When I was Higschool, siesta time naming mga magkakaibigan ang mag.observe ng mga tao. MAG.OBSERVE hindi para pag.aralan ung mga ugali nila. Kundi, MAG.OBSERVE para manglait ng tao. Ang sama namin noh? Pero dun kami masaya ee. Tanggap naman namin kung ano ung mga kapintasan namin ee.
Ngayong graduate na kami, hindi na namin nagagawa un. Minsan na lang pag.nagkikita.kita kame. Pero ako, tuloy pa rin. Kahit san ako magpunta, “nag.oobserve” ako ng mga tao. Mula sa bahay hanggang pagpasok sa school mga mukha at porma ng tao ang tinitignan ko.
Minsan, paglabas ko ng bahay tas naka corporate attire ako, may mga lalaking topless, punong.puno ng tattoe. Minsan tuloy iniisip ko baka mamaya holdapin ako ng mga to. E wala naman silang mahihita sa akin ee. Walang laman wallet ko, wala akong cellhone. Kaya okay lang kung holdapin nila ako, sila lang mapapahiya haha. Saka experience din yun. hindi pa kasi ako nahoholdap haha.
Marami akong mga nakakasabay sa paglalakad at hindi sila nakakaligtas sa paningin ko!. May mga todo porma, kala mo party ung pupuntahan un pala boy and saleslady lang sa Baclaran. Kung maka make.up kasi kala mo may date. Meron naman kung makatingin kala mo mas pogi pa sa akin. Ung mukha naman parang galing ibang planeta. May mga kung maglakad kala mo kanila ung daan. Samantalang mas masarap pa tignan ung kalsada kesa sa katauhan nila haha.
Paakyat na ako sa LRT, meron dun makikipag.unahan sau sa pila. Dami kasing tao lagi ee. Kala mo pila ng bigas ung pupuntahan. Kung pila nga yun ng bigas baka nakipag.away pa ako sa pila haha. Basta ako makapasok lang ako sa lrt okay na. Bahala kayong makipag.unahan! Sanay naman akong late ee. haha! Yung guard pa namang babae, ang sungit! Kung makasigaw kala mo nanay ko. Pwede naman kasing sabihin ng maayos maninigaw pa. Hindi ko lang naman nailagay sa table ung bag ko galit na. Crush ata ako nito ee. Tsktsk. Pagpila ko sa bilihan ng ticket, may nagmamadali. Nagtanim ata to ng bomba sa lrt ee!!! Pero wala pa rin akong paki! mamatay na ang mamatay haha. Ung babae naman sa unahan ko, bumili ng ticket to carriedo. Nagbayad pero hindi kinuha ung card niya! Si ate talaga, nagsayang ng pera. Adik!!! Okay turn ko na. “vito cruz”, Hindi narinig. “Vito cruz ho” wala pa rin!!! Bingi ata to ee. “Vviittoo ccrruuzz hhoo!!!” gagalitin pa ako ee.. aga.aga! tsk. Okay hawak ko na ung magnetic card ko. Papasok na sana ako, bigla kong napansin ung maglola. Pilit tinutulak nung lalaki ung revolving steel ata tawag dun. Basta ung pinto para makapasok sa lrt. Hindi mabuksan. Ayaw! Panu nga naman kasi bubukas un e hindi naman nia ininsert ung magnetic card nila. Adik! Naka.drugs ata! Gusto kong tumawa kaya lang baka naman ma.insulto sila. Kaya sa isip ko na lang sila ininulto haha. Masama pa rin!
Pagpasok ko sa lrt. Okay unti tao! Dito ako malapit sa pinto para mabilis makababa. Buti na lang unti lang tao. Hindi hussle!! Ung katapat kong lalaki, ang pogi ng buhok. Panigurado patay butiki pag nahulog sa buhok niya! Ung katabi naman niya, wala atang tulog. Kulang na lang humiga sa may gitna para feel at home!!! Halos malaglag na kasi sa pagkakaupo sa sobrang antok. Sa edsa, dumog na naman ung tao. Pero at least hindi katulad nung dati. May pumasok, barkada sila. Taga-benilde pa ata! Ang hangin ng mga to! Sabi nung isa “pre, buti na lang hindi ako sumama nung frosh night,kundi nagkita.kitakami ng mga -ex ko.” Ang hangin nito ahh, tinignan ko mukha, s*** ang pogi, kamukha ni pacman!!! T***i**, mukang yun may pumatol!!! hindi lang isa, madami pa raw! Hirap maniwala!!! Tumingin na lang ako sa labas, sa langit. Baka sakaling makita ko gusto kong makita.haha
“Vito cruz station, vito cruz” okay. babaan na!!! time for school na!!!
Hhaayy, kulang pa yan!!! Marami pa akong ibang napansin at iba pang mabibiktima ng malikot kong mata!!! =))))))
No comments:
Post a Comment