Friday, February 19, 2010

Dapat Bang Tularan Si Robinhood?

  
     Bata pa lang ako naririnig ko na ang istorya ni Robinhood. Sabi nila hindi naman daw masama ang magnakaw kung maganda naman ang intensyon ng taong gumagawa noon. Wala naman daw kasalanan si Robinhood kung ginawa niya iyon sapagkat sabi nila hindi niya kayang makita ang mga taong naghihirap. Kung titignan mo talaga ang sitwasyon, kahit ako taas-noo ko pang sasabihing tama iyon dahil ang pagtulong sa kapwa ang mas nangingibabaw sa aktong iyon kesa sa pagnanakaw. At kung sasabihin ko ito sa bata, baka tularan pa niya si Robinhood.

     Pero sa mura kong edad noon, natanong ko rin kahit minsan sa sarili ko kung tama nga bang talaga si Robinhood? Sabi ng mga magulang ko mali daw ang magnakaw. Pero tama ang tumulong sa kapwa. Kaya gulo ang idinulot sa akin ng kwento ni Robinhood. Pero dahil alam ko namang mali ang magnakaw, hinayaan ko na lang na kwento si Robinhood.

     Ngayon sa paglaki ko, nahanap ko na rin sa wakas ang sagot sa tanong ko noon. Bakit nga ba ngayon ko lang nahanap iyon? Hindi ko alam isang Catholic School lang pala ang sagot dito.

     Well, ayon sa teacher ko ngayon sa isa kong Religion subject, may batayan daw para masabing tama o mali ang gawi ng isang tao. Kung titignan kasi ngayon, marami ang mga krimeng nagaganap na minsan hindi na natin alam kung tama at may hustisya pa bang masasabi kung ang taong nakapatay ay hindi naman talaga intensyong pumatay. Ibig kong sabihin, paano kung mali ang ginawa ng isang tao pero para naman iyon sa kapakanan ng nakararami. Kung baga, sa case ng patayan, hindi naman sinasadyang napatay mo ang isang tao. Dapat ka nga bang parusahan?

     Balik tayo kay Robinhood. Para masabing tama ang ginawa ng isang tao, kailangang mayroong FREEDOM at CONSCIENCE noong naganap ang isang kasalanan. Sa kaso ni Robinhood, mayroon siyang kalayaan noong ginagawa niya iyon. E paano nga ba magiging hindi malaya ang isang akto? Ito ay kapag may mga balakid na tulad ng "Ignorance", "Unbridled Concupiscence", at "Violent Emotions." Sa oras na iyon, wala naman sa nabanggit ang maaaring bumalakid kay Robinhood. Kung kaya malaya siyang nagnanakaw. At dahil diyan lusot si Robinhood sa kasong iyan. Bakit? Simple lang, dahil malaya niyang ginawa ang pagnanakaw. Pero may isa pang batayan para masabing tama ang ginawa niya. Ang ating Konsensya.

     Mayroon bang presence of Conscience sa aktong iyon? Paano nga ba masasabing tama ang konsensya? (Remember, Conscience is not evil but it could be erroneous!) Well, masasabi nating tama ang konsensya kung naaayon ito sa mga nasusulat sa Bibliya at kung sinusunod nito ang mga katuruan ng Simbahan. Sa kaso ni Robinhood, wala at hindi kailanman nabanggit at tinuro ng Bibliya at Simbahan ang pagnanakaw. Dahil diyan hindi niya nakumpleto ang dalawang requirements para masabing tama ang isang akto. Kung gayon, mali si Robinhood. Oo nga't naitanim na sa ating isipan ang kabutihan ni Robinhood pero sa kasamaang-palad ang pagnanakaw ay isa pa ring kasalanan.

     Hindi lang ito para kay Robinhood. Para ito sa lahat. Para maisip natin kung tama ba ang ginawa at gagawin natin. Sana magsilbing aral ito sa lahat. Marami na kasing mga kamalian akong nakikita sa bansang ito. At sa tingin ko ito ang dahilang kung bakit naghihirap tayo. At para mabawasan naman ang mga iyon kahit papaano, magpapaka-pari muna ako. Sana maiaplay ninyo ng MAAYOS sa buhay ninyo ang mga nabanggit ko. Ayaw kong nakikitang mahirap ang Pilipinas kaya kahit sa simpleng paraan alam kong may maitutulong ako para sa bansa ko!!! =))

    

    

     

No comments: