My nephew has just celebrated his 3rd birthday yesterday. Naging masaya naman yung party although inulan yung event. Tinuloy na lang namin sa loob ng bahay yung magics and other stuffs na gagawin ng mga clowns. You might think bakit parang there's nothing special naman sa 3rd birthday. Usually kasi grand celebrations are at the first and seventh birthday di ba. Well, hindi kasi nakapagcelebrate ng grande yung pamangkin ko at his first birthday. Wala kasing pera kaya binawi na lang sa 3rd. Reason!
I should haven't missed this event kaya nagcut ako sa klase para lang maka-attend. First week of schooling absent agad. Yan ang estudyante. At pagdating ko pa sa bahay wala na. Biglang umulan. Dapat ata di na lang ako umuwi para nakapag-enjoy sila sa event. Im a jinx! M-A-L-A-S malas! :(
Unti-unti nang lumalaki mga pamangkin ko. That means tumatanda na ako. HAHA. Pero ang sarap sa bahay kapag may bata e. Sila ang kapalit ng mga laruan ko nung bata pa ako. Ang sarap makipaglokohan sa mga 'to e. At mas nakakatuwa kapag nakakapagbigkas sila ng mga bagay na dapat matanda lang ang nakakaalam. Ang kyut!
Minsan nga pagpupunta ako sa bahay nila tas tulog sila, pinagmamasdan ko sila. Iniimagine ko yung size nila nung newly born pa lang sila. And I will immediately comment na parang ang bilis talaga ng panahon. Before, during the labor of my sister sa first son niya, pabalik-balik ako sa hospital para malaman kung naipanganak na niya. Ilang beses akong nagpabalik-balik dun. At ilang beses rin akong napagod sa sobrang tagal lumabas ng baby. In the end, sa malapit na private clinic na lang dinala and at last, celebration na!
Yung second baby naman e sa bahay lang iniluwal. Third year ako nun and 3pm yung uwi ko. But instead of going home, sa ibang bahay ako pumunta. Nandun kasi si ate naglalabor. At baka marinig ko yung boses niya pagilalabas na yung baby. Di ko kaya e. HAHA.
And now, nakakalungkot na ang bilis dumaan ng panahon. Pero what's worth with it was the time na nagkausap yung isang ate ko and yung panganay kong pamangkin. My sister asked my nephew kung sino ang mabait sa lahat. BTW, my older nephew was 5 years old. Enough age to observe and comment right. Among all of the names my sister have told including his parents, only one was he thinks mabait. Well, he said " si tito bunso". *Ehhemm*. Ako lang naman yun! :))
Kaya nakakaflatter na kahit minsan napapagalitan ko sila, naapreciate pa rin nila yung care ko sa kanila. And that was really an overwhelming emotion. Sa bata na nanggaling yan! HAHA. Kaya I was hoping na kahit di na sila bata sana barkada pa rin kami. Hindi naman kasi nalalayo edad ko sa kanila. HAHA. Kaya nga sa tingin ko I understand them better than the others. Pati kalokohan kasabwat ako ang mga yan. And at times ako pa ang nag-eencourage na gumawa ng kalokohan. Bata e. Let them enjoy the happiness and pain. They will realize din naman na mali ang isang bagay in some time. Guidance lang ang role natin!
For now, full utilization of time lang ang kaya kong gawin para sa kanila. Para no regrets from the time they will reach teens and older :))
No comments:
Post a Comment