Saturday, 15 August 2009

First Assignment

Nagpunta ako sa SAO, department ng mga volunteer students, volunteer kasi ako. Meron kasi ngayong packaging ng goods for the victims of typhoon kiko in Zambales. Nagpunta ako para tumulong. Unfortunately, tapos na pala. Pinadala na nila sa Zambales. Pero tuloy pa rin donations.

Since nandito na rin naman ako, binigyan nila ako ng assignment. First assignment ko as a volunteer. Simple lang naman. Kelangan kong i.post ung mga posters nila about nga sa donations for the victims. Tatlo lang naman ung pinapost nila sa akin. Yung iba kasi sa SDA na ipopost. Okay! Hawak ko na ung poster and the stapler. Lets get it on!!!

Hirap pala maghanap ng pwesto para magpost. Dami kasing nakalagay sa bulletin boards ee. Okay bahala na kung saan ko to ilalagay!!! Punta ako benilde building baka dun may pwesto, 2nd floor wala. 3rd floor wala rin. 4th floor, pls sana meron. Okay may bakante. Geh post ko na to! One down, two more. Hanap...Hanap...Hanap... Sa Solomon building may vacant!!! okay second poster dito ka!!! haha. Wow isa lang, saan ko kaya to lalagay??? solomon building 2nd floor, wala. 3rd floor wala. 4th floor wala rin!!! Geh Duerr naman ako 2nd floor, wala rin. 3rd wala, 4th, wala ulet. last chance ko Mutien!!! 2nd floor puno. 3rd may vacant kaya lang pag.aari yun ng OCA ee. Geh bahala na paalam na lang ako kung pwede ko ipost. Wow After 30 minutes ng paghahanap na.ipost ko rin!!! tnx OCA!!!

Balik SAO ako. Kugn gusto ko raw, sama raw ako sa pagpost ng mga posters at pagbigay ng flyers sa SDA. Same purpose. Para pa rin sa donations. Okay paninindigan ko na to!!! Sasama ako. Mga 1:30 pa raw. Geh comlab muna ako!!!

1:40 na... Ayy nakalimutan ko. geh out na muna ako!!! May appointment pa ako sa SAO. Nakilala ko dun ung iba ko pang mga c0-volunteers. Si Shane, si Jo at si Baron. Lahat sila medyo matagalk na sa SAO. Ako lang yun bago. Geh punta na kami sa SDA!!!

Ako and Jo ang assigned for the flyers. Si Baron naman sa posters. Geh simulan na toh!!! "Excuse me, donations lang poh for the victims of typhoon kiko in zambales!!!" Nakakahiya. Para akong namamalimos sa mga mayayamang to!!! Pero ookz lang. Trabaho yan!!! Tuloy ulit ako. "Excuse me. Donations for the victims of typhoon Kiko in Zambales!!!" Sana magbigay ung mga to. Para worth it naman ung pagod ko!!!

Iba.iba ung mga reactions nila. Ung isang grupong binigyan ko sa 9th floor, naaawa sila "ahhh, kawawa naman" ganun ung reactions nila. Meron naman sa may caft sa 12th floor, nakipag.usap pa sa akin. "Di ba ito ung sa bibstud, pinapadal kasi kami ng ganto ee" Sabi ko "ahh baka sa prof nio lang yun. Iba kasi to ee, SAO project to." Yung iba naman parang walang pakialam. Binigayan ko, binasa, inipit sa kung saan tas balik sa laptops nila. May korean akong binigyan. Binigyan ko tapos nag.explain ako ng tagalog. Hindi ata ako naintindihan. Hindi ko kasi napansin nung una na Korean pala xa. . haha

Okay unti na lang flyers ko. Baba kami sa ground floor. Lahat ng students dun binigyan ko para maubos na ung flyers ko. Saka antok na rin yung mata ko!!! Kelangan ko ng matulog. Lahat ng papasok binigyan ko. 3...2...1... Yahoo!!!ubos na!!!

Wow, natapos rin!!!! salamat

Tnx sa mga bago kong kaibigan at sa bagong experience!!! Sarap pala maging volunteer!!! Geh paninindigan ko na toh!!! hahaha =))))))))))))))

No comments: