Friday, August 14, 2009

college!!! college??? college...

One morning, habang naglalakad akoh sa corridor ng Benilde, bigla kong natanong sarili koh, " parang kelan lang hindi ako dito naglalakad para pumunta sa classroom ko".

"Hindi ako nag-e-lrt para pumunta sa skul". Dati kasi dumadaan akoh sa isang eskinita sa may Pasay. Eskinitang kung mtatakutin ka mas mabuti pang wag ka na dumaan. O kaya wag ka na pumasok kung "masipag ka mag-aral." Pero ngayon sa may Baclaran na ako nadaan para pumunta sa Baclaran station. Dun hindi mo pa namumulat mata moh, sankatutak na ang tao. Okay na sana kasi marami ka nang kasabay sa paglalakad pero another prob na naman. Yung mga taong makakasalubong mo, walang pakialam sa tao sa paligid nila. I mean, kahit nakikita ka na sa harapan nila, bubungguin ka pa samantalang ang lawak-lawak ng daan. Pagsiksikan ba naman ung sarili sa dinadaanan ko. Halak ata mga kaluluwa ng mga to ee.

Dati, pajeep.jeep lang ako. Ngayon naka.lrt na ako! Sa jeep mainit. Kahit bagong ligo ka, magmumuka kang tigang at isang linggong hindi naligo. Parang minsan tuloy gusto kong maligo sa skul para fresh ulit. haha! Sa lrt naman, may aircon pero hindi mo ramdam. Nagtitipid ata. Ewan ko ba sa sa management. Hindi ba sulit binabayad namin??? Ngayon, hindi mo na kelangan pang magpara sa jeep para bumaba. Vito cruz destinasyon ko lapit lang. At least kung bababa ka, dun talaga sa dapat mong bababaan. Unlike sa jeep, sampung beses ka nang nag-para, wala pa ring pakialam ung driver. Kung babae lang ako iisipin ko may crush ata sakin ung driver!!! haha. Imbes sa may Pasay City Hall ako baba, sa may DFA na ako napupunta! Ang layo. Isang kilometro?? haha.

Minsan, nung highschool ako, napasok ako kahit walang id. Kindatan mo lang yung security guard, ookz na haha. o kaya kung naiwan mo magdahilan ka lang ng kung ano-ano. Pero ngayon, id ata ang pinakaimportante!!! Hmmm, hindi rin baon pa rin pala talaga!!! haha. Dati naman kung dala mo id moh, pakita mo lang na suot mo pwede ka nang makapasok, pwede mo na rin tanggalin kung nabibigatan ka sa id moh Pero ngayon, pa-swipe-swipe na ako. Nung first few days nga ng schooldays, hindi ko ginagamit yun ee. Pinapakita ko lang yung schedule ko. Hindi kasi ako marunong gumamit nung id dati ee. haha! Bakit ba? nagpapakatotoo lang naman! Till one time, may nagturo sa akin kung panu gamitn. I asked kasi. Sabi ko sa babae sa likod ko habang nakapila, "miss panu gamitin to?" kahit nakakahiya ginawa ko yun. At least natuto naman ako. may silbi talaga ang pagtatanong ee.

Nung highschool pa ako, hindi ako dumideretso sa classroom. Canteen muna ako pag gutom ako. Bahala na ung time. Tutal late na naman ako. Sagarin na naten. Pero ngayon diretso sa classroom. Ang mahal kasi ng mga pagkain ee. . Kulang nga ata ung baon ko sa mga bilihin dito sa Benilde ee. tsktsk. After canteen, akyat na ako sa "Mt. Everest." Sa fourth floor kasi ung classroom namen. Kapagod kaya umakyat! Pagdating dun, bubungad sakin yung teacher kong hindi ordinaryo. Kung magsalita kasi parang galit. Sabi niya hindi naman daw siya galit. ganun lang daw siya talaga. Pero pagpapasok ako ng late, grabe, masisindak ka sa boses niya! Yung tipong, mas gugustuhin mo pang umabsent kesa sermonan niya. Ngayon, kahit late ka ookz lang. Sulatan lang ng prof kong late sa index card ko, yun na yun! Wala nang kung anu.ano pang sermon!!!
Haayyy, ibang.iba talaga sa college!!! Minsan tuloy natatanong ko sa sairli ko "College na pala ako!!!" at sabay sigaw College na ako!!!

No comments: