calvin, Magic doon ni Cha. At dahil walang kamalay-malay ang mga bata, paniwalang-paniwala sila as if mga magikero talaga yung kaharap nila. Mga tulala kapag nakakakita ng magic. Nag-iisip kung paano nagawa yun. Pero sure akong kung matatanda mga kaharap nito, baka katako-takot na "boooo" ang matanggap nila. 

     11:30 am. Palowbat na ang lahat pero ang mga bata, parang fully charge pa rin kahit two and a half hour na silang  babad sa kakulitan. Grabe I can't compare the energy. Sana ganun din yung sa akin kasi "More energy, mas happy!". Bakit parang bumagal yung oras ng mga panahong iyon. Ang tagal mag-12pm. Parang 1 hour yung katumbas ng 30 minutes kong inaantay. 15 minutes remaining nakatayo na ako with my bag hang on. Ready na talaga ako umalis. Pray pa pala. Pray. Pray. Pray! Thank God! Yahoo!!! At last, nakalaya!

(For more pictures click the link below!)
Other Photos taken
=)

Friday, March 5, 2010

Kailan Ka Kikilos?

     Kanina ang presentation ng mga projects naman sa Filipino. Dito rin malalaman kung mae-exempt ba kami o hindi sa midterm exam namen sa Monday. Its a rush project. Sanay tayo diyan.  Nagbunga naman ng maganda ang nagawa naming proyekto. Yahoo! Wala na akong midterm exam. Wala na rin akong problema! Salamat sa mga kagrupo ko.

     Project man ito o hindi, ibinuhos ko ang lahat ng gusto kong iparating sa project na ito. Proud ako dahil nabuo ko ang konseptong ito. Kasama ng aking mga kagrupo nakabuo kami ng magandang resulta. Sana magustuhan niyo rin!

KAILAN KA KIKILOS?


     "Malayo pa ang umaga. Hindi matanay ang pag-asa. Hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko. At sa gabi'y hinahanap ang pag-asa na walang hanggan. Kailan ba darating ang bukas para sa akin?" Nasaan na nga ba ang umaga? Ang bukas? Ang bagong pag-asa? Hindi ko makita ang liwanag na hinahanap ko. Ang araw na matagal ko nang nais masilayan. Bakit ako nandito? Walang makita. Walang maaninag. Bulag na ba ako o sandyang hindi ko lang maimulat ang mga mata ko?

     Nabuhay na ako noon. Nabuhay sa isang masaganang paraiso. Lugar kung saan lahat ng tao tahimik na namumuhay. Payapa naming inaalagaan ang yaman ng bayang ito. Walang problema. Kung mayroon man siguro'y madali naming nalulutas ang mga suliraning ito. Dahil na rin sa mga magagaling naming pinuno, natuto kaming magkapit-bisig at unawain ang isa't isa. Isa pa pinangangalagaan namin ang pangalan ng lugar na ito. Ayaw naming madungisan ang magandang impresyong ipinamana sa amin ng aming mga ninuno. Hindi nga maipagkakailang mahal namin ang lugar na ito. Mahal ko ang bayang ito. Dito ako lumaki, natuto at nakilala. Ibinahagi niya sa akin ang tunay na diwa ng mundong ito. Ang tunay na dahilan ng hiram na buhay kong ito. Ngunit lingid sa aking kaalama'y magmumula rin pala rito ang hanging magdadala sa akin sa madilim na kwebang ito.

      Bakit nga ba nagkaganito? Ang lugar na una ko ng nasilaya'y bakit napuno ng kasamaan, ng kasakiman, ng kawalanghiyaan? Iba na nga ngayon ang bayang kinamulatan ko. Matagal na panahon na rin noong huli akong nakatapak sa lugar na ito. Gusto kong lumibot. Gusto kong makita ang bayang ko sa panahon ng pagbabago.


      Tinahak ko ang daang kinatatayuan ko. Sa gilid nito ay hindi nawawala ang mga bahay na gawa sa bulok na yero at pinagtagpi-tagping piraso ng kahoy. Nakita ko rin ang madudusing na tao suot ang mga punit na damit na animo'y basurang gamit na gamit. Hindi rin nakalagpas sa aking paningin ang mga batang hubo't hubad na naglalaro sa gilid ng maruming estero. Napakadelikado pero balewala  lang sa kanila ang mga ito. Nakasanayan na nila siguro pero ang tiyak ko na hindi mawawala dito ay ang panganib na dulot ng maruming lugar na iyon. Hindi lang iyan, sa sobrang karumihan ng pasilyong ito, tiyak na binahayan na ito ng mga mikrobyo. Kawawang mga bata. Hindi na kasiyahan ang dulot ng kanilang paglalaro kundi isang malagim na kapahamakan.

     Sinuyod ko pa ang kahabaan ng lansangang iyon. Habang papalayo ako ay lalong lumalala ang mga kondisyong nakikita ko. "Palimos po,palimos po." Ito ang mga katagang naririnig ko. Mga matatandang inabanduna na ng kanilang mga pamilya, mga batang kinalakhan na ang basura. Nakaupo sa sulok ng kalsada, madusing at payat. Ito ang mga komong karakter na nakikita ko. Ang masakit pa, may mga musmos pa silang mga kasama. Bata pa ang mga ito pero bakit pinagkaitan na sila ng mga biyayang maaaring matamo?Ang iba pa nga'y pinandidirian, itinataboy at tinuturing na parang mga hayop. Ikinakahiya na animo'y salot ng bayang ito. Pinagkakaitan pa ng kaunting tulong  na kanilang hinihingi. Kawawang bata. Kaawa-awa.


     Hindi alintana ang tunog ng orasan, naabot ko ang dulo ng esterong aking tinahak. Doon ko nasilayan ang mga kalakalan na sa gabi lamang ang kaganapan. Mga binatang sumisingot ng droga at dalagitang dangal ang ibinibenta, mistulang palabas lang sa telebisyon na hindo mo aakalaing makatotohanan. sana sa mga oras na iyon ay naroon sa kanilang silid upang aralin ang mga tuntunin at gawin ang mga takdang-gawain. Kawawang mga kabataan hindi man lang nila naranasan ang saya na dulot ng pag-aaral.

     Habang masakit kong pinagmamasadan ang malupit na realidad na ito, dahan-dahang nagtanong ang aking mga labi sa mundo. Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka nagkaganito? Ang mayayama'y tila nakahiga na sa pera pero bakit ang mahihirap ay halos mabaon na sa lupa mo? Sa mga taong itinalaga mo para gabayan ang mga anak mo, anong ginagawa nila ngayon? Bakit sila nagpapakasarap sa kanilang pwesto habang ang karamiha'y nagpapakahirap sa kanilang mga siphayo? Ang mga taong inaasahan ng mga kababayan kong ito, bakit hindi man lang sila tumayo sa kanilang pagkakaupo upang makita man lang nila ang tunay na kalagayn ng mga taong ito? Bakit hindi nila subukang iabot ang kanilang mga kamay para sagipin ang malungkot na realidad na ito? Bakit hindi nila ipagkaloob ang kanilang mga balikat upang may masandalan sa panahong nagsusumigaw ang luha sa mga mugtong mata ng mga taong ito?

     Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ayon kay Rizal. Ito ba ang tinutukoy na mag-aahon sa matinding kahirapan kung mismong ang kanilang mga sarili ay hindi kayang matulungan? Bata ka pa. May magagawa ka pa. Huwag nating hayaang manatili ang ganitong uri ng pamumuhay. Hindi sa mga taong nasa itaas nakadepende ang ating buhay. Huwag na tayong umasang may magandang kalooban na sasamahan tayo sa guhit ng ating kapalaran. Maraming paraan. Maraming mabuting paraan.

     May mga paa ka para tumayo sa sakit na ito ng lipunan. May mga kamay ka na hahawak sa iyong kapalaran. May mga labi ka na maghahatid ng iyong nararamdaman. May mga tainga ka na makikinig sa dalamhati ng iyong mga kasamahan. At may mga mata ka upang masulyapang muli ang kinabukasan.

     Tayo ang gumagawa ng aklat ng ating buhay. Huwag sana nating hayaang magtapos ito sa isang malungkot na kaganapan. Hindi man natin maabot ang buhay na ating inaasam, maipapakita naman natin sa mundong may  nananatiling liwanag sa kadiliman. Huwag na nating isisi sa kanila kung bakit ka nagkaganyan sapagkat sila'y  mga bulag sa  mga katulad natin. Sila'y mga bingi sa ating mga hinaing at sila'y mga manhid sa sakit na nararanasan natin. Tumayo ka mula sa pagkakadapa hanggat makayanan mong tumakbo at tumalon sa hiwaga ng buhay sapagkat hindi magtatagal ay makalilipad ka sa hangganan ng kalangitan.