Saturday, July 3, 2010

Probinsyano

     Simula pagkabata, dito na ako sa Manila tumira. Dito na ako lumaki at natuto. Maraming mga bagay na nakikita na dapat sa edad ko e inosente pa ako. Mga bagay na natututunan na sa tingin ko hindi pa dapat natatanim sa utak ng isang batang katulad ko.

     Pero ganun talaga dito. Na kahit anong pilit mong paglalayo ng sarili mo sa mga bagay-bagay, hindi ka pa rin makakatakas. Kahit anong gawin mo wala kang ligtas.

     Bata pa lang ako mulat na ang isip ko sa kasalanan ng lipunan. Hindi ko man malimit ginagawa hindi pa rin makakatakas ang mga mata ko sa ganitong bagay. Ilingon mo lang ang sarili mo sa paligid, makikita't makikita mo ang dungis na meron ang mga tao.

     Dahil sa mga bagay na 'to hindi ko rin maialis sa sarili ko ang mga bagay na alam kong makakasira sa sarili ko, sa buhay ko. Alam kong mali pero anong magagawa ko, tao lang ako. 'Talo lang ako' laging rason ng mga taong nagkakamali. Isisi ba sa buhay ang mga kagaguhan natin. E ganun talaga, sorry naman tao lang. :|

     Minsan nga gusto ko na lang lumayo dito sa Manila e. Parang sa mga oras na nandito ako, hindi ko pa rin maititigil ang mga kalokohan ko. Sa mga panahong magstay pa ako dito, baka hindi na kayanin ng katawan ko at bumigay na sa mga kabaliwan ng buhay ko.

     Nung nagbakasyon nga kami sa Laguna, nakilala ko dun yung isang kaibigan ko. At napakabait ng taong 'to. Malayong-malayo sa ugaling meron ako. At inosente sa karamihan ng nalalaman ko. Parang taong malayo sa sibilisasyon. Taong gusto rin kumawala sa kamangmangan kaya nangangarap na makapunta at tumira sa Manila.

     Kabaliktaran naman ng iniisip ko. Mas gugustuhin ko na lang maging inosente at ignorante sa buhay kesa magexplore at malaman ang lahat kung ang kapalit naman nito e sarili kong kabutihan. At mas gugustuhin ko na lang mamatay ng ganun at least heaven ang patutunguhan ko hindi impyerno.

     Meron din akong nakilala na taga-Pangasinan. Unang kita ko pa lang sa taong 'to alam ko mabait 'to kaya naging kaibigan ko na rin. Inosente pa sa kung anong meron sa Maynila. Only then ng malaman kong pati pala siya nahawa na sa sakit ng lugar na 'to. Kawawang bata. Nagpunta lang dito para magtrabaho at makaahon sa hirap pero ngayon may trabaho nga lapitin naman ng demonyo.

     Ano bang meron sa lugar na 'to at halos lahat na ata ng tao malapit sa kasalanan. Pati tuloy ako problemado sa gagawin ko. Pwede bang may bumababa na lang na angel at kunin ako para hindi ko na kelangan mamatay para lang makapunta sa heaven at para matigil na rin tong kahunghangan ko.

      Sana probinsyano na lang ako na nakatira sa bundok o sa isang remote area at halos sinauna ang pamumuhay. Siguro dun, peaceful ang buhay ko. Walang gulo, walang ganito. At wala rin sigurong Anthony Gaupo sa mundo. Doon tignan ko lang ang mga puno, ang langit o kaya ang dagat, ayos na. Naaksaya ko na ang isang araw ng buhay ko. Hindi ko na kelangan magbukas ng laptop at pumunta sa lahat ng sites na alam ko para lang sumaya at maubos ang isang buong araw ko. Hindi ko na kelangang pumunta kung sansan para lang magliwaliw at magpakasaya. Sa mga simpleng bagay, kuntento na ako. Hindi tulad ngayon na ginagawa ko pang kumplikado ang lahat para lang mahanap ang 'satisfaction' sa buhay ko kahit alam kong mali na. :((

    Pwede ba akong ipanganak ulit? Sana totoo na lang ang life after death at sana  sa susunod kong buhay maging probinsyano na lang ako na inosente sa mga maling bagay. At least hindi man ako nasa uso, malayo naman ako sa mga nakakamatay na kasalanan ng mundong 'to. :((

No comments: