February 22, 1986 noong unang ipinakita ng mga Pilipino ang tunay na lakas ng pagkakaisa sa boung mundo para makamit ang inaasam na kalayaan. Hindi pa ako ipinapanganak noong mga panahong iyon pero sa tuwing ikinukwento sa akin ng mga teachers ko at mga magulang ko, na mga saksi sa tunay na naganap noong mga panahong iyon, laging tumitindig ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung anong meron sa kwentong iyon basta ang alam ko, nakatatak na ito sa kasaysayan nating mga Pilipino.
Panahon iyon ng rehimeng Marcos nang buong lakas na lumaban ang mga Pilipino sa sarili nitong Gobyerno. Matapos ang malupit at abusong paggamit sa kapangyarihan, hindi rin natiis ng mga tao ang maupo't panoorin ang mga demonyong tawa ng mga nakupo sa pwesto.
Habang pinag-aaralan namin noon ang mga Pangulo ng Pilipinas sa History subject ko, sa tingin ko si Pangulong Marcos ang terminong may pinakamabilis na progreso. Ilang taon pa lang ang nakakalipas simula ng manungkulan siya sa kanyang pwesto bilang pangulo, marami na siyang naipatayong mga gusali at pinabulaan pa niya ang paggamit ng wikang Filipino sa mga sangay ng gobyerno. Tunay nga siyang magaling pagdating sa kanyang propesyon. Pero ang pagkasilaw sa kapangyarihan ang tuluyang nagpabagsak sa kanya.
September 21, 1972 nang ginulat niya ang sambayanang Pilipino dahil sa pagdeklara ng Martial Law. Ito ay ang pagsasailalim ng buong Pilipinas sa kapangyarihan ng Militar mula na rin sa kanyang kamay. Kinamkam niya ang pera ng mga tao at ng Pilipinas para sa kanyang sariili't pamilya. Dahil dito tuluyan na ngang lumubog ang ekonomiya ng Pilipinas. Nagsimula na rin ang kabundok na utang ng ating Gobyerno sa ibang bansa. Hindi pa natatapos diyan, ipinag-utos rin niya ang pagpatay sa mga politikong kumakalaban sa kanya. Isa na nga rito si Former Senator Benigno "Ninoy" Aquino.
Ipinahuli, ikinulong, at ipinatapon upang tuluyan na siyang layuan at tigilan ng taong walang takot na inilalahad sa madla ang dungis ng Rehimeng iyon. Siya nga ang bayani ng mga Pilipino. Pero dahil sa tapang na kanyang ipinakita, kalupitan ang kanyang natamo.
August 21, 1983, pinatay si Ninoy ng taong hindi pa nakilala magpasahanggang ngayon. Ito na rin ang naging araw ng pagkamulat ng mga Pilipino sa kanilang pagkakatulog. Hudyat ng bagong umaga. Hudyat ng bagong pag-asa.
Ipinagpatuloy ni Cory Aquino, maybahay ni Ninoy, ang labang naiwan ng kanyang asawa. November 23, 1985 nang inihayag ni Pang. Marcos ang Snap Election, prior from the pressure of US government. Ito ay para mapatunayang nararapat si Marcos na manatili at kontrolin ang Pilipinas. February 7, 1986 nang simulan ang eleksyon. Matapos ang ilang araw na pagbibilang ng boto, inilabas ng COMELEC ang resulta, si Marcos bilang panalo sa eleksyon. Sa kabilang banda, ayon naman sa bilang ng NAMFREL, si Cory ang tunay na nagwagi. Ang eleksyong ito ay punong-puno ng panduruga at manipulasyon kung kaya nagwalk-out ang 29 COMELEC Computer Technicians. Ito ang unang pagkinang ng Peolpe Revolution.
Sa kabila ng nakakahiyang eleksyon, idineklara pa rin ng COMELEC at Batasang Pambansa Si Pang. Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa Oathtaking naman Ni Pang. Aquino, hinikayat niya ang lahat ng Pilipino na iboycott ang lahat ng media at negosyo ng mga Marcos's cronies. Dahil dito nalugi ang lahat ng mga negosyo ng mga gamay ni Pang. Marcos. Hinikayat din ni Pang. Aquino na magpunta ang lahat sa EDSA para sa binalak na malawakang rally laban sa Gobyernong Marcos.
Sa hindi inaasahan, nagtungo ang milyun-milyong Pilipino para magkaisa at mapabagsak ang rehimeng ito. Bata man o matanda, mayaman o mahirap, mga pulitiko, mga negosyante at mga kawani ng Simbahan ay nagtungo upang suportahan ang labang ito.
Dahil na rin sa pagkakaisa at pagdarasal, nakamit rin nating mga Pilipino ang kalayaan mula sa malupit na kamay ng dating pangulo.
Masarap balik-balikan ang mga kwento noong araw na iyon. Masarap sariwain sa isip ng mga Pilipino. Masarap alalahanin na minsan sa ating kasaysayan, nagkaisa ang mga Pilipino para sa kapakanan ng buong Pilipinas. Muli pa itong nangyari sa dalawang magkasunod na pangyayari. Pero sana hindi na ito maulit pa. Kung dati'y tiningala tayo sa buong mundo dahil sa tapang na ating ipinakita, sa tingin ko, kung muling mangyayari ito, hindi na papuri ang ating malalasap. Baka kritisismo at mga nakakahiyang salita ang ating marinig.
Oo nga't sa mga ganitong sitwasyon nakikita ang pagtutulungan ng mga Pilipino pero dapat pa ba nating hintayin ang ganitong pangyayari bago tayo magtulungan? Ngayong nalalapit na ang eleksyon sana iboto natin ang taong tunay na nararapat sa posisyon sa Malakanyang. Sana gamitin natin ng mapanuri at tama ang karapatang ibinigay sa atin para bumoto. Sa isang pagkakamali lamang natin, mababago ang buhay nagbawat Pilipino. Mahirap na ang buhay ngayon. Huwag na nating dagdagan pa. Bagkus kumilos tayo ng nararapat para makamit ang ginahawang ating laging pinapangarap.
No comments:
Post a Comment