Tuesday, 11 August 2009

Katamaran ng Estudyante!!!!

7:30 na hindi pa ako nakakaalis ng bahay!!! panigurado late na naman akoh nito. . pero ookz lang!!! kakatamad kasi pumasok. . buti nga pumasok pa kesa absent!

Habang nasa daan hindi ko lam ang bagal pala ng lakad ko. . pinagtitinginan akoh ng mga tao. baka iniisip nung mga yon nabubuang na ako!!! Pero wala pa rin akong paki, kakatamad maglakad ee, , bakit ba? Ang sarap kaya maglakad pag mabagal!

Sa LRT kakabanas, ang daming tao! lagi na lang maraming tao. Minsan natatanong ko sa sarili koh "bakit pag unti tao sa baclaran station unti rin ung tao sa edsa. .pero pag dumog ang baclaran station mas marami pa ung sa edsa?" kelangan ba ganun lagi? at bago ka pa makalabas gusot na damit mo! Kulang na lang habulin ka ng flat iron para mawala ung gusot!

Haayyy. . Salamat nakalabas din sa impyernong lugar na yun. Ang init, parang walang aircon ung loob! Nagtitipid ata sila.

Alas otso na papasok pa lang akoh ng benilde. Kinakanta na ung hymm ng Benilde so kelangan kong huminto for respect! At kung hindi naman kasi akoh huminto, D.O abot ko!!! kawawa namana koh kung ganun, haha after ten minutes lakad-pagong na naman ako. Third floor pa lang hingal na ako. Punta muna ako C.R. tutal late na naman ako, sagarin na naten! Saka sira ung C.R sa fourth floor, ilang linggo ng under maintenance hanggang ngaun under maintenance pa rin!

Paglabas ko panibagong pakikipagsapalaran na naman. Akyat ulit ng hagdan! Bago pa man ako makarating sa classroom ko, tunaw na ung breakfast na kinain ko! Exactly 8:30 pumasok akoh sa class. Ayon, parang wala lang nangyari. Ung prof walang question bakit ka late? panu wala rin naman kasi syang records for the attendance.

haayyy, buhay nga naman!!!

No comments: