Friday, May 28, 2010

A Year Of Collegiate Loneliness

     Isang taon na rin pala simula ng tumapak ako sa college. Grabe ang bilis ng panahon. I didn't notice na tumatanda na pala ako. *lol* Ang dami na ring nagbago at nabago sa akin. And I'm still hoping for a better me.

     I entered this college na hindi ko ba alam kung tama bang dito ako nag-aral. Katulad ng mga nasabi ko wala talagang kapintasan ang school na 'to. I am just making my own issue. And till now sad pa rin ang college days ko. Hayy buhay! *sigh*

     Marami na rin akong nakilala. May mga sa tingin ko naman e okay kasama. But the problem is may mga kaibigan rin naman sila. At ayaw kong makihalo sa kanila. Pasensya na artista lang lol.

     Isang taon na rin pala akong walang kasama sa mga kalokohan ko. So sad! Although there were times na may mga nakakasama ako. But those were just temporary. Minsan nga naiisip ko am I just set to as a substitute friend? Ang saklap no! Lalapitan ka lang kapag may problema sila sa mga kaibigan nila. At kapag okay na, buhbye na. Solo na ulit ako.

     Pero okay lang naman yun sa akin. At least in my entire stay in this school may mga nakasama ako. Hindi masasabi ng ilan na loner ako the whole year. Dapat pa nga ata akong magpasalamat sa kanila e. "My sincerest thanks to all of you!" Bow.

     Well, sanay na naman akong mag-isa e. Nasanay na rin siguro. Enjoy naman ako sa sarili ko e. Yung mga panlalait ko sa mga nakikita ko sinasarili ko na lang. Kaya kung makita niyo ako one time nakasmile, dahil yun dun.

     May magbabago pa ba sa akin? Well, ako lang naman ang makakagawa ng pagbabago sa sarili ko e. Nasa akin na rin siguro yung problema. MAsyadong ko lang sigurong inilalayo ang sarili ko sa mga taong nasa paligid ko. EWan ko ba. Pero kung kaya ko lang ikuwento dito baka maintindihan niyo rin ako.

     But sometimes I'm still hopeful dahil sa mga nakakausap ko na ganito rin ang college experience. Sabi nila two years bago sila nagkaroon ng mga kaibigan. (eyes at sky while thinking) E ako one year pa lang so may one year pa para makahanap ako. Logic? Ganun ba yun? Hindi rin e. Bahala na nga si Batman.

     Well honestly hindi naman talaga ako nanghahagilap ng kaibigan. Medyo naiinggit lang siguro ako sa iba kasi sila laging may mga kasama. And maybe naninibago lang din ako kasi way back highschool lagi kong kasama mga barkada ko anytime. 3pm dismissal pero naghihiwalay kami ng 8pm. HAHA. Tatag namin. Kaya parang ang lungkot isipin na after all of the happiness, I will end up like this lang pala. :((

     Kung pwede lang lumipat ng school ginawa ko na. Well pwede naman talaga kaya lang baka di pabor parents ko kaya tiis na lang ako. Ayaw ko nang maging loner. huhuhu. *worried* One year of being like that is enough. This AY sana makahanap na ako ng mga mababait at tunay na kaibigan. I don't want regrets after college.  :)) *crossed-finger*

Wednesday, May 19, 2010

Shut Up Jejebusters!

     I do not really have any interest to this new classification of teenagers so called 'Jejemon'. You can see naman siguro that from the very first time of their existence, I hadn't given little concern to post something for them, only this time. This is because of the so called 'Jejebusters'. They are the super haters of 'Jejemon'.

     To those people who do not know who 'Jejemons' are, they are those that send text messages in a different way. A way that we find difficult to read about. Like this: 'eow pfhou !!! kh4muzxt4 q4h?' (that is 'hello po. kamusta ka?') and laugh and smile like this 'jejeje' instead of the normal way we do like ' hahaha' or 'hehehe'. They also have their own fashion style like putting a rainbow-colored cap over their heads instead of wearing it the typical way.

     For me, there's nothing wrong with there existence. They were just like the 'Jologs' of the 90's. Today's generation were just being expressive to themselves. But why people are becoming so judgemental? They even defined these 'jejemons' as kind of illiterate or low IQ youngsters as if this word really took place to MR. Websters' dictionary.

      I remember I was watching Comedy Bar of GMA7 and there came a comedian  who somehow attacked these 'jejemons'. He was supposed to make the audience laugh, but instead, I turned off the Tv madly. I know I shouldn't have took it seriously but he's becoming over and hitting the line. I am not pro to these 'jejemons' but I am not against to it, either.

     We will not lose everything or even a very little thing because of their presence. We have a choice to not read their messages and not get them on our nerves. But if you still opt to read it, then you are maybe one of the super 'chismosa' of town.

     Another thing that forced my fingers to brag this about was the chain message I received from my HS friend. According to it, the word 'jejemon' comes from two different words. 'Jeje' is from the latin word which means 'to follow', or 'followers' while 'Mon' is from a greek word which means 'Demon'. Combining the two will lead to 'Followers of  Demon'.

     I really don't know the truth behind it. I even googled it just to find out if this thing was true. But with my full effort, I didn't get any info to confirm and prove the said 'allegation'.

     While i'm on that process, there's one thing that popped up on my mind. I am so sorry for this but maybe, just maybe, this was another counter-attack of the disciples of the church. Well, they always give demonic meanings to everything in this world, even the smallest particle that exist. (exage?!) Just an observation! :))

     Anyway, what's the purpose of being democratic if we always try to criticize each other. 'Jejemons' were not a kind of virus that could be spread out easily. It is plainly a fashion where youths have options of getting into it or not. But I guess the mere fact that 'jejemons' have known for their differently negative characteristics that were inevitably not accepted by the society because of these wild and hurtful criticisms, they may prefer to not be one of them that may lead to their extinction. Kawawa naman! :(

Saturday, May 15, 2010

There's Still Such Word As 'Talo'

     Why it is normal and so easy for us to proudly say to the world that we were cheated on such competition like the recent election? And much difficult to accept that we loses in those kinds of battle. They say they have proofs but where are your proofs? Bakit ba kasi hindi na lang natin tanggaping hindi talaga tayo nararapat sa ilang mga bagay na we all wanted to be. Nakakabadtrip lang.

     While I was watching T.V Patrol the last night where they interviewed Jamby Madrigal, JC Delos Reyes and Nicanor Perlas and telling to the whole world that they have proofs and evidences na magtuturo sa nasabing dayaan, I felt sorry and dismayed and disappointed.

     Poor politicians! Who do you think you are? NAdaya man kayo o hindi, sa tingin niyo ba ma-appeal kayo sa tao? I mean, I know this is not a popularity competition but it's a great factor to capture votes. Honestly, I never knew the two except Jamby. And what I only knew to her was that she is a senator that was endorsed by Judy Ann Santos. HAHA. Funny. But that was all I know. See?! Naging mapangahas kasi kayo sa pagtakbo as president kaya sana mapangahas niyo ring tanggapin sa sarili niyong you are not the CHOSEN ONE. (Matanglawin? haha) :)

     But what was so disappointing is that parang nature na ng pagkatao ng buong Pilipinas ang salitang nadaya. In any simple battle, this is not acceptable, much more if media were used. Mas lalong nakakahiya. Naisip ko nga, how will the people acknowledge loses if those that are in authority didn't know the manner of humble acceptance? Alam kong everyone are in the right minds to think of and follow their own pero ang mga maliliit na tao naman ay hindi nakikita sa buong mundo. Sino ba ang laging nasa harap ng mga mediamen at tahasang nagsasalita ng kung anu-ano? Are we? Of course not. Sympre kung sino ang nasa authority sila ang madalas makita. Kaya kung sino pa ang mga taong ito, sila pa ang proud to say na nadaya sila kaya in the end, pasanin ng buong Pilipinas ang ganitong image sa mundo. Maraming nadadamay caused by these immoral politicians. Shame on you! Bakit ba kasi nandiyan sila? Nandaya ata!

     If I will be given a chance to be a representative in congress or become a senator, I will put into law na dapat lahat ng mga politicians dadaan sa isang seminar-training related on self-acceptance. At ang mga presentor or speakers will be the soldiers of God. Sasama ko teacher ko na magpreach, magaling magmanipulate ng utak yun e. Para naman maliwanagan ang mga taong ito na nag-e-exist pa rin ang  salitang  talo, natalo, pagkatalo, at tinalo at hindi lang daya, nadaya, pagkadaya, dinaya. Huh?!

Thursday, May 13, 2010

When Rejection Does Not Meet Acceptance...

     It is hard to feel the acceptance when you are rejected by your loved ones most especially, and often times, by your family. This was what I reflected when yesterday came in to my life.

     I was shocked by a phone call of a friend saying that yesterday was gonna be our last day with Aldin. He has decided to enter seminary. I know that that was a long run before we could be able to see him again. He is now in the searching process and I am hoping that he has fully offered his life to Him and that he could situate himself while on the process. Well honestly it is hard for me, and for the other friends, to accept that fact. I didn't even expect this. He's undeniably just a typical teenager who only wanted in life is to have fun and enjoy the life he has although he didn't even forget that there's a foster family that still care and worry on his decisions.

     He frequently confronts us when we were still classmates about the tension happening between him and his half-sister. And that happens over and over again, until this very moment. I didn't know who his lifters are when we went separate ways. All I know is that he cares much, respects much and loves much his family.

     He actually wrote a letter to every one of us, his friends and his so-much-loved family. He even withdrew his money from the bank to lend a hand to his nephew who has heart disorder. I didn't see him cries, but I deeply know this guy. He didn't cry when everyone is up, when he is in front of us. But I can see to his face, for the last moment we have that time, that he is happy with his choice. Only, he worries so much with his family.

     I remember he said to me when we and Niño were going to QC, where the brothers were housed, that he has escaped from his home the last night. His family didn’t concur to this very big decision not because they were against the calling but the fact that they are in the midst of a great problem. His new-born nephew got a heart disorder. And this is the time when they need the presence of him.

     There's so much speculation with his decision. And that hurts me. Well, I am not religious. Maybe in the group, I am the exact opposite of him that is why he didn't want to see me 'coz he thought that I might just stop him from doing it so. But I didn't even think that he has come to that extent just because he wanted to get far-off his problems. That is absolutely wrong.

     I remember the time he assured us that he will enter the seminary after he got a work and helped his family. That is why I was shocked by the phone call I got with that message. I thought it was a hoax and they are just trippin on me. But when I asked him about it, he humbly said that material things are not the important reason why we lived here. He might scrap the opportunities he has most especially the full scholarship he got. But that will not help his family a lot. He knew that prayer is the most powerful thing we have and the service he is now offering to God is the very best right choice to decide. He got his calling. He didn't want to snob God so he follow it promptly.

     When we came to his house the night after we leave him at QC to give to his family the letter he has made, we got a short talk with his brother-in-law. I felt guilty during that moment. It is awful to feel that they didn't support our buddy's decision. That is the only thing I guess he needs now. But what hurts a lot was when they are accusing the brothers for influencing him to that decision. I know Aldin opted it alone. The brothers are just there to guide him in making that decision.

     In the right time, I know his family will understand all this. And I am hoping that that moment is very soon. He actually asked us to give the address to his family so that in time the wounds were healed, they could visit him and show to him the support he was asked for.

     And us, his friends, we are just here to support and love him. If he couldn’t find the support he needs for now from his family, we could be their substitute, although I know that this is just a bit of what he really calls for. Good luck Din! After several years, I am proud to call you Brother and years after, Father!

Wednesday, May 12, 2010

Thanks to the Nth Times!

     The election has about to end and I could say that it turned out to be a peaceful one. I know most of us prayed for it and I am proud that I am one of those guys. I actually wrote here my wishlist to not human recipient 'cuz I know that they could understand me better than those living souls. Whys is that? I mean, people are just fund of nodding heads and hearing things. They barely listen to what is really important. They promised and suddenly break it up. And I guess that's the  only reason why I wrote my thread that way. I could trust them more than anyone else. Though I know that we all did a great job. Thanks anyway to everyone!!! :))

     Anyway, this is not about the people themselves but about the wishes I have granted. Thanks to all my peeps which has given to us the only kind of election we are longing for. This is so great! This is the first time we used electronic system and the first time to experience again the smooth and peaceful election after so many years.

     Thanks to you Peace 'cuz you didn't take rests in spreading yourself. Maybe not 100% but the fact that the killings, harassments and evilness are far way lesser than before, was an excellent job dude! You neither put us on shame nor in risks. And more importantly, you were not late! I salute you man!

     Hey PCOS, I love you so much! You didn't make and put us in trouble. Although few of you got some glitches, still you did a great job. You work hard and that was evident, I knew it. I guess we'll be using you for the next elections. So be it. You are a miracle brought to us from above. We all thought that we'll be buried in this manual consolidation of votes. HAHA. Thank you so much! Till next time dude.

     C'mon Brain! You proved to us that you are really a great gift from God. You are the most intelligent matter that has ever been created. You chose sensibly and voted wisely. Now, we have great leaders that will show our way to the paradise we are looking for. Take care Brain. We need you everytime. Just take your rest for now 'cuz in the later part,  you will be exhausted. Kidding bro! Thanks a lot!

     Let's make some noise Truth. Victory. Conquest. Success! That was you dude. You are the star of the night. A million thanks to you. Together with PCOS, you brought to us nothing but truth. You fought with the help of human. You got a thousand praises from me 'cuz you show off what we need. Let's party peep!

     Hay! It seems like I am crazy but this is what I feel. It's like me won in a presidential race or got the jackpot number in sweeepstake. Yahooo! I am confident that the Philippines will wake up and stand up from the nightmare she has experienced. We can see now the light coming at the east. And years from now, we could be at the place all of us are dreaming of. :))

Sunday, May 9, 2010

Wishlist

     Tomorrow is the judgment day. I am wondering to what will happen then. I am not a religious kid. But this time I know prayer is what all I need. It’s hard to be in a situation where light and dark are about to clash for dominance. But since we have Him to be at our side, I will just let Him manage the things that people can’t control of.

    Big things will never happen if little proceeds won’t be done. That’s why I have simple wishes that I deeply anticipate to be granted.

Dear Peace,
    I hope you are present tomorrow. Please wash out the minds of greedy people. I know you have the power to be a hero of our people. Please protect us from any harm. Guide us as the people vote and as the election ends. Please be there throughout the process and please, please and please actively participate. I know I don’t have any right to ask you this. But this is all I can do for this very important day of my country. Sorry but I have to ask you another thing for the last time. DON’T BE LATE!

Dear PCOS,
    I am one of the witnesses of your existence. I also raised my hand to use you in the coming election. And I am proud that for the first time, you let us make draw on you. And so my only wish to you is your full utilization. Please do not entertain problems. They will not help, of course. Do not put on stake our trust to you. We need you that’s why we lean on you. And we lean on you because we trust you.

Dear Brain,
    I know you are the reason why we think and have this great intelligence. So let us make use of your whole function to think and decide who among these people are the right to vote for. Please set aside for now all the thoughts in your mind other than this election ‘coz this day will change a lot to us and will modify the land I am standing at.

Dear Truth,
    (On bended knees) Please be there. I am not inviting you to be present. But I am begging you to prevail yourself. Do not hide yourself nor let others conceal you. You are what we need. Our future depends on you. One part of you is a great factor to give a great impact to us. Much more
If you reign your entire nature.

Dear Philippines,
    For the past elections, I know these have been gruesome. Bloody events that happened in the history of yours. Despite of it, I know you are still hopeful. You know that there’s a very little light just in the corner of this box that could widen up to see the new face of yourself. I am a great supporter of you, a follower indeed of your eminence. And so I could promise to you that you still have a very little kid that loves you more than the any other.

     Looking forward is all I have for now. But I still have Him to grant all this. I want to wish this country a good luck. But I don’t want to limit the ability of people to change her in luck. We could depend to ourselves and not to the things the destiny will dictate. We are all capable of pursuing our long-time dream and we all deserve it only if we put into our hands the good things that must be practiced.

Saturday, May 8, 2010

On The Side Of Me

     Maraming taon na rin ang nagdaan mula ng iniwan mo ang buhay ng pagiging isang dalaga. Alam ko bata ka pa nun nung ikinasal ka sa una mong asawa. Nakakapanghinayang lang na sa kaunting panahon binawi na siya agad sa'yo. Pero sa kabila nun nagpapasalamat ako dahil kung hindi nangyari yun baka wala ako ngayon sa mundong ito.

    Alam ko nahihirapan ka sa buhay na ganito. Mahirap, mapanghusga, mapaglaro. Minsan nga alam kong gusto mo nang kumuha ng lubid at ibitin ang sarili mo para matakasan ang buhay na hindi mo inasahang darating sa'yo. Gayunpaman, mas pinili mong hindi gawin iyun dahil alam mong hindi pa namin kaya ang mawalay sa'yo. Alam mong mas kelangan ka namin sa panahon ngayon kesa magpahinga na.

    Buti na lang at hindi mo ginawa iyun dahil heto tayo ngayon. Graduate na ang mga kapatid ko. Ako na lang ang nag-aaral sa atin. Hindi mo na rin problema ang pag-aaral ko kasi sagot ng school yung pampaaral ko at sagot ko na rin ang baon at mga gastusin ko sa school. Ang sarap isipin na sa kabila mga pinagdaanan natin magkakasama pa rin tayo at alam kong dahil iyon sa'yo.

     Simula nang pumasok sila ate sa college, nagkanda-gulu-gulo yung buhay natin. Alam kong hindi mo inaasahan na masyadong mahal ang mga gastusin sa college. Kaya nagsakripisyo ka. Isinanla mo yung bahay natin. Bahay na iniwan sa'yo ng asawa mo nung nabubuhay pa siya. Php25,000. May pera na para panggastos pero sa mura kong edad problemado ako kung paano babayaran yun.

     Alam ko nabayaran mo yung bahay na yun dahil isinangla mo 'to ulit sa ibang tao. Sa pagkakatanda ko tatlong tao ang nagpakasaya sa bahay na 'to. Dahil rin dito nagkautang-utang tayo ng malaki para ipambayad sa tubo ng pagkakasanla ng bahay. Si papa kasi minsan may trabaho at kadalasan wala. kaya ikaw ang gumagawa ng paraan para  makahulog sa mga demonyong kapitbahay natin.

     Honestly, naaawa ako sa ginagawa mo. Apat-apat ang nilalabahan mo para lang kumita. Yung isa pa dun halos gawin ka nang katulong dahil sa'yo na halos ipagawa ang lahat ng gawaing bahay. E sa pagkakaalam ko labada lang ang dapat mong gawin dun. Pero mas pinili mong manahimik na lang at gawin ang mga iyun dahil alam mo namang kikita ka kahit ganoon.

     Minsan nakikita ko yung kamay mo na hindi mo na maiunat sa sobrang kalalaba. Masakit alam ko pero mas pinili mong magtrabaho para matapos namin yung pag-aaral namin. Mabayaran ang mga utang na naipon na at halos hindi na natin alam na nagkaroon pala tayo ng ganung mga utang sa kapitbahay natin. Kadalasan pa nga parang ayaw na tayong pahiramin ng mga taong ito ng pera dahil alam nilang baon na tayo sa utang. Samantalang nung sila ang nanghihingi ng tulong palagi kang nandiyan para sumuporta. Yung iba nga ni hindi na binayaran e pero hindi mo na rin siningil. Itago na lang nila yun sa kanilang konsensya.

     Minsan nakikita ko yung mga mata mo na namumula, may luha. Ang sakit pala talagang makita yung magulang mo na umiiyak. Parang hindi ko nakayang titigan ka ng ganun na lang. Gusto kong may magawa man lang ako kahit bata pa ako. Pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Alam kong hindi lang isang beses yun nangyari. Alam kong sa tuwing didilim nagsisimula nang ipaalala sa'yo ang lahat ng probema mo. Pero sa tuwing sasapit ang umaga, nakangiti ka pa rin though alam kong behind that was pain.

    Parang nasanay na nga kaming palaging may tao sa pinto at hinahanap ka para singilin sa utang mo. Normal na sa amin yun. Kaya pagnaririnig kong may naghahahanap sa'yo naiisip ko na lang ano na naman kayang palusot gagawin ni mama? Nakakatawa sa mata ng ilan pero deep inside masakit para sa amin. Nakakahiya. Lalo na sa tuwing may darating na tanod sa bahay at ikaw ang hinahanap. Hindi natin alam pinabaranggay ka na pala ng mga  pinagkakautangan mo. Hindi naman namin tatakasan yun e. Hello? Tagadito lang kami. Kapitbahay niyo lang kami kaya hindi niyo na kelangan ipabaranggay si mama. Pero kahit ganun maraming beses nangyari yun. Ni hindi man lang kita nasamahan para ipagtanggol ang sarili mo. Halos ipahiya ka ng mga taong ito sa lugar natin pero ni ipagtanggol ka sa mga 'to hindi ko man lang nagawa. Mabuti  pa sila ate tinulungan kang humarap  sa mga damuhong 'to.

    Hindi ko makakalimutang nagising ako isang araw dahil may kaaway ka sa labas. Nagulat na lang ako kung anong ingay ba yun. Yun pala sinugod ka na ng isang pinagkakautangan mo. Actually hindi mo siya pinagkakautangan di ba kasi sa kapatid niya ikaw may utang hindi sa kanya. Kapalmuks talaga. Pero halos ipangalandakan sa buong baranggay yung 'utang mong buhay' sa kanila. Ang kapal ng mukha. Pagbaba ko biglang umalis. Pero nakita ko yung mukha mo nun. Halos kaawaan mo na rin ang sarili mo. Kaya simula ng mga araw na yun isinumpa ko ang mga taong ito. Pagyumaman ako, mamatay kayo sa inggit.

     Ngayon, umunti na ang mga utang natin. Wala ka nang masyadong iisipin. May trabaho na si ate. Yung isa naman naghahanap pa lang. Iba talaga magmahal ang magulang lalo na ang mga nanay. Kahit ano gagawin para sa kanilang mga anak. Minsan nga hindi natin alam na nasasaktan natin sila dahil miski sa maliit na paraan ni hindi man lang natin maipakita na mahal natin sila. Hindi ko man lang masabi sa'yo na mahal kita, na nagpapasalamat akong naging nanay kita. Pero kahit ganun hindi ka nagsawang magmahal sa amin. Mas pinili mong  tumabi sa amin kesa hanapin ang ikaliligaya ng sarili mo dahil alam mong kaming mga anak mo ang tunay na nagpapaligaya sa'yo.

     Kung minsan nasasagot kita, sorry po. Minsan nga hindi pa kita pinapansin e. Pero ayaw mong nagyayari yun kaya kahit ganun kinakausap mo pa rin ako kahit wala lang sa akin ang mga sinasabi mo. Ang sama kong anak. Marami na ngang problema ang nanay ko dinadagdagan ko pa.

     Ma, sorry sa mga kagaguhan ko. Hindi ko lang siguro naiisip na ang mga bagay na ginagawa ko ay nakakasakit na sa inyo. Siguro nga po makasarili ako pero unti-unti ko nang natututuhan  ang mga bagay na tama at nakikita ko na ang mga bagay na  itinuro mo sa amin. Alam kong hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa inyo. Kayo ang dahilan kung bakit sa mga masasamang taong naglipanang sa paligid, hindi ako nagpadala sa kanila. kayo ang naging sandalan ko kahit pa hindi tayo madalas mmag-usap tungkol sa personal kong buhay. Hindi niyo man ako nnabibigyan ng mga advices, sa sarili niyo pa lang inspired na akong gumawa ng tama. Basta Ma, may pangarap ako para sa inyo. Gagawin ko kayong Donya! :))

     I Love You, Ma !!! Sana dumating ang araw na masabi ko sa inyo 'to. Salamat po sa lahat. Sa buhay na ibinigay niyo at sa mga aral na natutuhan ko. Happy Mother's Day! Sana maging masaya ka sa natitirang araw mo dito. At sana sa  kaligayahang iyon kami ang kasama mo at kami ang dahilan ng mga ngiti sa mukha mo. :))

Friday, May 7, 2010

Be Creative Dude!

     Ilang araw na lang eleksyon na kaya lahat ng pagpapasikat gagawin na ng mga pulitiko para lang makuha ang loob ng mga tao at sila ang iboto. Lumalabas na ang mga tunay na ugali ng ilan kung saan pati paninira gagawin para lang makaangat sa kalaban.

     Pero merong napakasimpleng paraan para maipakita na deserve nila ang posisyong kanilang gustong makuha. Napatunayan na 'to ng isang presidentiable candidate dahil among the others sa kanya ang attention-getter na ADVERTISEMENT.

     But that doesn't necessarily mean na sure ball panalo na siya. HOnestly, hindi ko siya gusto pero yung mga commercials niya are stunning. I mean, compare mo sa mga ibang pulitiko, he's far beyond the others as if mga newbies yung mga ibang pulitiko. Minsan nga nagtataka ako kung sino ang nakakaisip ng mga commercials niya 'coz honestly I want to give that/those person/s personally a super big hand. They were very creative. Galing!!!

     Kaya sana tuluran ng mga ibang pulitiko ang pagiging creative ng mga commercials niya. Hindi yung basta makagawa lang ng mga basura't patapong commercials. Well, of course hindi ko naman pera yung gagastusin nila di ba, pero hello??? Magkano ba ang bayad sa isang 30-second commercial. Milyon dude! At kung kakainisan lang iyun ng mga tao, nagsayang ka lang ng pera mo. Yun ay kung pera mo talaga. Ewan natin!

     Minsan nga parang gusto ko nang patayin yung TV dahil sa mga  kakabadtrip na commercials na 'to e. Minsan rin naisip ko kung jingle writing contest ba yung pinaglalabanan nila at hindi yung posisyon. At kung mga bata ba yung mga audience nila, as in kindergarten peeps, at hindi mga taong marunong magcriticize ng isang bagay. Nagtataka lang po. Tamaan wag magalit. I didn't mention names!!! :))

     Kagabi nga  putik yan ilang beses ko bang narinig ang 'DAANG MATUWID' yan. Nababadtrip ako! Pwede po ba wag mo na ipagpilitan ang kampanya mo sa daang matuwid? Hindi ka kasi nakakatuwa e. Sabi mo kami ang iyong lakas well kayo, para sa amin, nakakabanas!!! May gusto lang akong sabihin. Hindi ba sabi nila hindi lahat ng daang magaganda ay ang palaging tamang daan. Often than not, ito yung mga way na mapanlinlang. Kaya minsan we rather go through rough, crooked path 'coz at the end of the line, a better place is wating for us. Base lang sa napanood at mga nababasa ko. Nagpapaliwanag lang dude, walang personalan.

     Isa pa sa nagpapainit ng araw ko aside sa sobrang init sa Pinas ay itong isa pa ng presidentiable na nilalagyan ng kadena yung leeg ng mga tao. Hindi ako natutuwa sa nakikita ko e. Parang OA naman yun. Pero hindi yun ang kinaiinis ko. Okay naman sana siya kung ginawa lang mas creative  yung pagpapakita.  I mean,  sana nag-isip sila ng ibang way to express it hindi yung papaikutin yung mga tao sa isang lugar na akala mo ay maglalaro ng bilog-bilugan tapos may mga kadena tapos tatanggalin. So childish girl! Sinayang niyo po yung pagkakataon na ipakita na deserve niyo yung posisyon dahil lang sa ganitong pagkakamali. Next time kunin niyo ako. Ako gagawa ng commercial niyo at sure patok yan sa mga kaedad ko hindi sa mga apo mo. Peace!!! :))

     Vice-presidentiables naman ang tirahin natin. Una na sympre si small but terrible guy. Bilib ako sa taong 'to 'coz after some days, napantayan na niya ang kalaban niya sa mga surveys. Galing. Okay na po yung mga commercials mo lalo na yung kay commercial na parang recommendation na rin ni 'Bamboo'. Kaya sana po hindi niyo na pinalitan yung jingle niyo. Wag niyo na po ipagsiksikan sa tono yung mga salitang 'number one na sa balota'. Alam po namin yun. Nasira lang kasi yung magandang jingle niyo e. Okay na yun dude. Tama na!

     Si 'palengke boy' naman hindi mo maintindihan yung commercial. Hindi ko malaman kung nagpapakabisaya o iniipit yung boses e. 'Ang init dito ahh' Ha? Ano? Mas maganda kung mapapanood niyo kaya abangan niyo na lang  yung commercial niya para mas maintindihan niyo ako. Zzzzz...

     Marami rin sa mga senatoriables ang mapang-usok-tengang commercials. Una na sa listahan ay ang babaeng pilit nagpapagakahiphop. Mabuti ba kung yung mga taong involve dun e mga hiphop talaga. Kaya lang hindi e. Mga taong mahilig sa classic at lovesongs ang mga naghihiphop. Be yourself na lang po. Wag mo ipagpilitan ang bagay na hindi bagay sa'yo. Nakakabanas lang. Sayang na nga effort sayang pa pera. Hindi kasi nakakatulong.

     Itong isang uugod-ugod na senatorial bet naku po, kakaantok yung commercial. Ipinaglaban niya yung longer life span ng tao sa senado este ng cellphone load pala. Salamat manong. Pero kung ako sa inyo magpahinga na kayo. Ipaubaya niyo na po sa akin yung pwesto niyo. Ako bahala sa lahat pati commercial niyo gagawin kong pangbagets hindi pangforgets. :|

     Buti pa yung ilang candidates nakahanap ng mga magagaling gumawa ng commercial like itong si Pinoy Henyo. Ang galing ng idea. Hindi nakakaumay. Napapanahon. Hindi trying hard. Sama mo pa yung mga magagaling na artistang kasama. Super effective pero hindi ko siya bet. HEHEHE. Yun lang.

     Pero ika nga nila, Simplicity is Beauty. Kaya para sa akin the best pa rin itong president bet ko. Next pala  siya sa isa ring presidentiable na binanggit ko na kanina na dapat tularan ng mga pulitikong walang talent. Galing at Talino ang panlaban niya. Hindi na niya kelangan maging trying hard dahil ang kanyang sarili mismo ang  maipagmamalaki niya sa tao. One jingle is enough para maipakita niya ang mga nagawa at kaya niyang gawin. Hindi niya kelangan i-flood ang mga Tv natin ng commercials niya para ipagsiksikan ang sarili niya sa atin. You're the man dude! Sulong!!! :))

     Kaya sana, wag na po kayong magpakatrying hard. Just be yourself. If you have the guts then you'll take what you got. Kung pleasing ka sa  tao, in one commercial lang makukuha mo ang gusto mo. Hindi natin mapipilit ang tao. May kanya-kanya tayong preferences at hindi lang sa isang commercial mababago ang mga ito. The facts is, it is really hard to take away our principles. It takes time and that time usually pertains to  one life. :))

Thursday, May 6, 2010

What Will I Do???

     Kanina pag-uwi ni ate may binalita sa mga kapitbahay namin. Sabi niya namimigay raw yung isang pulitiko ng 500 pesos sa isang baranggay sa amin. E di ba bawal yun? Vote buying yun e. Naku, talamak na talaga ang dugaan. Lahat gagawin para lang manalo.

     Pagdating naman ni mama from meeting with one mayoralty candidate dito, binigyan niya ako ng 50 pesos. Tanong ko kung para saan 'to? Sabi niya balato raw. HA? Bakit ma nanalo ka sa lotto? Sabi niya hindi raw, binigyan raw sila ng mokong na pulitikong ito ng 1000 pesos. Ha? Bawal yun di ba? Vote buying yun e. Parang ito yung sinabi ko kanina ahh. HAHAHA

     Hala anong gagawin ko? Gusto kong maging mabuting mamamayan pero panu yun kung alam kong nakikinabang naman si mama dito, kung nakikinabang ako? Gusto kong magsumbong pero parang may pumupigil sa katawan ko. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Hindi ko maitama ang alam ko namang mali dahil lang sa pamilya ko. Alam ko namang mali ito e pero hindi ko lang alam kung paano ko sisimula yung pagtama dito.

     Matagal na akong nakakarinig ng ganito sa lugar namin tuwing eleksyon. Honestly si mama laging maraming pera tuwing eleksyon e. Aside from being poll watchers, may iba pa siyang pinagkakaabalahan. But hindi siya source ng dayaan ahh. Binabayaran lang sila ng mga gagong puliko dito para mangalap ng boto sa tao. Dati nga nagbalot sila ng bigas sa  bahay namin para ibigay sa mga tao e. Pero wala lang sa akin yun kasi hindi ko pa alam yung worth ng bawat  boto. Pero ngayong alam ko na hindi ko naman magawa yung gusto kong mangyari.

      Ayaw ko naman mapahamak si mama kung sakaling magsumbong ako. Pero sa tingin ko hindi naman siya mapapahamak kasi hindi naman  rin niya ginusto yun e. Nataon lang na nadamay siya dahil sa mga grupo-grupo  dito para sa isang pulitiko. Kung baga sa national politics, may liberal party, may nacionalista. Parang ganun din sa LOcal yun nga lang mas tago yung vote buying.

    Ewan ko ba. Minsan gusto kong pagsabihan si mama kaya lang hindi naman kami masyadong close nun e. I mean hindi kami nag-uusap about personal life. Kanya-kanya kami dito. Kaya sakaling pagsabihan ko siya baka mapahiya lang ako. Baka hindi rin siya makinig. Sympre nakakahiya nnga naman yung pangaralan ng anak yung magulang niya  di ba.

     Paano ba 'to? Ang hirap talaga maipit sa mga ganitong bagay. Sana maayos ko 'to. At sana may tumulong sa akin. Bahala na si batman. Malapit na eleksyon kelangan ko nang gumalaw. Grrr. Mamatay na sana yung mga pulitikong 'to. Ang gugulo niyo. Badtrip !!! X_X

Wedding Day

     Ang hirap talaga pag alam mong mababawasan na naman kayo ng one member of the family. Minsan nakakalungkot although masaya ka para sa taong yun. Parang nakakapanibago tuloy kasi umuunti kami sa bahay. Sabi nga ni mama, nakakawalang-gana kumain, ang unti na lang kasi namin sa bahay e.

      Wedding ni ate kahapon. Ang saya. Successful naman yung event although may mga incidences na ewan ko ba kung challenge sa amin yun. Una, nasira yung van na sinasakyan namin papunta sa venue kaya nagtaxi kaming lahat. At ang next, since sira yung sasakyan namin wala na kaming gagamitin pauwi, kaya taxi ulit kami. Traffic, kaya ibinaba kami sa Herritage Hotel. Malayo pa kami dun manong, pakyu ka! Nilakad tuloy namin yung mainit na EDSA hanggang sa makakuha kami ng masasakyan ulit. Di ko alam kung sino malas sa amin. Pero ako lang naman yung laging nag-iisang present sa dalawang incident na yun e. May balat ata ako sa pwet.

     Ang dami talagang arte ng mga babae. Alas-sais pa lang mga gising na nagsisipag-ayusan na e 10 pa kami aalis ng bahay. MAke-up dito, make doon. Ayos dito,  ayos dun. Hoy mamaya pa  alis na natin wag kayo excited. At ang pinagtataka ko, kelangan ba talang i-iron yung hair every after ma-blower? Para san?  E di ba yung blowet pampatuyo ng buhok pero nakakastraight din ng buhok? E bakit pa magpaplantsa? trip lang? Pampataas ng kuryente? Adik.

     Hindi  ako nakakain ng maayos sa max's busy bee kasi ako e. Ako kasi yung picturer. Kakabadtrip pa yung isang kamag-anak ni Kuya Nhiel, utusan ba naman ako lagi. Hello may waiter po, bisita ako dito. Saka alam ko po yung gagawin kong pagkuha ng pic. Alam ko yung mga anggulo kahit hindi ako nag-aral ng photography. That's what you called creativity po. Meron po ako nun kaya wag niyo po akong utusan. Utusan mo na lang po yung anak mo. ok na po??

     Buti na lang mabait ako at hindi ko sinabi sa kanya 'tong mga 'to. Well, back to shooting ako. Si ate mukhang tanga lang. Kinakasal siya tas tumitingin sa camera tuwing kukuhaan ko ng picture.  Hoy, makinig ka sa mga pangaral. Popost pa e. Well, pupuriin ko ulit mga kuha ko kasi nagagandahan ako e. hehehe.

     Ang bilis magsalita nung nagkakasal. May next meeting po kayo? O nagpapasikat lang? Marathon po? Pwede po bagalan? Di ko po maintindihan yung sinasabi niyo. Wag na po kayo mangaral sayang laway niyo wala pong naintindihan yung mga kinasal. HAHAHA. Peace yow! ANg bilis naman kasi magsalita e pwede namang mabagal para mas maintindihan. Wala naman pong time limit e. Ang akala ko nga talaga may next meeting pa siya e kaya lang makita-kita ko nakapost sa camera nung picture taking na. HAnep!!!

    After ng kasal umuwi na kami sa bahay at dahil sa sobrang init parang gusto kong magtampisaw sa  bahang nakita ko sa may bandang Roxas Boulevard. Adik to ahh, ang init-init may baha. Pag-uwi ko aalis na daw ulit to Cavite. Ha? pwede po magpahinga? Kararating ko pa lang, ni tumapak sa bahay di ko pa nagagawa, tapos alis na ulit. Relax lang dude. Panu nagagalit na daw yung driver.  Ano? Siya pa nagalit ahh. Bakit hindi ba siya binabayaran? Gago 'to si manong driver ahh. Yung  mga kasama ko naman nagpapadala sa galit ng mokong na 'to. Bahala kayo diyan petiks lang ako dito. VIP ako e. Hindi niyo rin naman ako iiwan e.

     While on trip, grabe ang init. Parang gusto ko nang mamatay. Hindi pa nga nakakarecover yung balat ko from swmming tapos iitim na naman. At as usual ilang beses akong nagtanong kung malapit na ba kami sa Dasma. Halos maumay na nga sila kakasagot e. Like what I've said here, ayaw koo talaga bumiyahe, mas gusto ko pang maglakad. Pero sa ganitong init, naku mas gugustuhin ko pang maging estatwa. Sana nga meron fan na nabibili na mallamig yung binubugang hangin, hindi aircon ahh,  yung handy. Nagrequest? HAHAHA

     Nakikita ko naman si ate na masaya e. Alam ko namang mahal siya ng asawa niya. Saksi ako sa relasyon nila. Kahit moody yung ate ko, napakikisamahan pa rin siya ni Kuya kaya alam kong they are meant for each other. Kaya lang parang masyadong pang bata si ate para magpakasal e. 23 lang kasi siya. Pero baka rin kasi gusto na talaga nila lalo na kasi aalis na naman yung asawa niya. Kakauwi lang nun from Japan tapos aalis na ulit.

     Sana nga magtagal sila. Hindi. Alam kong magtatagal sila forever and ever, AMEN. Peace! Sa Cavite na titira si ate, sa bahay nila. Dadalaw-dalaw na lang ako dun lalo pa't wala siyang makakasama dun kasi aalis na ulit yung asawa niya. Pero sana dito muna siya habang wala pa yung asawa niya. PWede ba yun? Iiwan niya lang yung bahay dun. HAHAHA

     Hay naku, 2 down, 4 to go. Sino na lang matitira sa bahay. HAHAHA. Survivor of the fittest. Basta ako matagal pa. Searching pa. LOL. Bata pa ako mahaba ang panahon.

Saturday, May 1, 2010

Swimming with Barkada

     Salamat at nangyari na rin ang bagay na gusto ko nang gawin nung hayskul pa lang ako. Ang magswmming kasama ang mga kaibigan ko. Sa totoo lang ngayon pa lang 'to nangyari. Una wala naman kasi kaming mga pera noon. Saka yung iba nasa bakasyon. Ewan ko kung busy ba sila o ayaw lang nila. Well may point naman kasi yung iba kasi nga magkikita-kita pa rin naman kami after vacation. Pero ngayon, hindi na kasi iba na yung mga skul na pinapasukan namin. Kaya yung urge na mangyari 'to nandoon talaga, matindi pa!

     Akala ko nga hindi pa matutuloy e kasi yung iba, well majority ay hindi nakikicooperate. Ginawa ko na lahat para macontact sila pero wala talaga. Gumawa ako ng invitation at nag-gm sa facebook, itext sila with Carla ng paulit-ulit kahit naka-sun ako sila other networks. Inubos ko na pera ko para lang macontact sila pero wala talaga. Nagsama pa ako ng pampalubag na message para sumama sila-- don't depend your decision to the number of attendees. Everyone is worth to be with. Marami o unti, we all misses each other. Pero di mo talaga mapipilit ang ayaw. Kaya yun, in the end sa 39 na magkakaklase, 8 lang kaming pumunta.

     At buti na lang malakas fighting spirit namin lalo ni na Latot na go na go talaga sa swmming na 'to. I understand naman the situation of others kasi may mga summer classes sila yung iba naman walang pera pero sana kahit papaano they spend ONE PESO para magreply sa mga text ko. Hindi yung nag-aantay ako sa wala. Yung iba alam ko namang hindi talaga sasama pero yung iba? grrr. okay lang!!!

     Despite of it, masaya naman ang naging 'reunion' ng barkada. Sympre yung tandem namin ni Lala walang kapantay yan. Sama mo pa yung mga korning jokes ni Aldin, wala na. Sabayan pa ng kumukutching tirada ni Niño at Igi at ng maharot na birada ni Kim, wala na gulo-gulo na talaga. Sympre may lovebirds kaming kasama, ang still going-strong relationship ni Drin at Gelie. O di ba kahit walo kami kumpleto rekados pa rin. Halos mawalan na nga ako ng hininga kakatawa e.

     Hindi ako marunong lumangoy... Ang lakas ng loob kong magswimming hindi naman pala ako marunong lumangoy. HAHA. Languyan nga sila palagi samantalang ako nasa isang sulok ng pool, nakatayo. Sana nga nagdala ako ng tabo para mabasa man lang yung ulo ko. Niyayaya ko sila maglaro na makakarelate ako kaya lang wala talaga. Kelangan talaga marunong lumangoy. HAHAHA.

     Naglaro sila ng hanapan piso, sumali ako. Tangna yan, bakit hindi ako makalubog. Badtrip hindi ko tuloy makuha yung piso sa ilalim. Pero sinubukan ko pa rin at di naman nagtagal at nakakakuha na rin ako. Palakpakan. Well, yun lang ang game na alam ko kaya tagakuha na lang ako ng mga pictures. Kahit sa pool mismo dinala ko yung cam para lang may magawa ako. Mabasa na ang mabasa. Masira na ang masira. Wuhhooo. Sarap kumuha ng pics.

     Binuksan na yung slide kaya takbuhan yung mga tao. Ako, hindi ko pa alam kung makikipag-unahan ako. Baka kasi malunod ako. Pero sige game ako. Bahala na mamatay. Pumila kami. Pakshit kami na pala. Honestly ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba 'to para lang akong tanga. HAHAHA. Nung kami na bahala na si batman. Sign of the cross dude! Buti na lang hindi ako namatay pero halos hindi ako makatayo nun nadudulas kasi yung paa ko sa floor. Buti na lang nakita ko yung braso ni Drin kumapit ako at patay malisya para naman hindi ako mapahiya. 4FT lang pala yung babagsakan tapos malulunod pa ako. HAHAHA

     Sayang ang bilis ng oras. Uuwi na naman kami. Hiwa-hiwalay na ulit. Pero that was a great reunion peeps. Ang saya talaga ng araw ko pag kayo kasama ko. Sana marami nang sumama next time. Thanks sa inyong lahat.

     I've realized something after this... Pagnagkapera na ako mag-aaral akong magswmming. :))