Thursday, May 6, 2010

What Will I Do???

     Kanina pag-uwi ni ate may binalita sa mga kapitbahay namin. Sabi niya namimigay raw yung isang pulitiko ng 500 pesos sa isang baranggay sa amin. E di ba bawal yun? Vote buying yun e. Naku, talamak na talaga ang dugaan. Lahat gagawin para lang manalo.

     Pagdating naman ni mama from meeting with one mayoralty candidate dito, binigyan niya ako ng 50 pesos. Tanong ko kung para saan 'to? Sabi niya balato raw. HA? Bakit ma nanalo ka sa lotto? Sabi niya hindi raw, binigyan raw sila ng mokong na pulitikong ito ng 1000 pesos. Ha? Bawal yun di ba? Vote buying yun e. Parang ito yung sinabi ko kanina ahh. HAHAHA

     Hala anong gagawin ko? Gusto kong maging mabuting mamamayan pero panu yun kung alam kong nakikinabang naman si mama dito, kung nakikinabang ako? Gusto kong magsumbong pero parang may pumupigil sa katawan ko. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Hindi ko maitama ang alam ko namang mali dahil lang sa pamilya ko. Alam ko namang mali ito e pero hindi ko lang alam kung paano ko sisimula yung pagtama dito.

     Matagal na akong nakakarinig ng ganito sa lugar namin tuwing eleksyon. Honestly si mama laging maraming pera tuwing eleksyon e. Aside from being poll watchers, may iba pa siyang pinagkakaabalahan. But hindi siya source ng dayaan ahh. Binabayaran lang sila ng mga gagong puliko dito para mangalap ng boto sa tao. Dati nga nagbalot sila ng bigas sa  bahay namin para ibigay sa mga tao e. Pero wala lang sa akin yun kasi hindi ko pa alam yung worth ng bawat  boto. Pero ngayong alam ko na hindi ko naman magawa yung gusto kong mangyari.

      Ayaw ko naman mapahamak si mama kung sakaling magsumbong ako. Pero sa tingin ko hindi naman siya mapapahamak kasi hindi naman  rin niya ginusto yun e. Nataon lang na nadamay siya dahil sa mga grupo-grupo  dito para sa isang pulitiko. Kung baga sa national politics, may liberal party, may nacionalista. Parang ganun din sa LOcal yun nga lang mas tago yung vote buying.

    Ewan ko ba. Minsan gusto kong pagsabihan si mama kaya lang hindi naman kami masyadong close nun e. I mean hindi kami nag-uusap about personal life. Kanya-kanya kami dito. Kaya sakaling pagsabihan ko siya baka mapahiya lang ako. Baka hindi rin siya makinig. Sympre nakakahiya nnga naman yung pangaralan ng anak yung magulang niya  di ba.

     Paano ba 'to? Ang hirap talaga maipit sa mga ganitong bagay. Sana maayos ko 'to. At sana may tumulong sa akin. Bahala na si batman. Malapit na eleksyon kelangan ko nang gumalaw. Grrr. Mamatay na sana yung mga pulitikong 'to. Ang gugulo niyo. Badtrip !!! X_X

3 comments:

Dante said...

yes you have all the right to think and feel that way. but brace yourself iho coz at your age, nag-uumpisa ka pa lang mamulat sa mga pangit na reyalidad ng buhay. and believe me, you're gonna see more.

politicians will do anything to win. even to the extent of handing out cash pampa-pogi. you can't blame them. besides, gold is the better option rather than guns or goons.

don't blame your mom too for accepting the money. a thousand pesos is a thousand pesos. tsaka hindi naman siguradong binebenta ng mom mo yong boto nya. ang daling tanggapin ng pera at yong talagang gusto nya ang iboboto nya di ba.

though i'm not saying it's right to do it. talagang mali. but these are the things na mali nga pero wala tayong magagawa. it's like that gas that you have to pass even if it smells awful.

and to answer your question kung ano ang gagawin mo? hold on fast to what you believe in. even if you cannot do anything at this point, just by keeping your own convictions is already something. and pray na marami pang katulad mong kabataan ang nag-iisip na tulad ng iniisip mo.

if in the future marami ang tulad mong gagamit ng tamang prinsipyo, then we can hope for a better life.

anthony said...
This comment has been removed by the author.
anthony said...

tnx for this sir. uugh. its really hard. bakit ba ang daming gago sa mundo. grrr.